Kabanata 17

175 9 0
                                    

Understand

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang kilalang hotel. Bumaling siya sa akin at tiningnan ang aking suot. Tumaas ang kilay ko sa kaniyang ginawa. At agad ding nahiya dahil natanto kong naka uniforme pa ako! Hindi man lang ako nakapagpalit!

"Wear this." Inabot niya sa akin ang isang coat na agad kong tinanggap dahil ramdam ko na ang lamig na dulot ng Tagaytay. Lumabas kami parehas sa sasakyan at agad siyang pinalibutan ng mga bodyguards niya. Buti na lang at kakaunti ang media na nandito kaya wala pa gaanong tao. Lalayo sana ako sa kaniya dahil sa mga bodyguards pero nagulat ako dahil hinigit niya ako papalapit sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan sa aking tabi. Sobra sobra na din ang kabog ng puso ko.

"Sir, Room 324 and 325 daw." Sambit ng isang bodyguard. Tumango lamang si Aries at diretsong naglakad habang kapit kapit ako. Nakita ko pa nga ang kuryusong mga mata ng mga tao sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan ngayong malapit at hawak hawak ako ni Aries.

Tumigil kami sa tapat ng pintuan kung saan nakalagay yung mga numero na sinabi kanina ng mga bodyguards. Humarap sa akin si Aries at binitiwan ang aking braso. I looked at him and I saw his serious eyes. Kahit gaano kaseryoso ang mga mata niya, bakit nakakahalina pa rin itong titigan?

"This is your room, and this is mine." He said. Tumango ako at tiningnan ang room 324 kung saan ay akin daw.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya dahil naramdaman ko ang bigat ng mga titig niya.

"Change your clothes before we have our dinner." He said.

Wala akong imik na tumango sa kaniya. Napalingon ako sa mga bodyguards niyang nakatayo sa aming gilid. Nakakahiya naman ito!

"Sige, papasok na ako." Tumango siya at hinayaan na akong pumasok sa kwarto.

Umikot ang paningin ko sa buong kwarto at hindi makapaniwala sa mga nakikita. Damn! Sobrang mahal ata ng suite na ito! Kitang kita ang chandelier na nakasabit sa ceiling, halatang galing ito sa malaking halaga. The whole room is screaming of gold and silver. The bed is big and can occupy a five people! Sure bang ako lang talaga ang magooccupy nito?

Umupo ako sa kama at nakakamangha ang malambot na tela nito. Hindi naman ito ang first time ko sa isang hotel pero ito ang pinaka mahal na napasukan kong hotel!

Pumasok akong bathroom at tulad ng inaaasahan nakakamangha ang itsura nito. There's a bathtub and a jacuzzi. Nag shower na ako ng kaunting oras at namili na nang susuotin sa mga pinamili ni Aries. Nag init pa ang pisngi ko ng makita ko ang mga undergarments doon. Hindi naman siguro talaga siya ang bumili nito. Inutusan niya siguro yung secretary niya?

Napili kong suotin ang isang jeans at fitting na shirt, medyo kita din ang pusod nito kaya naman pinatungan ko ito coat dahil sa malamig na panahon dito sa tagaytay. Inilugay ko lang ang buhok ko at saktong pagkatapos ko ay nakadinig ako ng katok sa pinto.

Binuksan ko ito at nakita ko si Aries. He's wearing a black maong pants and a white shirt, with a dog tag in his neck. Damn! Why is he so hot? Malamig ang panahon pero pinapainit niya ang pisngi ko!

"Let's go." He said. Nauna siyang naglakad at sumunod lamang ako. Naramdaman kong may sumusunod sa amin pero nang nakita kong isa lang sa mga bodyguard ay napanatag ako. Aries looked at me with a question in his eyes.

"Are you uncomfortable with a bodyguards?" He asked. Napatingin ako sa kaniya. Agad akong umiling dahil okay lang naman kung may bodyguards siya. It's for his safety. He is a celebrity kaya dapat lang na may bantay siya.

"It's okay, sayo namang bodyguards yan kaya hindi mo dapat ako tinatanong." I said. Tumigil siya sa paglalakad kaya pati ako ay napatigil. Buti na lang walang tao sa floor na ito kaya okay lang siguro na mag usap kami ni Aries.

"You're with me, if you're not comfortable just tell me." He said at nabigla na lang ako ng hinagilap niya ang aking kamay at pinagsalikop ito. Bolta boltaheng kuryente ang aking naramdaman. My heart beat faster, sobrang lakas at kumakalabog. Hindi na ako nakaalma dahil hinigit niya na ako para maglakad.

Alam ko na ito eh. I'm falling for him and I don't know if this is good or not. Mahirap ang makaramdam ng ganito kay Aries. Dahil alam kong hindi lang ako ang babae na humahanga sa kaniya. Marami kami.

Pumasok kami sa isang private room ng hotel. Dahil kailangan kaunti lang ang tao dahil kung makikita si Aries pagkakaguluhan siya. Binitawan niya ang kamay ko at pinaupo sa kaharap niyang upuan. Tahimik akong naupo ganun din siya. The waiter gave us the menu. Umorder si Aries ng mga pagkain, bumaling siya sa akin at hinihintay kung anong order ko.

I swallowed before I uttered my order. Nang matapos ay agad akong kinabahan dahil sa mga titig niya. Kaya naman para maibsan ang kaba hinagilap ko ang baso ng isang tubig at ininom ito. Pero hindi kaya ng tubig na pawiin ang aking kaba!

"I have a fan signing tomorrow, and a solo performance after that." He said. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil hindi ko kayang titigan siya pabalik.

"Alright. Sasama ba dapat ako?" I asked in a low tone.

"Ofcourse you're coming with me." He said.

"Okay."

"Do you want to tour around?" He asked. Napabaling ako sa kaniya dahil sa tanong. Shit! Kailan kaya ako makakatingin ng diretso sa kaniya?

"I'm here for work, nothing else." Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para sabihin yun.

"What if I want to tour around? Are you coming?" He said seriously. This time I tried to looked at his eyes longer. His brown eyes is so deep, and damn it's like a deep ocean that will drown you until you're out of breath.

"Maybe.." i answered. He chuckled of what I said. Nagulat ako nang tumuon siya sa mesa at inilapit ang sarili sa akin kahit may mesang nakapagitan.

"Gusto kong malaman if you have already a man in your life?" He asked. Nanglaki ang mata ko sa tanong niya. Bakit naman niya yun tinanong? Ano naman?

"W-Wala." Iniiwas ko ang mata sa kaniya. Umayos siya ng upo at nakita ko ang ngisi sa kaniyang labi. Umawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa kaniyang ekspresyon.

Dumating na ang mga order namin at nagsimula kaming kumain ng tahimik. Hindi ako makakain ng maayos dahil ramdam ko ang mga sulyap niya sa akin. Hindi ko alam pero feeling ko talaga may nagbago! Pero ano nga ba Chandria? Paano kung ganito talaga siya? I'm sure he is a playboy type!

"I didn't know that it'll happen." He whispered. Umiling pa siya habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Is he talking to himself?

"I didn't imagine this Chandria..." he said. Kinabahan ako. Ibang klaseng kaba. Yung para bang may halong excitement na hindi ko maintindihan!

"Hindi kita maintindihan, Aries." Sabi ko. Humalakhak siya at umiling sa akin.

"Don't mind me Chan, soon...you'll understand." He said.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon