CHAPTER 12.1

6.5K 182 10
                                    

MABIGAT ang pakiramdam ni Margaux. Hirap siyang idilat ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit parang bugbog na bugbog ang katawan niya.
Natulala siya sa kisame nang tuluyan niya nang mabuksan ang mga talukap ng mga mata. Pakiramdam niya ay nasa ibang lugar siya. Iba ang structure ng kisame. Iba ang kulay ng pintura. Ang alam niya, cream ang kulay ng silid niya. Hindi puti.
Bumangon siya at napasandal sa headboard ng kama. Masakit talaga ang ulo niya. Hindi niya rin alam kung anong oras na.
Luminga-linga si Margaux sa paligid. Noon niya lang na-confirm. Wala nga siya sa kwarto niya. Malaki ang kwarto. Tiningnan niya ang hinihigaang kama. Kulay maroon ang mga unan at ang kumot. At... nakasuot siya ng damit na hindi naman kanya. She was wearing a black pajama.
She started to panick. Na kaninong bahay siya? Pinilit niyang alalahanin ang huling naaalala niyang nangyari. She was at the party with Zeid and his brothers and sisters-in-law. Pagkatapos, may nag-abot sa kanya ng regalo. And when she opened it...
Napasinghap siya. Was she in her stalker’s house?
Nagsisimula na siyang makaisip ng kung anu-ano nang marinig niyang may pumihit ng doorknob ng pinto ng kwarto. Pigil niya ang hininga lalo na nang hindi iyon agad bumukas.
She finally released her breath when she saw Zeid coming in with a tray on his hands. Hindi niya maiwasang ma-distract nang makita itong naka-plain shirt at walking shorts. His hair looked messy, but it suited his morning face.
In fact, he looked sexy.
“'Gandang umaga. Gising ka na pala.”
Tila natauhan siya nang magsalita ito. Pinanonood niya itong ilapag sa tabi niya ang tray na may fried rice, bacon at itlog.
“Nasa’n ako?” Inilibot niya ang paningin. “Nahuli n’yo ba 'yong nagpadala?”
Naupo ito sa dulo ng kama. “Nandito ka sa bahay ko. Hindi namin nahuli. Nai-report na namin sa pulis. Na-check nina Hades ang CCTV. And s-in-end nila sa 'kin.”
“Nakita mo kung sino? Kilala mo?”
Tumango si Zeid. “Si Erwin. 'Yong nambastos sa 'yo. After mag-bail ng gago, umalis na pala sa tinutuluyan. Nagtago. Hindi rin alam ng asawa kung saan nagpunta.”
Nagngitngit ang mga ngipin niya sa inis. Walanghiya talaga ang manyak, At, nakakatakot. Kung totoo mang ito ang may gawa sa s-in-end nitong bangkay sa kanya, sigurado siyang may plano itong seryosohin ang banta nito.
“'Wag kang mag-alala. Hindi ko tatantanan 'yong putang inang 'yon.” Tinapik nito ang braso niya. “Sige na. Kumain ka na muna.”
Tinitigan niya ang pagkain. “Uuwi na ako sa bahay mamaya.”
He chuckled. “Mag-isa ka roon. Gusto mo bang bigla ka na lang pasukin ng Erwin na 'yon doon at katayin ka rin pagkatapos kang halayin?”
Napaisip siya sa sinabi ni Zeid. Kusang nag-imagine ang isip niya ng mga eksenang pwedeng mangyari habang mag-isa siya. Isipin niya pa lang na gagapang sa katawan niya ang kamay ng manyak na 'yon ay nanghihilakbot na siya. No. Hindi niya kakayanin 'yon. Alam niyang naging masama siyang tao sa kalahati ng existence niya sa mundo pero hindi niya deserve—at ng kahit sinong babae—ang pagbantaan at pag-isipan ng gano’n ng kahit sinong lalaki.
“Eh as if namang safe din ako rito,” pakli niya matapos ang ilang sandaling pag-iisip.
“You’ll go wherever I go. Sasama ka sa 'king pumasok sa office.”
Umarko ang kilay niya. “At sinong may sabing gusto ko? Hindi ko gustong maging pabigat sa kahit sino, lalo na sa 'yo, Poseidon. Kung alam mo lang kung anong pinagsasabi sa 'kin ng sisters-in-law mong mga feeling perfect at kagalang-galang.”
Tumayo si Zeid mula sa pagkakaupo at saka nag-inat nang bahagya. “Eh sinong may sabi sa 'yong magiging pabigat ka? Pwede namang hindi kung gusto mo. Pwede kang mag-work as personal assistant ko. Naghahanap ka ng work 'di ba? Or, pwede kitang bigyan ng ibang posisyon sa kompanya. May idea ka ba sa pagiging stockholder? Malaki pa ba ang natitirang pera sa 'yo? Pwede mo ring gamitin 'yon. Ang dami-dami nating pwedeng maging option habang hindi pa nahuhuli si Erwin. Kapag nahuli na 'yong gagong 'yon, kahit magpakalayo-layo ka right away. Pero ngayon, convenience at practicality ang unahin mong isipin.”
Natulala siya sa sinabing iyon ni Zeid. Nagugulat siya sa mga naririnig. Malayung-malayo na ang mindset nito ngayon sa paraan ng pag-iisip nito noon. He was no longer a “come what may” type of man. Pakiramdam niya nga, nagkapalit na sila. Siya na ngayon ang hindi alam ang gagawin sa buhay niya.
“Sige na, kumain ka na. Bumaba ka na lang mamaya kapag bored ka na rito. Nasa tabi ng laptop ko 'yong phone mo at purse mo.” Naglakad na si Zeid palapit sa pinto.
Hindi niya maialis ang pagkakatitig dito. He was so nice to her. Wala naman na siguro sigurong dahilan para sungitan niya pa ito nang sobra-sobra. Wala rin naman sigurong masamang ma-appreciate niya nang kaunti ang mga tulong na ginagawa nito sa kanya kahit hindi naman na siya obligasyon ng binata.
“Zeid,” pahabol na tawag niya sa lalaki nang akmang lalabas na ito.
Zeid glanced back. Hindi niya maiwasang ma-distract sa kagwapuhan nito. Gwapo na ito noon pa man. Pero ibang-iba na ang level ng kagwapuhan nito. Kunsabagay. Na kay Zeid na ang lahat. Lahat ng akala niya ay hindi ito magkakaroon noon.
Gustung-gusto niyang tanungin ito kung bakit pa rin siya nito tinutulungan sa kabila ng lahat ng kagagahang ginawa niya rito noon. Pero ayaw niyang i-disappoint ang sarili. Isa pa, alam niya na rin naman ang sagot. Pakiramdam siguro ni Zeid, obligasyon siya nito dahil wala na siyang kahit sinong kasama sa buhay.
Siguro nga, 'yon na lang ang dahilan.
“Yep?” kaswal na tanong nito.
Wala sa sariling napangiti siya. “Thank you.”
Gumuhit ang amusement sa mukha nito. “Aba, marunong ka na nga talagang mag-thank you.”
Nagkibit-balikat siya. Well, lahat naman siguro ng tao, marunong mag-mature.
“You’re welcome. Sige na. Kainin mo na 'yan. Lumamig na 'yan kakadaldal natin. Huwag ka rin munang magbukas ng social media accounts mo. Pinagpipiyestahan na naman 'yong mga utol ko ng media. Damay na naman tayo.” He grinned and left the room.
Naiwan siyang nakatulala. Bakit parang biglang gumaan ang pakiramdam niya?

Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon