CHAPTER 6.4

6.8K 189 1
                                    

"BA'T KA nandito? Mali ka yata ng pinuntahan," maiksing tugon ni Margaux kay Zeid.

Pinipilit niyang kumalma kahit sobrang lakas ng tambol ng puso niya. Pinili niyang balewalain lang ang presensya ng lalaki kahit iyon yata ang pinakamahirap na gawin sa mga sandaling iyon.

Hindi pa rin humuhupa ang lakas ng tibok ng puso niya. Bahagya pa siyang na-conscious sa hitsura niya.

Hindi niya akalain na gano'n ang gagawin ng limang taon sa lalaking nasa harap niya. He was no longer the hot guy-next-door that she used to hang out with. Guwapo naman ito noon pa. Napakagwapo. Kaya nga umabot sa hindi nila inaasahan ang lahat.

But now, he was indeed a god. Kuminis nang husto ang mukha. Clean-shaved ang bigote at balbas. Ni hindi ito nagmukhang tumanda kahit kaunti. At, mas lalong lumitaw ang mapupulang labi dahil pumuti ito. Lumitaw ang pagiging natural na mestizo. Ito na yata ang pinakagwapo sa mga mata niya nang mga sandaling iyon.

And, hindi pa rin nagbabago ang lakas ng sex appeal nito. Parang ang sarap pa ring ma-imagine na isinasandal siya nito sa pader habang hinahalikan at unti-unting hinahawakan sa...

Pasimple niyang ipiniling ang ulo. Anong pinag-iisip niya? Gano'n ba ang epekto ng ilang taon nang walang sex life?

"I told you. I'm here to meet the owner of the place I'm gonna buy," ulit lang nito bago sinubukang tulungan siya sa mga isinasalansang kahon.

Maagap niyang kinuha ang anumang susubukan nitong hawakan. Muntik pa siyang mawalan nang balanse nang magdikit ang dulo ng mga daliri nila. "'Wag na. Madumihan ka pa. Nakakahiya sa suot mo. If I were you, pumunta ka na doon sa sinasabi mong kakausapin mo para bilhin 'yong—"

Natameme siya. Poseidon just stared at her.

"Ikaw 'yong bibili nitong resort?" gulat na tanong niya.

Gaano na ito kayaman? Ano nang nangyari sa buhay nito? Oh, well. Kapatid nito si Hades Vaughn at Zeus Hawkins. Anong imposible roon? At, ano nga ulit ang pakialam niya?

"Yes. Shall we discuss about it now?" he asked in a great accent. Ang laki na talaga ng ipinagbago ng walanghiya. Dati lang, ultimo pang-tip niya nang minsang isinama niya itong kumain sa labas ay ayaw nitong palagpasin.

Tumikhim siya. "Sandali. Umupo ka na lang muna do'n."

Sumunod naman ang lalaki. Walang imik na naglakad at naupo sa isang sulok. Sa pinagtabi-tabi niyang upuan na ginagamit sa dati nilang mini-bar.

Hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin. Kahit ang likod nito, parang ang sarap haplus-haplusin. He looked so firm like always. Kaya nga mabaliw-baliw din siya noon sa tuwing nakukulong at naiibabawan siya ng katawan na iyon.

Huy, Margaux, sita niya sa sarili.

Mabilis niyang inilihis ang paningin nang makaupo ito nang tuluyan. Mahirap na. Baka mahuli pa siya nitong nakatingin. Lalaki na naman ang ulo ng hambog.

Anong ulo? pang-aasar pa rin ng isang malanding bahagi ng isip niya.

Binilisan niya na sa ginagawa. Nang matapos niyang salansanin ang mga gamit sa isang sulok ay pinagpagan niya ang mga kamay at saka pinunas ang mga iyon sa suot niyang shirt. Hindi naman na siya gaya ng dating Margaux na saksakan ng arte.

Naglakad siya palapit sa kinauupuan ni Zeid at saka naupo sa bakanteng upuan paharap sa lalaki.

Palihim niyang nahigit ang hininga nang magtagpo ulit ang mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit pero napaka-uneasy sa kanya na makipagtitigan dito. Para siyang ine-examine ng lalaki.

"You look... different," komento nito.

Dumiretso siya ng upo. "Dumiretso na tayo sa dapat pag-usapan. Curious lang ako. Bakit gusto mong bilhin 'tong resort? To get your revenge? Or to humiliate me? Name your reason."

Kumunot ang noo nito. Nag-cross arms na lalong nakadagdag sa awtoridad nito. "Wala akong planong gumanti o hiyain ka. Gusto kong bilhin 'tong Surface Interval kasi alam kong malaki ang potential nitong lugar na 'to."

Tinitigan niya lang ito.

"Besides," dagdag pa nito. "Ang akala ko, daddy mo ang makakausap ko dahil alam ko namang wala kang interes sa mga ganitong bagay."

Umarko ang kilay niya. "Ganyan ba talaga 'yong tingin mo sa 'kin?"

"Bakit ba parang galit ka?" ganting tanong din nito na hindi man lang sinagot ang itinanong niya. "Parang mas galit ka pang nakita mo ako. 'Di ba dapat, ako ang makaramdam ng inis dahil sa nagawa mo?"

Bull's eye. Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Pakiramdam niya ay gusto niyang magpalamon na lang sa lupa pero pinigilan niya ang sariling magmukhang kawawa. No. Hindi nagpapatalo ang Margaux na kilala ni Zeid. Hindi siya dapat magmukhang nahiya.

"Whatever. Bilhin mo 'yong lupa. As soon as possible. Gusto ko nang makaalis dito sa lugar na 'to," walang emosyong niyang tugon.

Kumunot ang noo nito. Pero alam niyang wala naman sa ugali ni Zeid ang magtanong nang magtanong. Sigurado siyang hindi na ito mang-uusisa tungkol sa anuman.

Tumango ito makalipas ang ilang sandali. "Ipapaasikaso ko na 'to agad sa secretary ko. Paki-ready na lang 'yong papers. Next week, pwede na siguro tayong magkita ulit with the presence of my lawyer para diretso na lahat. Wala naman sigurong problema 'tong lupa n'yo, right? Hindi naman nakasangla or naka-collateral."

Ang taray. May secretary na rin. Dati, proud na proud si Margaux na ang pamilya niya ang pinakamayaman sa buong isla. Ngayon, mukha lang siyang nagpi-feeling. Iyong middle class lang na nakaramdam lang ng kaunting ginhawa sa buhay ay feeling ka-level na ang mga Kardashian. Zeid finally had it all.

Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam din siya ng calmness dahil alam niyang naging matagumpay. Kahit papaano ay natuwa siya. Pinagpala ang lalaki dahil alam siguro ng Diyos na malaki ang naging kasalanan niya rito. At siya naman? Ewan. Kinakarma na siguro.

"Hindi nga," maagap niyang tanong. "Don't worry ipa-finalize ko na lang mamayang gabi. Hindi ka man lang ba lilibot sa resort? Para ka lang bumibili ng laruan. Hindi mo man lang ichi-check."

"Alright," tugon nito at saka tumayo. "Show me how much this place changed."

Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon