Nightmare 7

48 3 0
                                    

Sheena

Naglalakad ako ngayon sa gitna ng tahimik na pasilyo. Sa katunayan nga ay kanina pa ako kinakabahan sa ginagawa ko. Hindi ako sigurado kung itutuloy ko pa ba. Pero wala na eh, papunta na'ko titigilan ko pa? Siguradong nagtataka na sina Paris kung bakit ako nag-cut ng klase. Tatadtarin ako ng sangkatutak na tanong ng mga 'yon.

Babalik ako sa kwarto nina Paris. Maghahanap ako ng mga clues na makakatulong sa'kin. Hindi ko alam pero gusto kong lutasin ang mga nangyayari. Pansin ko rin na parang wala lang sa mga staff ng school ang mga nangyayari ngayon. Dalawa na ang namatay. Una, 'yung ka-roomate ni Paris, pangalawa, 'yung malapit sa dorm namin.

Ang nakapagtataka lang,'yung babaeng ka-roommate ni Joy. Hindi ko alam kung ano ang nangyari doon. Wala naman akong nababalitaan at naririnig tungkol sa bagay na'yon. Sa tingin ko ay pinagtatakpan ng eskwelahan 'yun. Ang tanong, bakit?


Nandito na'ko sa building kung saan ang dating dorm ni Paris. Medyo creepy dito dahil ang tahimik,sa ganitong oras ay nasa klase ang lahat. Kahit natatakot na'ko ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Pupurihin ko ang sarili ko dahil ang lakas ng loob kong pumunta sa dating kwarto ni Paris. Eh muntik na'kong mamatay noong last na pumunta ako ro'n. Inilagay ko ang palad ko sa dibdib ko na ang lakas at bilis ng tibok dahil sa kaba. Bwisit!

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na'ko mismo ng pintuan. Tumingala ako at binasa ang numerong nasa taas.

Room 111

Number palang creepy na.
Sana naman may mahanap ako rito. Tanging tanong lang naman sa isipan ko ay bakit yung Rich pa ang pinatay?
Nainis nga ako dahil bigla na lang naglaho 'yung envelope na binigay ni Rich kay Paris. Hinayaan ko nalang, baka hindi naman importante ang laman nun.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang may humawak sa balikat ko. Palihim akong nanalangin na sana ay kung sino man ito ay pwedeng bitawan na niya ako dahil ang lamig ng kamay niya! Feel ko multo ito. Hinarap ko ito at napasigaw ng makita kung sino.

Si M-Mitch!

Ang lamig ng tingin niya sa'kin. Kasing lamig ng kamay niya.

Alanganin akong ngumiti at pinasadahan siya ng tingin. Nangunot ang noo ko nang makita ang mga benda niya sa magkabilaang kamay, meron sa pulsuhan na parang naglaslas, meron sa siko na nakabenda pa. Meron din siya sa pisngi na naka-band aid at namamaga rin ang pang ilalim ng labi niya. Pero mas marami sa paa. Mukhang sariwa pa ang mga 'to. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong isang araw, 'yung gabi kung saan ako nakarinig ng sigaw? Nasa kwarto ko siya no'n at lumabas para tingnan kung ano ang nangyayari.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod. Isang araw ko rin siyang hindi nakita.

Napatingala lang ako sa kaniya nang magsalita siya.

"What are you doing here?" Tumayo ang balahibo ko sa lamig ng boses niya.

"Saan galing ang mga 'yan?" Tanong ko sa halip na sagutin siya.

Nagsalubong ang kilay niya at huminga ng malalim. "Why do you even care?"

"Nagtatanong lang." Irap ko saka napanguso. Nagtatanong lang naman eh. Feel ko kasi kasalanan ko.

Hindi na ako nagtanong, baka kung ano pa sagutin niya. Bubuksan ko na sana 'yung pintuan ng pinigilan niya ako.

"What do you think you're doing? Are you insane? You almost died inside of that room and now, papasukin mo 'yan?"

Natigilan ako at dahan-dahan siyang hinarap.

"Pa... p-paano mo nalaman?" Sinubukan kong basahin ang mga mata niya but still, no emotions at all. Pilit kong tinago ang kaba dahil naalala ko na naman 'yun.

"Because I'm the one who saved you from that psycho girl." Walang hinto-hintong saad niya.

My lips parted because of what she said.

Nahiya ako bigla and I really don't know what to say. Should I say thank you? Thank you for saving my life?
But another question popped in my mind.

"Ikaw nga ba? As far as I can remember, lalake ang nagligtas sa'kin. He even bring me to the clinic. And I woke up seeing him. Now tell me are you?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yun but I saw amusement in her eyes. Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"He is just a stranger pero naniwala ka sa kaniya?"

"And you're a stranger, too. Why should I believe you?"

"Hindi na kita pipigilan. Pero mas magandang iiwas mo na ang sarili mo rito. Magpanggap kang walang alam. Mas maganda 'yon." Nanibago tuloy ako. Deretso ang pagtatagalog niya, nasanay akong laging english.

Nagkibit-balikat na lang ako. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may bumukas na nito na nanggagaling sa loob. Nangunot ang noo ko nang lumabas mismo sa kwarto ang dalawang babae at isang lalake.

"Anong ginagawa niyo sa loob?" Tanong ko. Tinaasan ako ng kilay nung babaeng mahaba ang buhok hanggang bewang at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Doon ko lang napansin ang dalang garbage bag nung lalake, dust pan at walis. Kawawa naman, siya lahat ang nagbubuhat.

"Inutusan kami ng Dean na linisin 'tong kwarto bilang parusa na rin." Sagot ng lalake na pilit kinakarga ang mga dala niya. 'Yung isang babae naman ay nasa tabi na Mitch, may suot itong salamin at ang buhok niya ay hanggang balikat.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya habang tumitingin sa wrist watch niya. "Nasa klase ka dapat ngayon. Nag-cut ka ng klase, makakarating sa President 'to." Napa roll eyes na lang ako sa taray at arte ng pagsasalita niya.

Hindi na ako nagsalita basta ay pumasok ako sa loob. Bumagsak ang balikat ko ng wala na ang mga gamit ni Rich. Malinis na lahat.

"Mitch, ikaw rin anong ginagawa mo rito?

Lumabas na ako at walang sabi-sabing umalis. "Wait. Sasama ka samin sa ayaw at sa gusto mo. You should face the consequences. You cut you class." Napabuga ako ng hangin at hinarap siya.

"Ayaw ko." I uttered while crossing my hands infront of my chest. Lahat sila ay nakatingin sa'kin. My eyes met Mitch's emotionless eyes.

"Let her, Carla." So her name is Carla. Carla look at Mitch with shining eyes. Psh. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis dito at kumapit sa braso niya.

"Okay sinabi mo eh. Tara na."

Pinagmasdan ko ang paglaho ng pigura nila. Tumalikod na'ko at nagpatuloy sa paglalakad.

.

What now? Walang kwenta ang pinunta ko rito. Napunta lang sa wala. Siguro, kailangan ko ng sundin ang sinabi ni Mitch. Mas magandang manahimik na lang ako at magpanggap na walang alam.

Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng blazer ko. Nagtaka ako ng may makapa ako rito. Inilabas ko 'yon at halos mamutla ako ng makita kung ano 'yon.

A Nightmare with a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon