Nightmare 15

23 4 0
                                    

Sheena

Napasigaw ako dahil biglang bumukas ang pinto. Iniluwan non si Paris na humahangos.

Naka-lock 'yon ah?

Mukhang nagulat pa siya nang makita kami. Nang makahuma ay agad niyang sinara ang pinto at ni-lock ito. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap 'to.

"Akala ko ano nang nangyari sa'yo."
Saad ko habang nakayakap pa rin sa kaniya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"Whoo! N-Nakakapagod din 'yun."
Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at inalalayan siyang umupo.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sakaniya saka umumpo sa ibabaw ng table. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Hindi ko lang 'yun pinapahalata.

"H-Hindi ko rin alam. Basta ay agad akong lumabas ng cafeteria. Hindi ko na nga kayo makita. Nabitawan ko pa ang phone ko." Saglit siyang natigilan at napatulala na ikinataka ko. Si Bea at 'yung lalake naman ay tahimik na nakikinig.

"B-Basta ang alam ko may mga babae!" Bigla'y sigaw niya na ikinagulat ko ngunit hindi ko ipinahalata.

Nagkatinginan kami ni Bea. "Babae?" Tanong niya.

Mabilis na tumango si Paris. "O-Oo! Nakaharang sila sa buong labasan ng school kaya hindi kami makalabas. Sinubukan din namin na bumalik sa dormitory building pero hindi namin magawa dahil may nakaharang na mga babae. Hindi ko makita ang mukha nila,pero sure akong babae sila. Nagulat kaming lahat ng walang pag-aalinlangan na sinaksak nung babae ang isa sa mga schoolmates natin. A-At doon na kami nagkahiwa-hiwalay," mahabang paliwanag niya.

"H-Hindi na tayo ligtas dito," saad nung lalake.

"At sino ka naman?" Tanong ni Paris. Ngumiti ng alanganin 'yung lalake.

"Ako si Ted."

"Umalis na tayo rito---" hindi na natuloy ni Bea ang sasabihin niya dahil bigla siyang natahimik, actually kaming lahat ay natahimik.

Parang may naririnig kami. Masakit sa tenga. Parang bakal na hinahatak? At palakas ng palakas 'yon. Feeling ko nga ay papunta banda sa'min. Tumigil ang tunog at namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Magsasalita na sana ako ng biglang may bagay na lumusot sa pinto.

Napasigaw kaming lahat dahil doon. Nanginig ako sa takot nang masilayan ko kung sino ang may gawa non. I-Isang babae! Nakangiti siya nang malademonyo. Pero ang mas nakakatakot ay ang mapupulang niyang mata, parang naka drugs lang.

"Shit! T*angina! Ano 'yan?!!"
Mura ni Paris at sunod-sunod na rin siyang napamura gano'n na rin si Ted.
"Put*ngina! Anong mukha 'yan! Naka drugs ba kayo? At napagtripan niyo ang school?! Gano'n?"

Napatigil 'yong babaeng mukhang naka-drugs. Sa lagay na 'yon ay pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakasuot siya ng bestidang puti na naging pula na dahil sa dugo. May hawak siyang kadena at sa dulo no'n ay pabilog na may maraming tusok. Napalunok ako ng makitaan ito ng dugo. Inilibot niya ang buong tingin sa'min hanggang huminto sa'kin ang pula niyang mga mata.

Dahang-dahan na ngumisi siya kaya kitang-kita ko ang ipin niyang nangigitim. At nanlaki ang mata ko ng hindi 'yon normal na ngipin! Parang pinatulis pa!

A Nightmare with a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon