"WALA KA BANG IBANG lakad?"
"Wala," tugon ni Margaux habang abala sa nginunguya niyang pagkain.
Nandoon siya ngayon sa bahay ni Zeid, kasabay ang lalaking nilalantakan ang dala niyang sinigang. Muntik niya nang makalimutan na para kay Zeid talaga iyon.
"Pinapaalis mo ba 'ko?" kunwari ay naiinis niyang tanong. "Willing naman akong umalis kung ayaw mo na 'kong makita."
Ngumisi ito. "Ang sensitive ah."
"Charot lang," bawi niya naman. "Eh kung may gagawin ka nga, ayos lang naman talaga. Sanay naman akong ipinagtatabuyan."
"Wala namang kaso sa 'king nandito ka. 'Sarap nga ng ulam ko oh," tatawa-tawang sabi nito. "Iniisip lang kita. Baka hanapin ka na naman ng daddy mo tapos malamang nandito ka pa."
Muli siyang sumubo ng isang kutsarang kanin at ulam. Nakita niya kung paanong napatitig sa bibig niya si Zeid. Nakaisip tuloy siya ng kapilyahan.
Kumuha pa siya ulit ng sabaw at dahan-dahan iyong hinigop. Sinadya niyang gawing malandi ang ginagawa. Pagkatapos humigop ng sabaw ng sinigang ay isinubo niyang muli ang kutsara. Mas marahan. Mas maarte. Mas malandi.
Pasikreto siyang natawa nang makita kung paano sunud-sunod na lumunok si Zeid.
"So," aniya na kunwari ay unintentional ang ginagawang kaharutan. Pasimple niya pang hinawi ang mga buhok na tumatakip sa bandang dibdib niya. "Ikaw na lang talaga mag-isa rito?"
Hindi makapag-focus si Zeid sa mukha niya. Pabalik-balik ang mga mata nito sa cleavage niyang humihingi ng atensyon mula sa mga mata ng lalaki.
"Ah... Oo."
"Wala kang kapatid? Ang lungkot naman ng buhay mo," komento niya. "Kunsabagay. Kung kasing demonyita lang din ng kapatid kong manang ang magiging kapatid mo, gugustuhin mo na lang talagang mag-isa."
"Bakit wala kang boyfriend?"
Nagulat siya sa tanong nito. Ang random. O talagang 'di lang maka-focus dahil sa "view."
Kunwari ay inayos niya ang buhok. Sinadya niyang itaas at itali iyon nang dahan-dahan gamit ang panali sa buhok na nasa palapulsuhan niya.
"Uhm, wala pa akong makitang pasok sa standards ko."
Totoo naman iyon. Wala ring tumatagal sa mga nakakarelasyon niya dahil wala siyang makitang pasok sa qualifications. Kundi mayabang, arogante ang nagiging jowa niya. Napapagod na siya sa mga lalaking ganoon. Bet niya ring makatikim na ng good boys.
At, luckily, good boy si Zeid. Mukha lang itong chickboy dahil laging hinahabol ng babae at palakaibigan din sa mga babae. Hitting two birds with one stone talaga kapag natupad ang plano niya. Makukuha niya na ang lupa nito para sa daddy niya, isi-sex pa siya nito. At kung magiging maganda pa ang takbo ng lahat, jojowain niya rin ito. Life would be more beautiful. Sigurado siya roon.
'Cause, why not?
"Ah," distracted na tugon nito. Kung saan-saan na nakakarating ang mga mata.
Malandi siyang nangalumbaba sa harap nito. "Ikaw? Bakit wala kang girlfriend?"
"Walang nagkakamali," pagsisinungaling ni Zeid.
Hah. Ang akala naman nito ay hindi niya ito kilala. Na halos lahat na yata ng mga babae sa islang iyon—s'yempre maliban sa kanya—ay nagkakandarapa kay Zeid. Excuse me lang. Kahit ang mga childhood friend niya ay nagpapapansin dito.
"Liar." Pasimple niyang idinikit ang mga dibdib sa mesa. Malandi na kung malandi. At alam niya namang alam din nito na nilalandi niya ang lalaki.
"Margaux," he hesitated. "Inaakit mo ba 'ko?"
"Magpapaakit ka ba?"
Hindi siya nito kinibo. Sa halip, umiwas na lang ito ng tingin at itinuloy na lang ang kinakain. Mukhang walang balak ang lalaking patulan ang mga paarte niya. At hindi siya papayag doon.
Walang pasabi siyang tumayo mula sa kinauupuan at saka lumapit dito. Hindi siya uusad sa mga plano niya kung hindi niya ito ipu-push. Eh ano kung tinabla lang ni Zeid ang beauty niya noong isang gabi? Oo, nasaktan nang very light ang pride niya noon pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na siya tutuloy sa gusto n'ya. Isa sa mga araw na 'to, siguradong bibigay rin ang lalaki. Hanggang sa mabaliw ito sa kanya. Hanggang sa hanap-hanapin na siya nito.
Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat nito. Hinapos-haplos niya ang lalaki, kasunod ng pagbibigay rito ng masahe. Palihim siyang napangiti nang marinig niya ang paghigit nito ng malalim na hininga.
"Margaux..." tila sita nito sa kanya.
"What?" patay-malisya niyang tanong. "Minamasahe lang kita. Mukhang napagod ka sa mga ginawa mo kaninang umaga."
Nang matantiya niyang hindi na ito tatanggi sa ginagawa niya ay pasimple niyang idinikit ang dibdib sa ulo nito. Alam niyang naramdaman iyon ni Zeid dahil pasimple itong napamura. She knew men couldn't resist boobs.
"Nage-enjoy ka ba?" tanong niya habang sinasadyang idikit sa lalaki ang katawan niya.
"Tang ina, Margaux," pabulong na mura nito. "Baka iba ang kainin ko kapag hindi mo tinigilan 'yan."
Tila lalo siyang nabuhayan ng dugo sa sinabing iyon ni Poseidon. Sinong gaga ang hindi mae-excite kung kagaya ni Poseidon ang kakain sa pagkababae niya?
Yumuko siya at bumulong sa tenga nito. "Gusto mo bang ako ang kumain sa 'yo?"
Narinig niya ang marahas na paghigit nito ng hininga. Muli siyang bumalik sa pagmamasahe rito. Alam niyang hindi na siya matatanggihan ni Zeid. At, sisiguraduhin niya nang hindi na siya papalpak this time. Hindi niya na rin babanggitin ang tungkol sa lupa nito. May tamang panahon para roon.
Kapag baliw na baliw na ito sa katawan niya.
Hinubad niya ang suot na tank top at saka umikot para kumandong dito. Halos maduling si Zeid nang malantad sa mga mata nito ang malulusog niyang dibdib na halos lumuwa na mula sa suot niyang bra.
"Pwede mo namang hawakan," bulong niya ulit sa tenga nito. Sinadya niya pang dumikit sa mukha ng lalaki ang mga suso niya.
"Aaah ang lambot," bulong nito.
Nang hindi kumilos si Zeid ay tumayo siya mula sa pagkakakandong. Hindi para tumigil, pero para hilahin ang lalaki papasok sa kwarto nito. Zeid didn't resist at all. At, kitang-kita niya ang pagbukol ng brief nito.
Kayanin niya kaya iyon?
BINABASA MO ANG
Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-Door
Romance--TO BE PUBLISHED UNDER RED ROOM IMPRINT-- - Kailangan ni Margaux ang kapirasong lupa ni Poseidon para mabawi ang nawalang atensyon ng ama. At isa lang ang alam niyang paraan: Ang akitin ito gamit ang sarili niyang katawan. --- WARNING: -This story...