Kabanata 2

258 14 0
                                    

Fan

Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin...

Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin,

Kahit sa panaginip, kaw lang ang aking hinihiling,

Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko parang ayaw ko nang magising.

Hinihimig ko ang kantang aking pinapakinggan habang ako'y naghuhugas ng pinggan sa kusina. Ako lang kasi ang tao sa bahay, si mama ay nasa trabaho and I'm sure, mamaya pang gabi ang uwi nun.

Nang matapos akong maghugas ay umakyat ako sa aking kwarto at tinapos ang mga takdang aralin. Tama nga ang sinasabi ng iba na ang college daw ang pinaka mahirap na stage sa pag aaral. Because you need to be serious and hardworking when it comes to your academic.

Nang matapos ay naghanda na ako para sa aking pagtulog but before that I open my cabinet at kinuha doon ang panyo ni Aries. Napangiti ako habang pinagmamasdan ito. It's just a simple thing that came from Aries but I can't help to smile. This is not simple to me, it is more than everything.

Hinding hindi ko malilimutan ang kaniyang mata at mga ngiti na para sa akin lamang noong araw na iyon. Hindi ko tuloy mapagdesisyonan kung isasauli ko ba ito o hindi. Bahala na nga bukas!

Kaya naman sobrang kaba ko pagdating ng kinabukasan. I can't decide what is best. Isasauli ko ba to o hindi? Ano?

I decided to take it with me to the school. Nang dumating ang lunch ay sobra sobra ang kaba ko habang padaan sa Music room. Dahan dahan ang bawat hakbang ko hanggang sa tumapat ako sa mismong pinto nito. My heart is beating so fast, bahala na nga!

"Miss?"

"Ay kabayo!" Halos napatalon ako sa boses na iyon. Napalingon ako at nakita doon si Aries! Oh my goodness! He's half smiling!

Bakit ba kasi nanggugulat siya?! Alam naman niyang...

"Ang gwapo ko namang kabayo." He chuckled. Uminit ang pisngi ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Shit! Anong susunod kong gagawin?

"Why are you here by the way?" He asked. Tama! Yung panyo!

Sa mabilis na paraan kinuha ko yung panyo at inilahad sa kaniya. Nakita kong tinitigan niya lamang ito na para bang nagtataka sa ginagawa ko.

"T-This is the handkierchief that you gave yesterday...thank you for-"

"It's alright...pwede namang hindi mo na isauli...but thank you for giving it back." He said bago niya kinuha ang panyo.

Huminga ako ng malalim at akma na sana akong aalis ng bigla na lamang siyang nagsalita.

"Chandria Barbara Delevigne, right?" He asked. Lalo akong kinabahan sa kaniyang pagkakaalam sa aking pangalan. How did he know?

"I'm Aries Psalm Fredrickson...it's nice to meet you Chandria." He said before he leave me dumbfounded. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o magtatalon pero....shit! This is just so good to be true!

Kaya naman buong araw akong inspirado dahil sa nangyari. This is the first time I have a crush on someone, and a simple conversation like that is a good feeling. Para akong nasa ulap sa mga sandaling yun.

"Janella....may alam ka ba sa The Constellation band?" Tanong ko isang araw ng biyernes kay Janella. Kahit alam ko na ang background ng banda gusto ko pa din makakuha ng ibang impormasyon kay Janella.

"Why?" She asked back, nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Wala lang, I'm just curious about them. Alam mo namang mahilig ako sa musika di ba?" I said. Mukha namang naniwala siya kaya nagsalita din.

"Well, they are so popular. Dahil silang lima ay mga heredero ng mga bilyonaryo sa buong mundo. Leo David Gardner, the lead guitarist is a son of the Governor of one of the big city here in the Philippines, bukod doon ay sila ang may ari ng Gardner Holdings Inc. na sobrang kilala saan mang sulok ng mundo."

Well, alam ko na yan, at iintayin ko na lang siya na magsalita tungkol kay Aries.

"Si Perseus Samuel Williams naman ay guitarist minsan ay nag papiano. He's taking now a chemical engineering. Because their family is very well known to their Pharmaceutical company, The Williams Pharmaceutical Company. Sobrang kilala din ito sa buong mundo."

"Hercules Noah Campbell is playing the bass, he is the heir of their Telecommunication Company. It is called Campbell Telecom, it is very well known, at nangunguna sa listahan pagdating sa ICT."

"Orion Hunter MacHale is playing the drum, he is the heir of a famous shipping line. It is called the MacHunt Shipping Lines, nangunguna ito pagdating sa dagat."

"And lastly, Aries Psalm Fredrickson, the vocalist. His family owned villas, lands, yatch and more. They are known in their famous Firm. The Fredrickson Firm Company. At dahil isang teacher dati ang nanay ni Aries kaya nagtayo sila ng paaralan. All of them are only child kaya lahat sila ay habang buhay mamumuhay sa marangyang paraan." She said.

Nakakamangha talaga ang bawat isa sa kanila, pero Aries is the best. Hindi ko alam pero maybe, I am now one of his fan.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon