Kabanata 8

167 12 1
                                    

Caught

Nasa likod niya lamang ako habang papasok kami sa Recording Company kung saan mag rerecord sila ng panibago nilang album. Syempre sa exit kami pumasok dahil maraming nag aantay na fans at media kapag nasa entrance. At kapag isang Aries na ang lumakad sa harapan ng madaming tao paniguradong dudumugin siya, wala pa man din siyang mga bodyguards.

Pumasok kami sa elevator, katahimikan ang bumalot sa aming dalawa dahil kami lang naman ang tao sa elevator. Hindi maiwasan ng puso ko ang kabahan. Hindi ko maimagine na makakasama ko siya sa ganitong sitwasyon. I've been watching him from afar this past few months since I first saw him, since he caught my attention at hindi ko maisip na makakasama ko siya ng ganito.

"I'm sorry, if I didn't inform you that I'm coming." He said. Sumulyap ako sa kaniya ng kaunti at nakita kong nakatingin pala siya sa akin! Mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Umiwas ako ng tingin at tumungo na lamang.

"O-Okay lang, w-walang problema..." mahina kong tugon. Nararamdaman ko pa din ang titig niya sa akin and I feels so uncomfortable when he's watching me like this! Baka mamaya ay mahimatay na lang ako dito sa kaba.

Naghari ulit ang katahimikan, napaangat ako ng tingin sa pintuan ng bumukas ito at pumasok ang maraming tao, syempre mga empleyado ng kompaniya at dahil naka cap at sun glass si Aries hindi nila ito mapapansin.

Kaya lang nang sumikip ang space naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang braso sa akin. I felt something on my stomach that I can't explain!

"Are you okay?" I heard him whispered on my ear. My heart raced faster and my knees trembled in nervousness! Lalo ko pang naramdaman ang katawan niya sa akin, kinagat ko ang aking labi dahil sa tinding kabang nararamdaman.

"Y-Yes.." nauutal kong usal. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na hindi ko naintindihan.

Matapos ang ilang minuto ay nasa tamang floor na kami kaya nakalabas na din kami sa elevator. Nakahinga ako ng maluwag ng maghiwalay kami. Grabe! I never experienced it in my entire life! Ngayon lang!

Lumingon siya sa akin nang mapansin niya ang bagal ng aking paglalakad, napatingin ako sa kaniya dahil siya mismo ang sumabay sa akin sa paglalakad.

"You're so slow...masama ba ang pakiramdam mo?" He asked. Agad akong umiling at pilit na ngumiti, hindi ko alam pero feeling ko mukha na akong tanga!

"H-Hindi." Tugon ko. Katulad ng mabagal kong paglalakad sinusundan niya ako para makasabay siya. Ano ba yan? Bakit hindi na lang siya mauna? Hindi niya ba alam ang nararamdaman ko?

"Kung ganoon ayaw mo akong makasabay? Mabaho ba ako?" He asked while chuckling. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. What? Hindi niya ba alam na ang bango bango niya?

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang humahalakhak niyang mga labi.

"Hindi ah! Hindi ka mabaho! Mabango ka kaya..." uminit ang pisngi ko sa sinabi ko lalo na nang humalakhak siya. It's so embarassing! Bakit ba sinabi ko pa yun! Bakit ang tagal naman ata naming makarating sa pupuntahan namin?

"Then why?" He asked playfully. Mukhang tinitrip niya ako ah? Dahil sa kahihiyan ay naglakad ako ng mabilis at agad siyang naiwan, narinig ko pa ang kaniyang paghalakhak habang sumusunod sa akin.

Nang makarating kami ay nandun na yung apat na nag iintay pala kay Aries.

"Ang tagal niyo!" Reklamo ni Hercules na nakabusangot ang mukha. Si Orion at Leo naman ay makausap na dalawang babae. Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang sila nakitang may kausap na babae.

"Let's start!" Sigaw nung Manager nila, pumasok na yung apat sa room kung saan ang dingding ay salamin. Nakikita sila sa labas ganun din sila sa amin.

"Wait here." Narinig kong sinabi ni Aries sa akin bago siya pumasok na tinanguan ko lamang, nagsimula ng magsigawan ang mga fans nila na pinayagang pumasok dito, may mga dala pang banner yung iba.

Lalo pa silang ginanahan ng patunugin ni Orion ang drums at inistrum naman ni Perseus at Leo ang kanilang mga gitara. Watching them like this is a great achievement for me. I never imagined that I'll watch them like this.

Nagsimula ng bigkasin ni Aries ang bawat liriko sa kanilang kanta. At kasabay ng mabilis na pagbeat ng drum ganun din kabilis ang puso ko. Napakaganda talaga ng boses niya. Para ito laging nanghaharana at nagpapakilig ng mga babae.

"I love you Orion!"

"Saranghae Hercules!"

"Oh my goodness ang gwapo mo Leo!"

"Papakasal ako sayo Perseus!"

"Akin ka na lang Aries!!!"

Napatingin ako sa mga kababaihang sumisigaw sa pangalan ng The Constellation band. Grabe, kung makapag idolo sila bigay na bigay!

"Ikaw ba ang bago nilang Organizer?" Napatingin ako sa babaeng nagtanong sa akin at nanglaki ang mata ko ng makilala ko ito. It's Lerissa Chua!

Her sweet smile and pretty face is telling me that she's one of those girls that probably the types of Aries.

"Oo..." tugon ko.

Binaling niya ang tingin kung saan nagpeperform sila Aries, kaya ganun din ang ginawa ko.

"Gustong gusto ko talaga si Aries." Bigla niyang sinabi. Nakaramdam ako ng pait sa aking puso, dahil maaaring kapag nagpatuloy siya sa paglapit kay Aries hindi imposibleng masuklian ang kaniyang nararamdaman.

"He is the only guy that made me feel this way, sinasabi ko ito sayo dahil ikaw na ngayon ang Organizer nila, I want everyone to know my feelings toward him especially you." She said with a serious tone.

Kinabahan ako nang biglang tumama ang tingin ni Aries dito habang sinasambit ang liriko ng kaniyang kanta.

"You caught my eye, in just a seconds

And ready to be imprison in a thousand years just to be with you."

Tumungo ako at nakaramdam ng pait. Tumingin siya sa direksyon ko dahil katabi ko si Lerissa. Maybe Lerissa is the girl that caught his eyes because in the very beginning Lerissa already made a move to be with Aries.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon