NAPANGISI si Zeid. Pumasok na naman sa alaala niya ang nangyari sa kanila ni Margaux. Hindi niya tuloy magawang i-focus ang sarili sa ginagawa.
May darating na guest sa araw na iyon kaya naman inaayos niya ang mga cottage room na gagamitin ng mga ito. Naka-jackpot siya nang may mag-confirm na bumisita sa resort na isang pamilya ata. Hindi niya masyadong inintindi ang sinabi ng guest dahil napakarami nitong pasikot-sikot sa pagkukwento, na hindi naman siya interesadong malaman. Basta ang natatandaan niya lang, ang Poseidon's Paradise ang napiling resort ng mga ito dahil maliit lang at "comfy" raw ang lugar. Gusto ng mga ito na parang nagbabakasyon talaga sa probinsya. At dahil nga sinuswerte siya, okupado ang lahat ng nipa room niya. Arkilado ang buong resort.
Ewan ba niya. 'Ganda ng gising niya. Pati nga ang junior niya, maagang nag-flag ceremony kanina nang pumasok sa isip niya ang katawan ng malditang kapitbahay niya. Napilitan pa tuloy siyang mag-Mariang palad.
Narinig niyang tumunog ang cellphone. Dinampot niya iyon. Napangisi siya nang makitang in-accept na ni Margaux ang friend request niya sa Facebook. Hindi niya alam kung bakit niya pa in-add ang babae. Siguro, gusto niya lang talaga. Wala naman siyang pakialam kung iisipin nitong may interes siya rito.
"Nag-anuhan na nga tayo eh," bulong niya bago ibinalik ang phone sa bulsa.
Hindi pa siya natatapos sa ginagawa ay muli na namang tumunog ang phone niya. May tumatawag. Napilitan siyang muling dukutin iyon mula sa bulsa niya.
Unknown number. Baka guest.
"Hello?" bungad niya. "Poseidon's Paradise."
"Hello." Medyo maganda ang accent ng tumawag. Lalaki. Mukhang mayaman sa boses pa lang. "Is this Poseidon Aguilar?"
Nagtaka siya. Siguro ay nakita na naman sa FB ang pangalan niya. "Speaking, Sir. Ano po ang kailangan?"
Saglit na tumahimik ang kabilang linya. Puta, ang aga-aga, may nangpa-prank call ba sa kanya?
Muntik niya nang murahin ang tumawag nang muli itong magsalita.
"Can I make a reservation for two? Bukas nang umaga siguro kami makakarating," anang lalaki sa kabilang linya. Gusto niyang humagalpak ng tawa dahil para itong baklang maarte ang accent. Pilipit ang dila mag-Tagalog.
"Ay, Ser..." Nag-isip siya.
"My name is Zeus Hawkins. I can send the payment right away," dugtong pa ng nasa kabilang linya.
Lintek. Foreigner pala kaya baluktot mag-Tagalog.
Nagkamot siya ng ulo. "Ser, the resort is occupied for the whole week. I'm really sorry ho."
Hindi ulit kumibo agad ang tumawag. Gano'n ba kausap ang mga foreigner? Laging delay ang sagot. Nakaka-badtrip.
"Okay, maybe we'll try by next week. Thank you." Iyon lang at nag-hang up na ito. Ni hindi man lang siya hinintay na makasagot.
"Sayang," bulong niya sa sarili. "Dapat pala sinabi kong pwede naman silang magdala ng sarili nilang tent. Pera rin 'yon. 'Tanga mo, Zeid."
"Hi, Zeid!"
Halos maihagis niya ang hawak na cellphone. "Margaux? Kumatok ka naman!"
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-Door
Romance--TO BE PUBLISHED UNDER RED ROOM IMPRINT-- - Kailangan ni Margaux ang kapirasong lupa ni Poseidon para mabawi ang nawalang atensyon ng ama. At isa lang ang alam niyang paraan: Ang akitin ito gamit ang sarili niyang katawan. --- WARNING: -This story...