Kabanata 25

146 10 0
                                    


Ulan

Ramdam na ramdam ko ang bawat tambol ng aking puso habang pinagmamasdan ako ni Mrs. Fredrickson. Alam kong mali ang ginawa ni mama, everything is so wrong, kaya kahit na masakit tatanggapin ko kung anong sasabihin niya, tatanggapin ko kung anong gusto niya.

"I-I'm sorry Ma'am-"

"You know that your sorry isn't enough to turn back time and make me feel at ease again." She said in a very cold tone. Tumungo ako dahil hindi ko kayang tingnan ang kaniyang mga mata. It resembles Aries eyes, at maimagine na ganito siya sa aking tumingin ay masakit para sa akin.

Marahan siyang naglakad palapit sa akin, rinig ko ang bawat tapak ng kaniyang takong sa makintab na sahig ng office. She's wearing a very elegant yellow dress and a perfect accessories with it.

"Hindi ko alam kung bakit may mga taong mas pinipili ang maging ahas kaysa ang maging tuta..."

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Alam ko. Galit na galit siya. Ngayon ko pa lamang siya nakaharap pero ramdam na ramdam ko ang bigat na kaniyang nararamdaman. My mother caused so much pain on her and I don't know how to take it away. Alam na ba ito ni Aries? Siguro ay kinamumuhian niya na din ako. Mas lalo akong nasasaktan.

"Sana ay mas pinili niyo na lang ang malugmok sa alabok kaysa maging linta para huthutan ng pera ang aking asawa! Your mother has no shame at all!" Sigaw niya sa sobrang galit. She remain sophisticated even though she's so angry at the moment.

Para itong mga matalim na kutsilyo na tumatama sa akin. Mahal na mahal ko si mama, at hindi ko man lang maisip na gagawin niya ito. Tatanggapin ko lahat ng masasakit na salita. Lahat lahat. Dahil alam ko kami ang nagkamali.

"Simula ngayon, ayaw kong makikita ka sa school na ito. Tinanggal ko na din ang nanay mo sa trabaho. Don't let our path crossed again because to the next time we met again, you and your mother will be put in rags. Do you understand?" She said with finality. Tumango ako, pagkatapos nun ay naglakad na siya paalis sa office.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Bakit may mga bagay na kailangan mong danasin at paghirapan kung alam mong wala ka namang ginawang masama? Is this the life saying that I need to run away and just forget everything? Anong gagawin ko kapag iniwan ko si mama? Anong mangyayari kay mama? Kahit gaano pa kasama ang ginawa niya, she will always be my mother.

Naglakad ako nang naglakad paalis sa school habang lumuluha. Hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Gusto ko lang munang makalayo at pagaanin ang aking nararamdaman. Hindi ko namalayan na sa aking paglalakad nasa isang park na pala ako. Umupo ako sa isang bench at doon pinagmasdan ang ilang tao na nandun. There's a family that is happily eating while the children is teasing each other. Nakakalungkot mang isipin pero kahit minsan ay hindi ko naramdaman ang ganiyang pamilya.

Tumulo na naman ang luha ko at agad ko itong pinunasan gamit ang aking kamay. Tumingala ako sa makulimlim na langit.

Is this is one of the trial you want me to overcome? Why is this so hard? Why am I hurting so much? Gusto mo ba talaga akong pahirapan?

Hindi ko hiniling noon ang magkaroon ng kumpletong pamilya dahil sa simula pa lang tanggap ko na na hindi ako makakaramdam ng ganoong pakiramdam. I am contented of what I have. At ngayon ko lang naramdaman ang kakulangang yun. If my dad chooses my mom from the very start, maybe I can have siblings, mama and daddy will be a very perfect couple, they will not find another lover because they are contented of each others love. Sana ganun na lang ang nangyari. Siguro hindi ganito kasakit, hindi ganito kahirap.

I closed my my eyes when the raindrops started to fall at my face. The cold water envelope my skin. And then just a few minutes the rain started. Hindi ako tumakbo at naghanap ng masisilungan I stayed that way. Nakatingala sa langit habang ramdam ko ang malakas na pagtulo ng ulan. The wind gives shiver down my spine. But I don't care. I just want all these. I want to escape but I can't find the way, I can't find the way where am I heading.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon