Kabanata 12

165 10 0
                                    

Nervous

Para akong tanga na mag isang nakangiti habang naglalakad patungo sa first class ko. Hanggang ngayon kasi tandang tanda ko pa ang mga nangyari noong Sabado. And I felt that I'm floating or something!

"Ang ganda ng ngiti ah?" Patuyang sinabi ni Janella nang makasalubong ko siya sa paglalakad.

"Bigla bigla ka na lang sumusulpot!" Saway ko sa kaniya na tinawanan niya lang.

"Hmmm, feeling ko talaga may nangyari eh! Kwento naman diyan!" She said mocking. Umirap ako sa kaniya.

"Maybe next time!" Sabi ko at pumasok na sa loob ng class room. Nang dumating ang lunch ay dumiretso na ako sa Music Room para ayusin ang mga naiwan kong trabaho. Pero nagulat ako sa pagkaing nasa lamesa ko. Kanino galing to?

Tiningnan ko ito at nakitang may nakalagay na sticky note. Binasa ko ito at agad nag init ang pisngi ng malaman kung kanino galing.

Eat this food, it's for you.
-Aries.

Hindi magkamayaw ang aking ngiti habang binabasa ito. Kaya naman magana akong kumain. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Sa tingin ko baliw na ako.

Matapos ang lunch ay pumasok ako sa next class, medyo madami ngayong gagawin. Baka din hindi ako makadating sa music room mamaya dahil may reporting kami bukas, at kailangan naming mag meeting ng mga kagrupo ko.

Kaya ganun nga ang nangyari. We did our meeting in the library, at hindi ko namalayan ang oras kaya natapos kami nang halos alas singko na. Lumabas na ako at napatingin sa langit. Kulay kahel na ito.

Magsisimula na sana akong maglakad ng bigla na lamang may humigit sa aking braso. Kinabahan ako noong una pero nang napagtanto na si Aries ito ay nawala ang kaba ko. But wait! Bakit nandito pa rin siya?

"Aries?" Tawag ko sa kaniya. Tumigil kami sa tapat ng sasakyan niya at pinagbuksan ako sa passenger seat.

"Get in." He said. Hindi na ako nagsalita at sinunod na lamang siya. He's wearing the school uniforme at kahit yun ang suot niya, napakagwapo niya pa rin!

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"We'll eat dinner." Mabilis niyang sagot. Hindi na ako umalma dahil medyo gutom na nga ako.

"Are you done with your school works?" He asked.

"Uhm oo, buti na lang natapos namin kanina." Casual kong sinabi. Bagama't may kaba pa rin sa king dibdib hindi na ito mawawala dahil si Aries lang naman ang nakakapagparamdam sa akin nito. Lumingon ako sa kaniya. Bakit kaya nandito pa siya?

"Ikaw? Why are you still in the school kanina?" I asked.

"I'm waiting for you." My heart suddenly stop. Totoo ba ang sinasabi niya?

Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa restaurant. Napansin kong mamahalin yung restaurant.

"Wear this." Sabi niya sabay abot sa isang coat na itim. Siguro para matakluban ang aking uniforme. Ganun din ang ginawa niya pero napansin kong hindi siya nagsuot ng sun glasses o bullcap. Lalabas na sana siya pero pinigilan ko.

"Wait! Paano kung makilala ka?" I said worried.

"It's okay. The restaurant is mine so there's nothing to worry about." He said. Tumango na lang ako. Oo nga pala, mayaman siya at alam kong kaya niyang itago ang sarili.

Pumasok kami sa likod ng restaurant at agad may sumalubong sa amin na wari ko'y tauhan niya. Hawak hawak niya ang aking kamay habang papasok kami sa isang marangyang kwarto, it's a VIP room. May isang lamesa sa gitna na pangdalawang tao lang. The whole room is so beautiful. Kulay gold ito at ang lalong nagpapaganda ay ang chandelier na alam kong hindi basta basta ang halaga.

"Do you like it?" Aries asked nang nakaupo na kami. Umalis yung lalaki at alam kong kukuhain niya na ang mga pagkain namin.

"Yes.." usal ko. He smiled. Kinuha ko ang tubig sa aming harapan at ininom yun.

"Ikaw ba talaga ang may ari nito?" I asked. Tumingin siya sa akin.

"Yeah, binili ko lang ito sa isang kaibigan. It was all bankcrupt when I sold it at napalago ko naman siya after two years." He said.

Nakakamangha talaga siya. He will be a great businessman in the future! Hindi lang siya gwapo at mayaman! Matalino din siya!

"Ang galing mo.." puri ko sa kaniya. Humalakhak siya at tiningnan ako ng may ngisi sa mga labi.

"It's my luck maybe." He said. Sus! Pa humble!

Nang dumating ang mga pagkain ay tanging tunog ng mga kubyertos na lang ang maririnig. Minsan ay sumusulyap ako sa kaniya at nakikita kong seryoso siya sa pagkain. The way he hold the knife and the fork it's look like a royal blood etiquette! Samantalang ako trying hard!

When we finish the main course, busog na busog na ako. He ordered juice for me and a wine for him.

"Kailan kayo nagsimulang magbanda?" I asked out of nowhere. Napatingin siya sa akin after he sipped on his wine.

"High school and got discovered during senior." He said. Napatango ako. Matagal na din pala.

"Our parents are great friends, so basically we are childhood friends, we are still 5 years old when we got interested in music." He said.

"How about you?" Napatingin ako sa kaniya.

"A-Ako?" Sabay turo ko sa sarili ko. Natawa siya sa akin at tumango.

"Well, nakahiligan ko ang music simula noong elementary ako. At hanggang ngayon gusto ko pa din." I said.

"What about your family?" He asked. Bumaba ang tingin ko sa lamesa ng hindi na nakayanan ang kaniyang mga mata.

"Pinalaki ako ni mama ng mag isa. Si papa naman may sarili ng pamilya..." pinaglaruan ko ang baso sa aking harapan habang nagkekwento.

"Nang magbuntis si mama sa akin, sila pa noon ni papa, pero noong lumabas na ako, nagkaroon sila ng malaking away at naghiwalay sila. Papa did not marry my mother at ngayon may iba siyang pinakasalan. Si mama naman hindi na ulit nagkaroon ng relasyon." I said.

"I'm sorry to hear that." He said. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti pero seryoso pa din siyang nakatingin sa akin.

"Ano ka ba! Ayos lang yun! Matagal ko na namang tanggap ang nangyari sa mga magulang ko." I said to ease the tension I'm feeling.

Matapos ang dinner ay hinatid niya na ako sa bahay. I breathed heavily while watching his car drove fastly. Aries is making me so nervous but happy at the same time.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon