CHAPTER 9.2

6.9K 168 6
                                    

Five years ago...

WALA sa sarili si Margaux. Hindi niya alam kung anong naglalaro sa isip niya. Halu-halo. Magulo. She should be happy right now. Her dad was so happy. Pinuri siya nitong. Ilang araw na masayang kausap siya. Ni hindi nakasingit ang epal niyang kapatid.

But there she was. Pakiramdam niya ay wala siyang gana sa lahat ng bagay. Hindi niya alam kung malungkot ba siya o nakokonsensya.

She was missing Zeid. Kamusta na kaya ito? Galit pa rin kaya ito sa kanya?

Hindi mawala-wala sa isip niya ang hitsura nang lalaki nang makipaghiwalay siya rito isang linggo na ang nakakaraan. Pigil na pigil siya noong maiyak. Bakit? Dahil ginusto niya iyon. Dahil iyon naman talaga ang plano niya.

Hindi niya naman kasalanan na wala siyang planong maging mahirap pa sa daga. Oo, mahal niya na nga siguro si Zeid. Pero hindi siya tanga. Sa dami ng kababayan nilang nakikita niyang hikaos sa buhay, wala na siyang planong dumagdag sa mga tatanga-tangang pag-ibig lang ang inuuna. Alam niyang makakakilala pa siya ng much better.

Or so she thought.

Dahil ayon siya nang mga sandaling iyon, nababaliw kakaisip sa lalaking siya rin naman ang nagtulak palayo.

Bumuntong-hininga siya. Inilapag niya ang phone niyang kanina niya pa sinisipat. Wala man lang ni isang chat o call ni Zeid. Siguro ay nagsawa na rin ito sa ilang gabing pagmi-message at pangungulit sa kanya.

She decided to get up from her bed. Gusto niya itong makita at makausap. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Basta, gusto niya lang pumunta sa resort nito. Resort na malapit na ring mapunta sa kanila.

Nagmartsa siya palabas ng silid. Nang makababa siya sa living room, naabutan niya si Margarette na nagbabasa ng libro. Kahit gusto niya itong awayin ay wala siyang gana. Pakiramdam niya, santa siya nang mga sandaling iyon.

Margarette looked at her. Hinihintay siguro na awayin na naman niya. Pero nanatilii siyang walang imik. Dire-diretso niya itong nilagpasan.

"Ate," pagtawag sa kanya ni Margarette nang palabas na siya.

Nilingon niya ito. "Ano?"

Margarette paused for a while. Ilang saglit siya nitong tinitigan bago nagtanong. "Okay ka lang?"

Bahagya siyang nakaramdam ng pagkagulat. Noon niya lang napansin, sa bahay na iyon, si Margarette lang lagi ang may pakialam sa kanya.

Well, baka dahil itsitsismis lang siya nito sa tatay nila.

"Anong pake mo?" maaskad niyang tanong.

Napabuga ng hangin si Margarette. "Ate, alam ko kung anong meron sa inyo ni Zeid. Pero 'wag kang mag-alala kasi hindi ko naman sinasabi kay daddy. Gusto ko lang malaman mong... kung anuman 'yang pinagdaraanan mo, kaya mo 'yan."

She didn't say anything. Tinalikuran niya na ang kapatid at saka dire-diretsong lumabas. Mabilis siyang naglakad patungo kina Zeid.

Kumunot ang noo niya nang may makitang maputing babaeng nakaupo sa kahoy na upon sa baba ng bahay ni Zeid. Nakatalikod ito sa kanya pero unang tingin pa lang, nakaramdam na siya ng inis dito. Anong ginagawa nito roon? At bakit doon ito nakaupo sa tabi mismo ng bahay ni Zeid? Kung guest ito, hindi ito magi-stay roon.

Kumulo ang dugo niya. Mabibilis ang mga hakbang na pumasok siya sa bakuran ng resort.

"Hoy, anong ginagawa mo sa bahay ng boyfriend ko ha?! Haliparot na 'to!" galit niyang tanong.

Hindi niya na ito hinintay pang makasagot. Mabilis niyang hinila ang buhok nito. Napatili ang malanding babae.

"Oh my god, let go of me!" hiyaw nito habang iwinawasiwas niya ang ulo nito.

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa buhok nito hanggang sa nalaglag na maging ang suot nitong sumbrero. "Anong 'let go, let go'? Sagutin mo 'ko!"

Nasa ganoon silang eksena nang mabigla siya sa sumunod na ginawa nito. Buong lakas nitong hinila ang kamay niya at pinilipit iyon hanggang sa likod niya. Napatili siya sa sakit. Dahil mas malaki ito kesa sa kanya, buong lakas siya nitong itinulak hanggang sa tumilapon siya tatlong metro ang layo mula sa babae.

Napa-aray siya sa sakit. What the fuck. Iyon ang unang beses na natalo siya sa isang catfight.

"What are you doing?!" narinig niyang tanong nito.

Gigil na gigil siyang lumingon dito. Sisiguruhin niyang manghihiram ito ng mukha sa aso. Ang kapal ng mukha nitong saktan siya nang gano'n.

Biglang nawala ang lahat ng gigil niya nang makita kung sino iyon. Ilang segundo siyang natulala.

"P-Pria? Pria Quibael?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Tama ba siya ng nakikita? Si Miss Universe Pria Quibael ang nasa harap niya? Ito ang sinabunutan niya?

"What happened?" Humihingal na napalingon siya sa isang mukhang foreigner na lalaking humahangos pababa ng hagdan. Tinitigan niya ito. Kahawig nito si Zeid.

"Margaux?" narinig niyang sambit ni Poseidon.

Mabilis na napako ang mga mata niya kay Zeid na tumakbo rin palapit sa kanya. Inalalayan siya nitong makatayo. Mabilis ding lumapit ang lalaki kay Pria para alalayan ito.

"Are you alright?" tanong ng hindi niya kilalang lalaki kay Pria.

"She attacked me out of nowhere," kalmadong paliwanag ni Pria.

Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya.

"Ayos ka lang?" may himig ng pag-aalalang tanong ni Zeid sa kanya. Hindi niya maiwasang matuwa nang palihim.

"A-Ano bang ginagawa nila rito?" tanong ni Margaux habang pinapagpagan ang sarili. "A-Akala ko may kabit ka na."

Naihilamos ni Poseidon ang mga palad sa sariling mukha. "Nakakahiya 'tong ginawa mo. Mag-sorry ka sa kanya."

Nagpanting ang tenga niya. Kasalanan niya bang may kung sinu-sinong babae roon? "Ayoko!" mariing tanggi niya. "Sabihin mo muna kung bakit siya nandito! Ano bang ginagawa nila rito!"

"Wala akong kailangang ipaliwanag sa 'yo. Wala na tayo, 'di ba? Kakasabi mo lang niyan noong nagdaang linggo," tila naiinis na sagot ni Zeid.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Oo nga. Bakit niya ipinapahiya ang sarili niya roon? Bakit nga ba siya naroon?

Tumikhim si Pria. "No need for her sorry, Poseidon. Just tell her to have some class next time or I will file a legal case against her."

Iyon lang at naglakad na pabalik sa loob ng bahay ni Zeid ang beauty queen kasunod ang lalaking kasama nito.

Naiwan sila ni Zeid na nakatayo roon. Tinitigan siya ng lalaki. Kitang-kita niya kung paano ito nasasaktan kahit pa hindi ito magsalita. Masyado ba siyang judgmental para isipin na wala talagang magandang future kasama ito? Masyado ba siyang ambisyosa? Masyado ba siyang makasarili dahil takot siyang ma-disappoint na naman niya ang daddy niya?

She was about to say something but he turned his back on her. Walang imik itong naglakad pabalik sa loob ng bahay nito. Naiwan siyang nakatangang mag-isa roon.

For the first time, pakiramdam ni Margaux ay siya na ang pinakamasamang babae sa buong mundo.

-----------------------



A/N: Ano kayang feeling na sinabunutan mo 'yong reigning Miss Universe during that time? Hahahahahahahahahaha.

Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon