Nightmare 9

41 4 0
                                    

"Told ya'h. I already warned you. Ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari?" Napatiim-bagang siya nang marinig ang boses na 'yon at maamoy ang nakalalasing na amoy nito. "2 innocent people were killed. Pinatay nga ba sila?"

Nalunod siya sa pag-iisip na tanging tanong na pumapasok sa isip niya ay... pinatay nga ba sila? Bakit sila pinatay? Anong dahilan? Kung namatay naman sila, ano ang dahilan ng pagkamatay nila? At bakit?


"Just leave me alone. You're not helping."

Napangisi si Mitch at pinagmasdan ang likod ni Sheena. "Before I leave you, promised me that you'll not do anything that will make you harm."

Isinabit ni Sheena ang bag niya sa balikat at tinaasan ng kilay si Mitch. "And who are you to command me?"

"Just do what I said." Mas lalong nainis si Sheena sa sinabi nito.

"Shut up! You're not my parents to tell me what to do. You're just a stranger to me." Nagtitimping saad ni Sheena. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang 'yun, pero nakita niyang may sakit sa mga mata ni Mitch pero agad ding naglaho 'yun at ngumisi ito ng pagkalapad-lapad.

"Okay then." Kibit balikat ni Mitch, pero sa paraan ng pagkakasabi ni Mitch doon ay kinilabutan si Sheena. "What's in your pocket?"

Napansin pala 'yun ni Mitch. Kukunin na sana ni Sheena 'yon pero nagulat na lang siya nang hawak-hawak na ni Mitch ang scented paper na 'yon. Ang papel na 'yon ang envelope na ibinigay ni Rich kay Paris.

"Ibigay mo sa'kin 'yan!" Aabutin na sana niya pero itinaas 'yun ni Mitch at mapang-asar na tiningnan siya nito. Napasimangot na lang siya at sumusukong napasandal sa locker.

Bwisit! Kayo na matangkad.

"The tower will fall and it will face it's own grave." Hinayaan na lang nito si Mitch na basahin ang nakasulat sa papel. Pinagmasdan niya kung paano amuyin ni Mitch 'yon. "Rose." Mahinang saad ng dalaga pero sapat na para marinig ni Sheena. Nagtaka siya ng biglang nawalan ng emosyon ang mukha nito. "Who gave you this?"

Kinabahan siya sa paraan ng pagkakasabi nito. "A-Ano---eh... a-ayan 'yung envelope na kinuha ko sa dating dorm ni Paris. 'Yan 'yung binigay ni Rich sa kaniya, 'yung nasa loob ng envelope."

"Rich? The girl who died because of a nightmare?" Tumango si Sheena.

"Quotation lang ata 'yan eh."

Umiling si Mitch at binasang muli ang nakasulat. "This isn't a Quote. This is juat a simple riddle. At first, it's looks like a quote because it has a tower and own grave. But if you have an high IQ you will understand it in just a span of seconds."

"One of your friend named Paris right?"

Nagtataka man ay tumango si Sheena. "Sa lugar na Paris, may tower, hindi ba?"

Tumango ulit siya. "Let me explain to you what is this riddle means. The tower will fall and it will face it's own grave. Ang sinasabing tower ay si Paris at grave naman ay libingan which is connected with kamatayan."

Lumakas ang tibok ng puso ni Sheena ng simulang mag sink-in sa utak niya ang pinapahiwatig sa kaniya ni Mitch. "You're friend is in danger. Hanapin mo na siya before it's too late."

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali siyang tumakbo patungong cafeteria. Doon niya iniwan sina Paris kasama ng iba pa.

Naiwan naman si Mitch doon na nakapamulsang pinagmamasdan ang papalayong pigura ng dalaga. Huminga siya ng malalim at tiniis ang sakit na bumabalot sa buong sistema niya. Tanging pangugulila, sakit at pagmamahal ang makikitang emosyon sa mga kulay tsokolateng mga mata niya. Napangiti siya ng mapait, kalaunan ay napangisi at madiin na nilamukos sa kamay niya ang scented paper at binato sa trash can.

A Nightmare with a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon