Kabanata 7

193 11 0
                                    

Convenient

"Kamusta naman ang pagiging Organizer ng isa sa mga sikat na banda sa Pilipinas?" Janella asked.

Huminga ako ng malalim at syaka inalala ang mga pangyayari sa loob ng dalawang linggo na organizer ng bandang yun.

Hercules and Perseus is playful while Orion is always quiet, si Leo naman ay matalino, and then Aries is a mysterious type. Tuwing practice nila hindi ko magawang tumingin kay Aries dahil sa nararamdaman ko tuwing magtatama ang mata namin, medyo dumadami na din ang ginagawa ko dahil padami ng padami ang gig nila sa bawat araw, minsan nga ay sila na ang tumatanggi dahil puno na ang schedule nila.

Dalawang beses na akong nakasama sa gig nila at masasabi kong magaling nga sila. They're band is now on top, kilala sila sa bawat sulok ng bansa. Kaya hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na ako nga ang organizer nila. Bukod kasi sa manager at sa company na may hawak sa kanilang banda kailangan din nila ng personal assistant na katulad ko.

"Ayos naman.." sambit ko. Tinitigan ako ni Janella at itinuro niya ang puso ko.

"Eh yan, okay pa ba?" She asked me. My smile faded.

Hindi madali ang makihalubilo kay Aries. Dahil sa bawat tagpo ng aming mata mas lalo kong nararamdaman ang mas matinding bugso ng damdamin ko para sa kaniya. I need to stop this. Kailangan kong iisang tabi ito sa trabaho ko bilang organizer nila. Pero ang hirap pala lalo na kapag may nakikita ko siyang may kasamang ibang babae. Naiintindihan ko naman yun dahil isa siyang Aries Psalm Fredrickson, gwapo, mayaman at sikat. Tanga na lang ang babaeng magsasabing hindi ideal type si Aries. Kaso narealize ko din na...mas masasaktan ako kapag nakita kong nakahanap na siya ng iba. Yung tipong seryoso na, hindi na laro dahil alam niyang pang altar na.

"Oo naman." I lied. Ngumiti siya sa akin at tinap niya ang aking likod.

"Don't worry Chan...you're just infatuated. At wag mo nang balaking magmahal ng isang Aries Psalm Fredrickson ng The Constellation band dahil mahirap siyang maabot ikaw lang ang masasaktan." She said.

Kaya naman baon baon ko ang mga salitang yun ng pumasok ako sa Music Room, pero mas mahirap pala kung ang madadatnan ko lang na tao sa silid na ito ay si Aries! Bakit siya lang ang nandito?!

"G-Good afternoon." Bati ko. Tumango lamang siya sa akin, ako naman ay umupo na sa aking table. He remained there watching me. Hindi ko tuloy maiwasang mailang. Kinuha ko ang folder na naglalaman ng contract nila sa isang bar, kailangan ko itong maayos bago ipabasa kay Aries.

"Bakit ngayon ka lang dumating? Late nagpalabas ang professor mo?" He asked suddenly.

Alas sais na kasi ngayon at kadadating ko lang. Ang totoo kasi nan nagpalate talaga ako sa pagpunta dito dahil nag assume ako na wala na sila dito kapag alas sais pero hindi ko inakala na maiiwan siya dito.

"Oo eh." I lied. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa pero agad kinabahan ng maramdaman ko ang paglapit niya.

"N-Nasan yung apat?" Tanong ko para maibsan ang kaba.

"Meron daw silang gagawin." He answered. Hindi na ako sumagot at nanatili na lang sa ginagawa.

Pero nakalipas na ang isang oras ay nandito pa rin siya at nanunuod sa akin. Kumunot ang noo ko. Bakit nandito pa rin siya? Di ba dapat na siyang umalis sa mga oras na ito?

Inayos ko na ang aking mga gamit nang matapos. Tumayo din siya ng tumayo ako. Sumulyap ako sa kaniya at inayos ang aking bag.

"Aalis na ako." Paalam ko, aalis na sana ako ng bigla niya akong higitin sa aking braso kaya agad akong napabalik sa aking pwesto. Nakaramdam agad ako ng kakaibang daloy sa aking katawan kung saan niya ako hinawakan. Lumunok ako nang iangat ko ang aking paningin sa kaniya.

"I'll drive you home. Wala naman akong gagawin." He said seriously. Huminga ako ng malalim.

"Ah hindi na! Kaya ko namang mag isa-"

"Are you rejecting me?" He asked. Tumungo ako at napatingin sa kamay niyang nasa braso ko. I think I don't have an escape from this.

"S-Sige..." pagpayag ko. Ngumiti siya sa akin at hinila na ako palabas.

Tahimik siyang nagdadrive patungong bahay namin. Hindi ko alam kung bakit siya nag intay sa akin at ngayon naman ay hinatid niya ako. Baka naman nakokonsensiya lang siya dahil kapag iniwanan niya ako baka mapahamak pa ako na alam kong dagdag pasanin niya.

Nagkamali ako, hindi ako makakaahon dito. Akala ko kaya kong pigilan pero hindi pala.

"Salamat ulit." Paalam ko, nasa tapat na kami ng pintuan namin. Nakatitig lamang siya sa akin. At kahit ilaw lamang sa loob ng bahay namin ang aming liwanag dito kitang kita ko ang mapupungay niyang mga mata.

"Sige...ah pasok na ako." Sabi ko at pumasok na sa loob. Napasandal ako sa pintuan na aking sinarado at inilagay ko sa aking dibdib ang aking kamay para pakiramdaman ang mabilis na pagtibok nito. Napapikit ako sa bilis nito.

Agad akong tumakbo sa bintana at tinanaw ang pag alis ng kaniyang sasakyan.

Kaya ko pa ba? Dalawang linggo pa lang nahihirapan na ako sa damdamin ko, paano na kaya sa mga susunod pang mga araw? Is it really okay?

Kinabukasan ay Sabado, hindi ako pupunta sa school dahil ang kitaan ng The Constellation band ay sa isang sikat na Recording Company na pag aari din nina Aries.

"Saan ang lakad mo ngayon?" Tanong ni mama habang pinagmamasdan ang aking ayos. I'm wearing a high waist jeans and a pull over crop top, sa paa naman ay isang boots.

"May kikitain lang ako." Maikli kong sambit. Alam ko naman na hindi na siya magtatanong ng marami dahil ganun din naman ako sa kaniya kapag may lakad siya. Katulad ngayon, she's wearing a sexy dress, at kahit 40 na siya kitang kita pa din ang magandang hubog ng kaniyang katawan. At hindi ko siya tinatanong sa mga lakad niya.

Umalis na ako pagkatapos kong mag almusal pero pagkalabas ko ng pintuan nagulat na lang ako ng makita si Aries na nakasandal sa kaniyang sports car habang ang kamay ay nasa bulsa niya. Shit! Bakit ang gwapo niya?! He's wearing a black coat and a maong jeans and boots, and he's so hot!

I swallowed hard when he walk near me.

"B-Bakit ka nandito?" Tanong ko. Ang tanda ko wala naman kaming usap na susunduin niya ako!

"Because it's more convenient if the vocalist and the organizer of the band will go together right?" He smirked at my reaction. Ang kaba ko ay labis labis na, halos gustong kumawala ng puso ko sa pinaglalagyan nito.

"Let's go Miss Organizer." He said and then he grab my hand and pulled me inside of his car.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon