Kabanata 15

166 11 0
                                    

Distance

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari sa condo ni Aries. Hindi ko yata kayang tingnan siya sa mata pagkatapos ng nangyari. Kaya naman nang dumating ang lunch break ay hindi na muna ako pumunta sa Music Room. Mas maganda na siguro yun para makalma ko ang sarili ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Janella nang tumabi ako sa kaniya sa table sa cafeteria. Inilapag ko ang mga pagkain na binili ko at hindi pinansin ang tanong ni Janella. Naramdaman ko ang matagal niyang pagtitig sa akin.

"Huy! Why are you here?" She asked once again. Tumigil ako sa pagkain at humarap sa kaniya.

"Natapos ko na yung gawain sa Music Room." I lied. Ang totoo kasi wala pa talaga akong nasisimulan. Siguro mamaya na lang after class sana lang ay wala doon si Aries.

"Really?" She said like she knows that I'm lying. Umiling na lang ako at hindi na nagsalita.

Tahimik kaming kumain ng bigla na lamang umingay sa buong cafeteria. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Isang dahilan lang naman kung bakit umiingay ang cafeteria eh. Dahan dahan akong lumingon at tama nga ang hinala ko. I saw Aries and his band walking straight in the entrance of the cafeteria. Para akong nawawalan ng hininga dahil sa lakas ng dating na ibinibigay nila.

"Ayan na naman sila! Ang hot talaga nila!" Narinig kong puri ni Janella sa kanila. Binalik ko ang tingin kay Janella at nakita ko ang pagtataka niya nang makita ang aking mukha.

"I'm going now Janella. May aayusin pa ako." Sabi ko at mabilis na umalis sa harapan ni Janella nang hindi iniintay ang kaniyang sasabihin.

At dahil wala pa naman talaga akong gagawin ay tumambay muna ako sa soccer field. May ilang nagpapractice ng ibang sports. Kaya naman pinanuod ko sila. Medyo makulimlim ang kalangitan para bang may dadating na malakas na ulan mamaya. Wala pa man din akong dalang payong.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ang hirap pala ng ganito. Hindi ba dapat hindi ko na yun isipin? Bakit ko ba siya iniiwasan? Baka akalain niya na nahihiya pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Pero hindi ko kayang basta kalimutan ang nangyari pati na rin ang mga naramdaman ko. This is not an ordinary feelings it is something I think I already know this but I'm afraid of it.

Lumipas ang oras kaya pumasok na ako sa next class, ito na ang last subject ko, after nito tatambay muna ako sa library para siguradong wala ng tao sa Music Room mamaya. Kukuhain ko lang naman yung list ng schedule nila tapos aalis din ako agad at sa bahay ko na yun tatapusin.

Kaya ganun nga ang ginawa ko. Matapos kong pumunta sa library ay pumunta na ako sa Music Room pero bago pumasok tiningnan ko muna sa bintana kung may tao, nang malaman na wala ay mabilis ko itong kinuha. Kinabahan pa ako dahil baka bigla silang magpakita.

Dumaan ang mga araw at ganun ang naging routine ko. Pumapasok ako ng maagap para mailagay sa Music Room yung kanilang schedule dahil alam kung wala pa sila sa mga oras na yun, kinukuha ko naman ito after class pero I always make sure na walang tao. Minsan kong naabutan si Aries dun kaya hindi ako tumuloy sa araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit nandun yun siguro may ginagawa.

"Miss Chandria!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, nakita kong si Leo pala ang tumawag sa akin. Lunch break ngayon at wala akong plano na pumunta sa Music Room.

"Bakit?" Tanong ko habang papalapit siya sa akin. Papasok pa lang ako sa cafeteria nang tinawag niya ako kaya napatigil din ako.

"May bagong schedule ang banda." Sabi nito at binigay ang isang folder. Kinuha ko ito at tumango.

"Sige." Sabi ko, naramdaman ko ang pagsulyap ng mga tao sa aming dalawa.

"Bakit hindi ka na namin madalas nakikita sa Music Room? Hindi ba dapat lagi kang nandun?" He asked.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon