Tumawa ng matinis ang babae sa video na para bang nawawalan na sa katinuan. Nakatali ito sa kahoy na upuan, kamay at paa nito ay nakatali. Magusot ang dating kulay puting uniporme na ngayon ay nagkulay pula na dahil sa sarili nitong dugo. Sa buong katawan nito ay mababakasan ang mga sugat na nagmula sa iba't ibang uri ng mga bagay na tumama sa kaniya. Nagdurugo ang ilalim ng labi nito, natatakpan ng buhaghag na buhok nito ang kalahati ng kaniyang mukha.Sa ikalawang pagkakataon ay tumawa muli ito. Sinampal siya ng pagkalakas-lakas ng isang babae na mababakasan ng kaba at pagkabahala sa mukha.
"S-Stop laughing!" Gigil na saad ni Lory na nakayukom ang kamaong nanginginig. Ito ay ka-eskwela niya rin. Puno rin ito ng sugat at magulo ang buhok.
Natatawang napailing si Jena, ang babaeng nakatali sa upuan. Inikot nito ang ulo niya paharap sa babae, bawat galaw ng leeg nito ay tumutunog. Kaya halos manginig sa takot ang lahat ng naroon.
Ngumisi ito, revealing her braces. Dumura muna siya ng dugo bago nagsalita.
"You motherfuckers!" Saad nito. Hindi mo aakalaing sa inosente niyang mukha ay may nagtatago pala. Napa-atras si Lory at napakapit sa katabi.
"You will pay for slapping me. You really don't know what you're doing. Instead of hiding, all of you are still here." Inilibot niya ang buong tingin sa silid at nginisian ang bawat estudyante na madadapuan ng paningin niya.
"Sabihin mo lahat ng nalalaman mo. Why are you doing this to us? Are you an ally of that Killer?" Tanong ng lalakeng may dos por dos sa kamay. Binalingan ni Jen ang lalaki at walang emosyon na tiningnan.
"Meh?" May pagka british na accent na saad ni Jen. "HAHAHA! hindi niyo talaga alam 'no? Ang lakas ng loob niyong itali at saktan ako, tapos hindi niyo pala alam ang dahilan kung bakit nandito ako at kung bakit nandito rin siya?" Napatiim bagang na lang ang lalaki. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang lahat.
Nilapitan ng lalaki na nagngangalang Marko si Lory at hinili sa isang sulok.
"Sigurado ba kayo sa ginagawa niyo?" Bulong nito habang hawak-hawak sa braso si Lory. Nag-iingat din siya na baka may makarinig sa kanila.
Napangiwi si Lory dahil nahawakan ni Marko ang sugat nito. Pero imbis na pagtuunan ng pansin ay tinugon niya si Marko. "I'm not sure too. I'm just following Levin." Tinapunan niya ng tingin si Levin na nakatulala sa isang sulok.
"Umalis na tayo rito." Biglang saad ni Marko na ikinagulat ni Lory.
"O-Okay. I re-remind ko lang sila." Aalis na sana si Lory nang pinigilan siya ni Marko. Nagtatakang tiningnan niya ang binata.
"Anong i-remind? Tayong dalawa lang!" Saad ni Marko na agad na tinanggihan ni Lory.
"What? At iiwan lang natin sila?" Saad ni Lory. Tinapunan nang tingin ni Marko lahat ng estudyante sa silid. Nasa 20 na lang siguro sila. Ang iba naman ay hindi nila alam kung nasaan. Hindi rin sila sigurado kung buhay pa ang iba o kung sila na lang ang natitira.
Hindi na pinilit pa ni Marko si Lory. Tinalikuran niya ang dalaga at dire-diretsong nagtungo sa pinto na ikinalingon ng lahat. Biglang bumukas ang pinto at namalayan nalang nila na may sumaksak sa binata at sakto sa noo nito.
Nagsigawan ang lahat kasama na roon ang mga nanonood. Biglang tumunog ang bell, hudyat na lunch break na.
Bumukas ang ilaw at pinatay na rin ang projector.
BINABASA MO ANG
A Nightmare with a Psychopath
Misterio / SuspensoNote: • Complete (main story is finished) • Unedited chapters • Under editing (not yet started) Complete Sheena Castro, hindi niya aakalaing sa pagtapak niya sa eskwelahang 'yon ay magkakagulo na ang tahimik niyang buhay. Hindi niya inakalang mapupu...