CHAPTER 8.3 (SPG)

11.1K 189 3
                                    

"BAKIT kasi hindi mo na lang muna sundin 'yong daddy mo? Kapag naman naka-graduate ka na at hindi ka na umaasa sa pera niya, magagawa mo na 'yong gusto mo."

Ilang beses nang pinapahid ni Margaux ang mga luha nang mga sandaling iyon. At saan nga ba magandang maglabas ng rants at iyak sa tuwing nasa ganoon siyang sitwasyon? Sa kwarto ni Zeid.

Hindi na rin niya kinontra pa ang mga sinasabi ni Zeid dahil hindi niya na rin alam ang sasabihin. Masamang-masama ang loob niya dahil pulos sermon na naman ang inabot niya sa sarili niyang ama nang makauwi ito mula sa ilang buwang pamamalagi sa Maynila.

Ang magaling niyang ama na wala nang ginawa kundi sabihing pasaway siyang anak. Wala na naman itong ginawa kundi kampihan ang bunso nito. Kesyo bata pa raw si Margarette. Kesyo mas matanda siya pero walang mapupulot na mabuting ehemplo sa kanya ang bida-bida. Lahat na lang ba ng bagay ay sa kanya isisisi?

Oo, pasalamat siya dahil hindi nakarating sa ama niya na lagi niyang kasa-kasama si Zeid. Hangga't hindi pa pumapayag ang lalaki na ibenta nito ang lupa sa ama niya ay wala siyang planong sabihin sa daddy niya na siya ang kumumbinsi sa lalaki na ibenta iyon.

Sasabihin niya iyon kapag sigurado na. Alam niyang matutuwa ang daddy niya. Baka nga maitsapwera na nang tuluyan si Margarette kapag nangyari iyon.

Bahagya siyang natigilan sa pag-iyak. Tama. Ang lupa. Iyon ang pinakamainam na makuha at ipangsupalpal sa daddy niya.

"Uy tahan na," masuyong sabi ni Zeid nang maupo ito sa tabi niya. Inakbayan siya nito. "'Wag ka nang umiyak."

Hinaluan niya nang kaunting arte ang pag-iyak. "Gusto ko lang namang patunayan ang sarili kop sa kanila, Zeid."

Yumakap siya nang mahigpit dito. Mabilis namang yumakap pabalik ang binata. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. She knew how soft his heart was. Alam niyang malapit niya na itong mapapayag.

"Paano mo magagawa 'yon?" tila clueless pa nitong tanong sa kanya.

Tumingala siya rito. Ilang sandali niyang tinitigan si Zeid bago niya sinagot ang tanong nito. "Noon, ang gusto ko, kumbinsihin kang bilhin ang lupa mo. In that way, mapapatunayan ko kay daddy na may kaya akong gawin para sa resort. Pero ngayon, okay na sa 'kin kahit hindi."

Hindi ito kumibo. Mabilis niyang idinikit muli ang ulo sa dibdib ng binata.

"Minsan, naiisip ko na sana, pumayag ka. Tapos... Tapos umalis na tayo rito. Tumira tayo sa ibang lugar. Tayong dalawa. Pero alam kong mahal mo ang lugar na 'to. Kaya wala na akong planong pilitin ka."

Napapikit siya nang mariin sa mga pinagsasabi niya. Pakiramdam ni Margaux, siya na ang pinakamasamang babae sa buong mundo. She bit her lower lip. She was too desparate.

Nang wala siyang makuhang response na nakuha mula sa lalaki ay muli siyang nag-angat ng tingin. Yumuko rin sa kanya si Zeid.

She took the opportunity to kiss him fully on his lips. Mahihiya si Shawn Mendes at Camilla Cabello sa French kiss na pinagsasaluhan nila. She was licking him, invading his mouth like how pirates invade a ship.

Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito. Maya-maya pa, ito na ang nakahiga sa kama at siya na ang nasa ibabaw nito. Hinubad niya ang mga saplot at ihinagis ang mga iyon sa kung saan. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga palad ni Zeid para ipahawak ang mga dibdib niyang nakalantad lang para rito.

Umungol ang binata. Hindi na siya naghintay pa ng himala. Siya na mismo ang naghubad ng natitira niyang underwear at saka gumiling-giling sa ibabaw nito. Ramdam niya ang init ng katawan nila nang mga sandaling iyon. Nakakadala. Nakakapaso. Pero walang may planong umawat sa isa't isa.

Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon