"SI ZEID? Iyong may-ari dati ng Poseidon's Paradise?"
Tumango si Margaux nang tanungin siya ni Belle na abala sa paghihiwa ng spring onion. Pagkatapos ay tumakbo ito sa harap ng nakasalang na kaldero sa stove nito. Pagkatapos silipin ang niluluto ay muli itong bumalik sa harap ng chopping board.
Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ang kaibigan. Noon, alak, sigarilyo at dildo ang laging hawak nito. Never niyang na-imagine na gano'n na ang histura nito ngayon. Mula sa sexy outfits ay naka-loose shirt at mahabang short na ito. Naka-messy bun na ang dating mahaba at rebonded nitong buhok. Wala na ang makapal na makeup. Wala na ang mahahabang kuko. Belle looked completely different.
Ganoon pala ang nagagawa ng adulting. Whether they like it or not, magbabago ang takbo ng mundo.
Now, her friend was finally married and have her own kids. At, masayang-masaya ito sa buhay. Kuntento. Matapos ang graduation ay hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong magkausap pa dahil nagkandaletse-letse na ang buhay niya habang ito naman ay lumuwas agad sa Maynila para magtrabaho.
"Huy," pukaw sa kanya ni Belle nang mapansing hindi siya sumagot.
Tila natauhan naman siya. "Yeah. 'Yong dating kapitbahay naming naging ex ko na kapatid pala no'ng singer na si Hades Vaughn."
"Oh em gee," reaksyon nito. "Kamusta na? Hot pa rin ba?"
"Gurl hindi na bagay sa 'yo magtanong ng ganyan," natatawa niyang tugon. "Yep. He's still oozing with sex appeal. Kung alam mo lang."
Nakita niya ang pagngisi ni Belle. Kung hindi lang ito naghihiwa ay itutulak niya talaga ito. Alam nitong gusto niya talaga noon si Zeid kaya ganoon na lang ang reaksyon nito.
"Gaga, hindi na ako affected do'n. Naikwento ko lang 'yong nangyari kasi s'yempre, nagulat din ako."
Mas lalong lumawak ang pagkakangisi nito. "Eh bakit ang defensive? Ano pa bang nangyari? 'Yon lang? Binili lang ang lupa n'yo sa isla at saka ipinagtanggol ka? Wala man lang kaunting kalandian diyan?"
She laughed. "Na-miss mo na bang makarinig ng chika?"
"Ay, susme. Oo. Kung alam mo lang. Nakakaumay rin na puro Cocomelon at ChuchuTV na lang ang nakikita ko sa phone ko," reklamo ng kaibigan.
Napabuga siya ng hangin at napasandal sa pader. "Ang totoo, noong nag-stay ako sa opisina niya, hinalikan niya ako."
"Halaaaaa." Napahinto ito sa paghihiwa. "Seryoso? Nakakaloka. Anong reaksyon mo? Lumaban ka ba, girl? Laplapan?"
Pabiro niyang hinampas ang braso nito bago siya nagpalinga-linga sa paligid.
"Ikaw talaga. Baka marinig ka ng mga anak mo," sita niya rito.
"Busy sa gadgets 'yang mga 'yan." Inilagay nito sa isang platito ang mga hiniwa. "So, ano nga?"
Saglit siyang natahimik. Naalala niya kung paano siya hinalikan ni Zeid. She even remembered how he pressed his body against hers. Ramdam na ramdam niya noon ang init ng mga katawan nila. Wala sa sariling napangiti siya.
"Ay ngumingiti. Iba 'to," pang-aasar ni Belle. "Nakakaloka ka."
"Hindi ah!" depensa niya. "Simpleng halik lang 'yon. Hindi naman napunta sa kung saan."
"Eh ba't parang disappointed ka?"
Nailing na lang si Margaux sa tanong na iyon ni Belle. Nag-iisip pa sana siya ng isasagot dito nang maramdaman niyang nag-vibrate ang phone. Napilitan siyang dukutin iyon mula sa bulsa ng kanyang jeans.
She opened the inbox and rolled her eyes after reading the message. It was Zeid, as usual. Ilang araw na siyang inaasar ng buwisit.
Don't forget about the party. I'll send a glam team for you. See you.
Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng excitement nang maisip niyang makakasama niya ang binata sa isang event. And this time, hindi niya na ito ipapahiya sa harap ng kahit sino.
At bakit parang nagma-matter iyon sa kanya? Wala siyang pakialam. Ang mahalaga, magpunta siya roon para mabayaran niya na ang utang na loob niya rito. Dahil iyon ang klase ng utang na pinakamahirap bayaran—ang utang na loob.
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-Door
Roman d'amour--TO BE PUBLISHED UNDER RED ROOM IMPRINT-- - Kailangan ni Margaux ang kapirasong lupa ni Poseidon para mabawi ang nawalang atensyon ng ama. At isa lang ang alam niyang paraan: Ang akitin ito gamit ang sarili niyang katawan. --- WARNING: -This story...