Kabanata 18

170 11 0
                                    

Feel Free

Hindi ako makatulog sa gabing yun. At hindi maalis sa isipan ko ang mga posibleng mangyari sa isang linggo na nandito kami sa lugar na ito. Alam kong mali ang nararamdaman ko. Hindi ito tamang ilagay sa sitwasyon namin. Aries have a career. He has his band. He has his powerful name. At ang pangalan ko ay hindi karapat dapat.

Kinaumagahan maagap akong nag ayos ng sarili. I prefer a pull over and a jeans for this day. I put my hair in a messy bun and I'm done. Lumabas ako ng suite, at nakita ko sa labas ang dalawang bodyguard ni Aries.

"Good morning Ma'am." They greeted me. Ngumiti ako sa kanila.

"Good morning....si Aries?" I asked.

"Nasa corridor po sa dulo, dun daw po kayo magbebreakfast." Sabi nito. Tumango ako at pumunta na doon.

Bumagal ang lakad ko ng makita ko na ang lugar. Sa sobrang ganda ng tanawin ay namamangha na lang ako. Kitang kita dito ang buong lawa! Even the Taal Volcano! Wow!

"Nandito ka na pala." Napabaling ako kay Aries na ngayon ay mukhang kaliligo lang. He's wearing a v neck shirt and pants. Umupo ako sa kaniyang harapan at nakita ko sa mesa ang mga nakahandang pagkain.

"Is that the Lake?" I asked. Bumaling ako sa kaniya at nakita kong nakatitig siya sa akin.

"Yeah, do you like it?" He asked. Tinuon ko na lang ang aking tingin sa harapan, dahil nacoconscious talaga pag siya ang kaharap ko.

"Yes.." i said. Kumain na lang muna ako habang binubusog din ang mata sa magandang tanawin.

"They are offering a lot of activities here, do you want to try it?" He asked trying to strike a conversation. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.

"What time is your fan signing?" I asked.

"4 in the afternoon. Why?"

"Pag nagtry ka pa ng activity your fan signing might be ruin." I said. Umayos siya ng upo at nagdekwatro.

"It'll not. I'm sure." He said positively like he's convincing me that it's okay.

"If that's what you like then." I said. Nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi ng sinabi ko yun. Gosh! Bat ang gwapo niya!

Pagkatapos ng breakfast ay nagbihis lang kami bago tumungo sa isang park kung saan madaming nag ooffer ng mga activities. Nakita ko sa isang brochure na merong zip line, trecking, lake boating, and there's also a fish pond, and a food catering! Wow! Ang ganda pala dito!

Sumakay kami sa van upang makarating dun, syempre kasama pa din ang kaniyang bodyguard. Ganito pala si Aries kapag nasa labas ng school! Laging may bodyguards?

"What do you want to try first?" He asked. Yung bodyguard niya kasi ang nagdadrive kaya nandito kami parehas sa likod.

"Ikaw?" I asked back. Humalakhak siya sa aking tanong kaya napabaling ako sa kaniya.

"I ask first Chan, I'm the one asking you." He said playfully. Nag init ang pisngi ko. Ano bang gusto niya?! Kasi kung sa akin mas gusto kong masunod kung anong gusto niya!

"Siguro dun muna sa zip line." Mahina kong sinabi. Muli siyang humalakhak.

"Alright!" Natatawa niyang sinabi.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng park. Ang ganda! Madaming puno, at talaga namang fresh na fresh ang paligid. Kakaunti lang ang tao ang nandito ngayon, maybe because it's not the time of the season.

Sumunod ako kay Aries, pero hindi niya hinayaan na nasa likod niya ako. He waited for me hanggang sa magkasabay na kaming maglakad. Tumingin siya sa aking likod.

"Aalisin ko muna ang mga bodyguards, are you fine with that?" He said. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Bakit? Paano kung-"

"I can take care for myself and also you." He said. Kumalabog na naman ang lintek kong puso! Damn it

Naglakad kami patungo sa zip line.

"Magandang araw sa inyo Ma'am and Sir!" bati nung babae. Kitang kita ko ang pagkislap ng mata niya kay Aries.

"We want to try the zip line." Aries said. Tumango ang babae at mabilis na sinabihan yung mga lalaking mag aabyad sa amin. Pumunta kami doon at inayos na ang aming mga susuotin.

"Ma'am suotin niyo po ito." Sabi nung lalaki at inabot sa akin ang helmet, aabutin ko na sana ito ng bigla na lamang itong kinuha ni Aries.

"Let me." Sabi niya. Kumalabog na naman ang puso ko ng isinuot niya ito sa akin. He's now wearing his helmet, at kahit ganun sobrang gwapo niya pa din! Damn! Hinding hindi yata ako magsasawa sa kaniya!

Tinitigan ko ang bawat sangkap ng kaniyang mukha habang busy siya sa paglalagay nung helmet sa aking ulo. His deep and hypnotizing brown eyes, his proud and pointed nose that perfectly engrave in his face. His thin and red lips, his jaw that tracing his wonderful face that every girls adore. And lastly his dimples that displayed whenever he's smiling or talking.

"It's done." Nagulat ako dahil sobrang lapit na pala ng aming mukha, he ia crouching that's why our face is just near to each other. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisngi. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya ng makita ko ang ngisi sa kaniyang labi.

"I'm ready." Sabi ko sa lalaking nag aabyad sa amin. Tumango ito at may inayos sa likod.

"Are you sure Chandria?" May halong panunuya ang tanong na iyon. I glared for him for a moment.

"Ofcourse I am!" I said confidently.

"Ready na Ma'am, Sir?" Tanong nung lalaki. Napailing na lang ako, kasasabi ko lang kanina eh!

"Yes we are." Sabi ni Aries habang nakangisi.

"1....2.....3...."

Halos sumigaw ako nang binitawan na kami! Halos mapapikit ako sa rahas na hampas ng hangin sa aking mukha!

"Wooohhh!" Sigaw ni Aries na may kasamang halakhak.

Nagmulat ako ng mata at agad natakot sa taas ng kinatatayuan namin. Kitang kita ko ang kalawakan ng lawa. Ang mga puno ay nagmistulang maliit sa aking paningin! Nanigas ako dahil doon, napansin ata ito ni Aries kaya nagitla na lang ako ng hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.

"Don't be scared, Chan." Aries said. Bumaling ako sa kaniya at tumitig ako sa seryoso niyang mga mata. And then suddenly my nervousness gone. Sa isang hawak at haplos lang sa aking kamay nawala na ito. Bakit? Aries why? Ganito na ba ako kabaliw sayo?

Natapos ang zip line at nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Are you fine?" He asked me after we get down, naglalakad na kami patungo sa isang cottage.

"Oo naman." Sagot ko. Hinila niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad, para akong string na humampas sa kaniyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng kaniyang dibdib, tinulak ko siya pero sobrang higpit ng kapit niya sakin.

My heart is always weak kapag ganito na ang nangyayari! Bakit kailangan niyang maging ganito?! Hindi ba niya alam ang apekto niya sa akin? I am so drown! And I'm afraid to be hurt that it will end immediately! Ngayon pa nga lang nasasaktan na ako pano pa kung malalaman kung makakahanap din siya ng babaeng tunay niyang magugustuhan?!

"Why are you holding back Chandria? I want you to feel free. Feel free to show what you really feel Chan.." he whispered that gives shiver to my whole body.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon