CHAPTER 2.1

11.7K 225 7
                                    

NATIGILAN si Margaux sa itinatakbo ng sarili niyang utak. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng sarili niyang kwarto na parang pusang hindi mapaanak. Hindi siya mapakali sa ideyang pumasok sa isip niya. Pakiramdam niya, iyon na ang pinakatamang magagawa niya sa buong buhay niya.
“Gagana naman kaya?” pabulong na tanong niya sa sarili.
Huminto siya sa paglalakad at ibinagsak ang sarili sa kama. Masakit na rin ang legs niya sa paglalakad-lakad. Thirty minutes na yata siyang gano’n.
Nakagat niya ang ibabang labi. Parang kagabi lang ay pasimple niya pang minamanyak sa isip si Zeid habang katabi ito sa dalampasigan. Parang nawala ang mga iniisip niya nang masulyapan ang matipuno nitong katawan. Kung hindi siguro siya nakapagpigil ay hinagod niya na iyon ng kamay niya.
“Shit, parang ang sarap-sarap mo,” muling bulong niya nang ma-imagine ito. Maging ang amoy ng lalaki, nagugustuhan niya ring langhapin.
Bakit nga ba hindi siya gumawa ng paraan noon para may mangyari sa kanila ng lalaki? Kung gugustuhin niya naman ay siguradong makakalusot naman siya. Well, kung walang tsismosang magsusumbong sa kanya sa daddy niya.
And speaking of her dad, wala ito ngayon sa isla. Medyo malaya siyang gumala-gala. Alam niyang pinababantayan siya nito sa isa nilang staff. Pero takutin at suhulan niya lang naman iyon ay siguradong mananahimik na iyon gaya ng lagi niyang ginagawa.
Biglang bumalik ang lahat ng iniisip niya kanina. Alam niyang kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi mapunta kay Margarette ang atensyon ng ama nila. Alam niyang sinusulot lang ng kapatid niya ang attention ng daddy niya dahil hindi ito paborito ng kahit sino sa mga magulang nila kahit noong nabubuhay pa ang mga ito.
Noon pa man, sinasabi na ng ibang tao sa paligid nila na si Margarette ang mabait at siya ang demonyita. Na ang kapatid niyang manang ang matino at siya ang pakawala. She was fully aware of that. Pero ano bang pakialam ng mga ito sa itinatakbo ng buhay nila? Hindi naman ang mga ito ang nagpapalamon sa kanya.
Kaya lang, noon ay lagi siyang ipinagtatanggol ng parents niya. Ang mommy at daddy niya ang laging dumidepensa para sa kanya. Siya ang favorite ng mga ito. NOON. Ngayong patay na ang mommy niya at wala na sa kanya ang loob ng daddy niya nang makarating dito ang lahat ng pinaggagawa niya, ramdam niyang na kay Margarette na ang lahat ng pabor. Ito na lang halos ang kinakausap nang malumanay ng daddy niya. Sa tuwing kakausapin siya ng ama, lagi na itong galit na para bang nagsisisi pa itong binuhay siya nito sa mundo.
So she needed to secure her place in the family. Paano kung ang pangit niyang kapatid ang pamanahan ng properties nila? Paano kung bawiin ang niregalo sa kanyang kotse na hindi niya naman magamit sa isla at naka-park lang sa dorm na pagmamay-ari ng tiyahin niya malapit sa Lyceum of the Philippines University-Batangas? Doon din siya nag-aaral at sa pasukan, thesis na lang ang kailangan niyang tapusin.
Kailangan niyang gumawa ng aksyon. Ayaw niyang buong buhay na maging anino na lang ng bida-bida niyang kapatid.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga. Lalabas na sana siya ng silid nang mag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa ilalim ng unan. It was her classmate Belle. May ganap kaya sila sa gabing iyon? Kating-kati na ang lalamunan niya sa alak... at sa lalaki.
“Hello, Belle!” hyper niyang bungad nang sagutin niya ang call nito. “Ano na?”
“Anong 'ano na’?” medyo iritang sagot ng kausap. “Nakalimutan mo? Birthday ko ngayon! I told you last time. May party later sa bahay. You must come.”
Hindi siya agad nakakibo nang may mag-flash na ideya sa isip niya. Nakailang “hello” pa si Belle bago niya namalayang paulit-ulit na pala ito.
“Pwede ba akong magsama?”
“Gaga, sino? Kapatid mo? Eh 'di hindi ka nakapili ng pogi sa mga bisita ko.”
“Hindi siyempre!” mariing tanggi niya. “Ah, basta. Punta ako mamaya. Papahatid na ako sa bangka ng resort habang maaga pa.”
Nang matapos ang pag-uusap nila ay halos magkandarapa siyang lumabas ng silid. Nakasalubong niya pa sa hagdanan ang bwisit niyang kapatid pero hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na awayin ito. Mahirap na. Baka mabwisit lang siya at maitulak niya pa ito nang tuluyan.
Tuluy-tuloy siyang lumabas sa resort at dumiretso sa Poseidon’s Paradise. Hindi na siya nag-abala pang tawagin si Zeid. Dire-diretso na siyang umakyat sa tatlong baitang na hagdanan patungo sa pintuan ng maliit nitong bahay.
Muntik na siyang malaglag sa kahoy na hagdanan nang bigla niyang makasalubong ang papalabas na si Zeid. Pareho silang nagulat sa presensya ng isa’t isa.
“Ay kapre!” tili niya.
“Margaux?” nagtatakang bungad ni Zeid sa kanya.
Kahit hindi na siya gulat ay patuloy pa rin ang malakas na tambol ng puso niya nang matutukan ng mga mata niya ang abs ng lalaki. Matitigan nang malapitan. Gusto niyang yumuko at dilaan iyon pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
Darating din tayo diyan, bulong ng manyak niyang utak habang pinagnanasahan ang katawan ng lalaking kaharap. Light brown nipples, intact chest, firm abs. Ang sarap.
“Alam kong masarap titigan 'yan pero kausapin mo muna ako.”
Mabilis na nalipat ang tingin ni Margaux sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing nakatitig ito sa kanya at kitang-kita kung paano niya pinipigilan ang laway nang makita ang mesherep na katawan nito.
“'Kapal mo, juts  ka naman yata.” Natutop niya bigla ang bibig.
Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Zeid ngunit hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita.
“Samahan mo 'ko sa party mamaya,” diretsong sabi niya rito. Hindi iyon invitation kundi isang declaration statement at walang karapatan ang lalaking tanggihan ang beauty niya.
“Bakit?”
Nag-krus ang mga kilay niya. “Anong ‘bakit’?”
“Bakit obligado akong samahan ka?” diretsa ring tanong nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng kauntimg pagkapahiya pero pinilit niyang patarayin pa rin ang awra. “Ayaw mo ba?”
Nakahinga siya nang maluwang nang sumilay ang isang malapad na ngiti mula sa mga labi ni Zeid. “Gusto s’yempre. Wala nang tanongg-tanong.” Tumawa ito. “Ayos ah. 'Di ka na sobrang masungit sa 'kin.”
“Basta babalikan kita ng two p.m. Dapat ready ka na no’n ah.” Iyon lang at tinalikuran niya na ito.
Naglalakad na siya pababa mula sa bahay nito nang may biglang sumagi sa isipan niya.
Bakit nga ba sinusungitan niya pa rin si Zeid? Kung gusto niyang mag-work out ang pinaplano niya, kailangan niyang baguhin ang pakikitungo niya rito. Well, mahirap iyon lalo na’t sanay siya na tinataray-tarayan ang lahat ng tao sa paligid niya.
Napahinga siya nang malalim bago nagmartsa pabalik sa kinaroroonan ng binata. Nakatayo pa rin ito kung saan niya ito iniwan. Ilang beses muna siyang bumuntong hininga bago tuluyang lumapit sa lalaki at kinintalan ito ng halik sa pisngi. Pagkatapos ay patakbo siyang umalis.
For the first time, nahiya siya sa pinaggagawa niya. Gano’n yata talaga kapag guilty.

Luscious Gods 3: Poseidon, The Hot Guy-Next-DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon