"TITO Zeid!"
Napangiti si Zeid nang makita ang pamangkin na si Malinoe. Kakapasok niya pa lang sa living room kung saan niya naabutan sina Pria at Stacey. Tumakbo agad palapit sa kanya ang bata nang makita siya nito. He hugged her tightly. For a seven-year old girl ay malaking bulas ito. Mana sa mga magulang.
"Meli, stop bugging Tito Zeid. Doon ka muna sa room mo. Pasama ka kay Yaya Ida," pukaw ni Stacey sa anak. Tumayo ito mula sa prenteng pagkakaupo at saka siya niyakap. "Glad you're here."
Si Pria naman ang lumapit at humalik sa pisngi. "Hello, Zeid. How's your business going?"
"Nako, kinidnap lang namin 'yan sa opisina niya," sabad ni Hades na nakapasok na rin pala. Iniwan niya ito kanina sa labas dahil kakausapin pa raw nito ang guard. Humalik ito kay Stacey.
Pumasok na rin si Zeus bitbit ang mga nabili nilang groceries mula sa nadaanan nilang supermarket. Hindi niya akalaing makakasama niya ang mga kapatid sa ganoong gawain na hindi naman usually ginagawa ng lalaki. Kunsabagay. Kumakain din naman ang mga lalaki. Anong masama sa pamimili ng commodities?
"Hello there, gorgeous," bati ni Zeus sa asawang si Pria kasunod ng isang malutong na halik.
"Uwi na lang kaya ako? 'Wag n'yo namang ipamukha sa 'king single ako," sita niya bago naupo sa sofa. Inayos niya pa ang pagkakatupi ng longsleeve niya. Ilang taon na siyang nagsusuot ng gano'n pero paminsan-minsan ay naiinis pa rin siya sa discomfort na ibinibigay niyon. Mas gusto niya pang mag-hubad baro na lang palagi.
Natawa ang mga ito.
Ayos 'tong mga kapatid niya. Ang gaganda ng mga napangasawa. Samantalang siya, olats. Wala rin naman kasi siyang planong makipag-date at mangharot ng kung sinu-sino. Hindi na siya gaya ng dati na matinik sa chicks. Iyong tipong pakikitaan niya ng motibo pero hindi niya naman liligawan. Wala lang. Thrill lang.
Inilibot niya na lang ang paningin sa paligid. Gano'n pa rin ang villa nina Stacey at Hades. Walang ipinagbago, maliban sa puno na ang paligid ng Chritmas decoration. Kung naabutan lang sana ng nanay niya ang lahat. Kung naiparamdam man lang sana niya ang kahit kaunting ginhawa na hindi man lang nito naranasan. He secretly sighed.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang mag-girlfriend?" tanong ni Stacey.
Si Zeus ang sumalo. "Well, it's okay. Hindi naman nagmamadali 'yang si Zeid."
"Well, at least date someone. Para sa susunod, may kausap na kami ni Stace dito," ani Pria. "'Di ba, Stace?"
"Yas," mabilis na sagot ni Stacey. "Just make sure na mabait. 'Yong hindi kami paandaran ng attitude because we're more maldita."
Tumango si Pria. "Exactly. I don't want someone to grab my hair again. 'Yoong may class sana. If you want, ipapakilala kita sa mga beauty queen friends ko."
"Ibinubugaw n'yo na 'ko," komento niya.
Natatawa siyang naiiling. Nakakatawa na lang balikan ang mga nangyari noon. Hindi niya akalaing lilipas nang gano'n kabilis ang panahon.
"'Di ko alam mga type niyan ni Zeid kaya wala rin akong mai-recommend eh. Pwede ko 'yang dalhin sa Hollywood kahit isang linggo. Pagbalik niyan, sigurado lima na ang naghahabol sa kanya," sabad ni Hades. "Anyway, maiba ako. Nakausap ko si Manong Bert kanina. May naikwento siya about sa ibinebentang resort sa isla nila."
Kumunot ang noo niya nang marinig ang salitang "isla." Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging interesado.
"Anong resort?" tanong niya.
Tila nag-isip ang bunsong kapatid. "Teka... ano nga ba 'yon? Surface Interval ata 'yon. What do you think, peepz? Would it be a good idea to buy another resort and buy that? According to manong, it's accessible and once a gigantic resort. Until the owner passed away three years ago and the owner's daughters failed to managed the resort."
Natahimik siya. Hindi niya alam ang sasabihin niya.
What the fuck.
Nagkatinginan naman sina Zeus at Pria. Halatang nagulat pero alam niya kung bakit. Pagkatapos ay napatingin sa kanya ang dalawa. Alam niya ang iniisip ng mga ito.
"Hey," pukaw ni Hades na tila hindi alam ang mga sinabi. Hindi niya masisisi ang kapatid. Hindi naman ito kasama ni Zeus nang makilala niya ang panganay nilang kapatid. Sa pagkakatanda niya ay wala sa Pilipinas si Hades nang mga panahong iyon.
Binulungan ni Pria si Stacey. Pipi naman itong napa-"Ooooh" at saka pinalo ang binti ng asawa. Tang ina. Normal na talaga sa mga babae—anuman ang estado sa lipunan—ang mangtsismis paminsan-minsan.
"Let me talk to the owner of Surface Interval. Ibalato mo na lang sa 'kin 'to, Hades," seryoso niyang pakisuyo kay Hades.
"May alam ba kayo na hindi ko alam?"
"Pamilya ni Margaux ang may-ari ng resort na 'yon," diretsong sagot ni Zeus.
Napakamot sa ulo si Hades. "Oh, shit."
-----
A/N: Hello. Thank you sa pagbabasa ng stories ko. May hiling sana ako. 'Wag n'yo sanang aalisin ang respeto n'yo sa isang manunulat bilang isang tao. Huwag n'yo namang gawan ng hindi mabilang na issue o kaya ay murahin ang author dahil lang hindi nasusunod ang gusto ninyo.
So far, iilang beses ko pa lang naman 'yang nararanasan. And masaya ako kasi kahit hindi kayo gano'n karami na nakaka-appreciate ng mga isinusulat ko ay bumibili pa rin kayo ng libro and nandito pa rin kayo sa Wattpad ko. Hindi pa kayo toxic. Ang saya lang. Sobra-sobra kong naa-appreciate ang bawat isa sa inyo.
Again, maraming-maraming salamat sa pang-unawa. Kung nabuburyo na kayo sa tagal ng paga-update ko at nabasa n'yo na ang lahat ng completed stories ko rito, pwede naman kayong sumilip muna sa mga gawa ng iba. I-appreciate natin ang mga Pilipinong manunulat, anuman ang genre nito.
Sending kisses!
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-Door
Romance--TO BE PUBLISHED UNDER RED ROOM IMPRINT-- - Kailangan ni Margaux ang kapirasong lupa ni Poseidon para mabawi ang nawalang atensyon ng ama. At isa lang ang alam niyang paraan: Ang akitin ito gamit ang sarili niyang katawan. --- WARNING: -This story...