Kabanata 26

145 12 0
                                    

Familiar

Sobra ang iniyak ko sa araw na iyon. Halos hindi ito maubos sa sobrang sikip ng aking dibdib. I never cried like this in my entire life, ngayon lang.

"Anak..." hindi ko namalayan na nakapasok na pala si mama sa kwarto ko. Kasalukuyan akong nag iimpake ng aking mga damit sa maleta na dadalhin ko patungo sa Laguna. She sat down in front of me, sandali ko siyang tiningnan at nakita kong nakabihis na pala siya.

"Sigurado ka ba na sasama ka sakin?" She asked softly. Nagpaalala ito sa akin kung paano niya ako kausapin noong bata pa ako.

"Oo mama..." sagot ko. I heard her sighed, hanggang sa tumulong na din siyang mag ayos ng damit ko.

"I'm sorry Chan...alam kong kasalanan ko kung bakit ka nahihirapan. At labis akong nagsisisi. Dahil sa nagawa ko hindi ka kaagad makakagraduate.." she said in a crack voice. Tumigil ako sa pag aayos ng damit at tumitig sa kaniya. I saw her tears fell down on his cheecks. She held my hands softly.

"If you want...you can just go to your father and continue your life with him. I can't stand seeing you here with me while suffering. So...it's more better if you come with him..." she said.

Naisip ko na din yan. Pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong iwanan si mama. She's my mother no matter what. Pinalaki niya akong mag isa at alam kong mahirap maging single parent. Kaya kahit saan siya pumunta susundan ko siya, dahil ayaw kong magsisisi sa huli dahil hindi ko siya pinahalagahan.

Hindi ko na napigilan ang humagulhol sa harapan ni mama. I embraced her tightly. I missed my mother. Matagal na din nang huli ko siyang mayakap ng ganito. Sa dami ng iniisip at sa sobrang sikip ng dibdib ko, hindi ko na mapigilan ang maging mahina sa harapan niya. Just this once, I want to be weak. I want somebody to lean on. Dahil hindi lang isip ang pagod sa akin. My heart is also brokenhearted, at hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.

"Mama....h-hindi kita iiwan." I sobbed.

Matagal pa kaming nagyakapan bago ako kumalma, after we finished to pack our things nagpara kami ng taxi para ihatid sa bus terminal. Habang umaandar ang taxi hindi ko mapigilan ang pagmasdan ang Manila. Halos papalubog na ang araw. The city lights are starting to be seen. I will miss this scenery. I will miss everything about Manila.

At alam ko na kahit maging malayo na ako sa lugar na ito. The guy that I fell in love with will forever engrave in my heart. Atsaka alam kong madalas ko siyang makikita dahil may television naman. Bumuntong hininga ako. Maybe...someday...I can find another man who will equal the feelings I had with Aries.

"Ito ang magiging bahay niyo...matagal na itong walang tao dahil nag migrate na sa US sina Tito Selmo. Bakit nga pala napagisipan niyo na dito tumira?" Tanong ni tita Emilia. She's my mother's sister. Dito siya nakatira sa Laguna, at buti na lang may bahay dito si Lolo Selmo siya ay tiyuhin nina mama na ngayon ay nasa ibang bansa na.

"Nagkaroon kasi ng problema sa Manila, kaya hangga't maaari dito na muna kami." Sagot ni mama. Tumango si tita kay mama.

"O siya sige, mauna na ako, malalate na ako sa trabaho eh. Sige bye." Nakipagbeso siya sa akin pati kay mama.

Pinagmasdan ko siyang umalis hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.

"Magsimula na tayong magligpit, Chan." Napabaling ako kay mama na inaakyat na ang mga maleta sa second floor. The house has a second floor that contains a two bedrooms. Maayos naman ang bahay kailangan lang ng konting linis at ayos. Nagsimula na din akong maglinis ng aking gamit, inayos ko ang aking damit at inilagay ito sa closet. Nilagyan ko din ng kurtina ang aking kwarto para maging maaliwalas. Halos alas dos na ako natapos.

Nakaramdam ako ng antok at pagod ng mahiga ako sa kama. Halos wala pa pala akong tulog dahil madaling araw na kaming nakarating dito sa Laguna. Kinuha ko ang cellphone ko at binuhay ito dahil tinurn off ko ito nang bumyahe kami papunta dito.

At nagulat na lang ako sa daming messages ni Janella sa akin.

Janella:

Chandria! Where the hell are you?

Janella:

Bakit hindi ka na pumapasok? Anong nangyayari sayo? Please reply...

Janella:

I heard you're out of town and will be out for good? Why didn't you tell me? I'm worried about you Chan. Tell me about all your problem. You know you can trust me. I'm your friend remember that.

That was her last message. I'm guilty dahil hindi man lang ako nagpaalam sa kaniya, hinayaan kong mag alaala siya ng sobra.

Ako:

I'm sorry Janella. I trust you. Don't worry I'm safe and I can take care of myself. The next time we'll see I'll tell you about my story...and that will be soon Janella. Thank you for being my friend.

Habang nag iiscroll ay nakita ko din ang ilang message ng Constellation band.

Perseus:

Where are you?

Hercules:

Damn! Ms. Chan where are you?

Leo:

You need to come back.

Orion:

Someone can't concentrate Ms. Chan, so you better come back.

I bit my lower lip as my tears are slowly rolling down to my cheecks. I missed them so much. If I can just stay and be with them especially Aries. It's just so sad. Yung tipong nagsisimula pa lang kami pero natapos agad. Sobrang saya noong mga panahong nasa Tagaytay kami, because I felt that he loves me like how I love him. Naramdaman kong may katugunan ang nararamdaman ko sa kaniya pero napakadaya ng buhay. Kung kailan masaya na ako syaka pa ako bumagsak sa matinding kalungkutan.

Kinabukasan ay nag ayos na ako ng aking sarili dahil napagdesisyonan kong mag enrol sa isang unibersidad dito sa Laguna. I will take Architecture of course.

"Aalis ka na?" Tanong ni mama ng tumayo na ako sa hapag kainan.

"Yes ma, bye." I kissed her goodbye before I went out.

Buo na ang loob kong magsimulang muli sa lugar na ito. Pero nang lumabas ako sa aming tahanan bigla itong nawala. A familiar luxurious car is in front of our house while a very familiar figure of a man is leaning to the car.

And when our eyes met, and realized who it was. My heart suddenly jump and beat faster. My knees started to tremble and his eyes gives shiver down my spine. I don't understand.

Why is he here? What the hell is going on? Why Aries Fredrickson is here?!

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon