Nightmare 6

45 2 0
                                    


Mariin ang pagkakahawak niya sa cellphone habang may kausap sa kabilang linya. Pataas-baba ang balikat niya dahil sa mga malalalim na salita.

"Just wait. Kumukuha ako ng tyempo para mapatay siya." Malamig pero may diing saad nito.

"You know how I hate that word, Faye. I really hate waiting. Remember,I gave you only two months. One week had already passed, yet you didn't finish the mission I gave to you." Saad ng nasa kabilang linya.

Fuck that mission!

Bulong niya sa sarili. Yeah, it's been one week since nang pumasok siya rito. Pero wala pa ding nagbabago, o natatapos sa inutos sa kaniya.

"Halata nga. Nag-utos ka pa ng estudyante para patayin ang babaeng 'yon sa room 111. Muntikan mo na din siyang sinama."

"Oh! You're pertaining on that woman? Psh nevermind. Just remember what I said Faye, I'm watching you."

Hindi na siya nakasagot ng pinutulan na siya ng kabilang linya. Mahina siyang napamura at ilang beses na sinumpa ang babaeng nasa kabilang linya kanina.

Napabuntong hininga siya at binulsa ang cellphone na hawak niya. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya kung paano mamutla ang isang estudyante na mukhang narinig lahat ng pinag- uusapan nila. Isang freshmen, na mapapaaga ang libing.

"Do you want to die?" Malamig na saad nito sa freshmen. She's now starving, starving on kill. Sinisisi niya ngayon ang babaeng gumawa lahat ng ganito sa kaniya. She turned her into another person. At hindi na 'yun mawawala sa kaniya.

Ilang beses na umiling ang lalakeng freshmen habang namumutla. Nanginginig ang labi nito at hindi na makagalaw sa kinatatayuan.

"You better hide now..." muling saad niya bago umabante ng isang hakbang. "In the count of 3, 2! " dali daling tumakbo ang freshmen.

Nadapa pa ito pero agad ding nakatayo. Napahalakhak siya. Kalaunan ay napangisi, hindi na muli pang masisikatan ng araw ang freshmen na 'yun. Siguraduhin lang ng lalaking 'yun na makapagtatago siya ng maayos. Walang thrill kung hindi.

Mula sa malayo matamang nagmamasid ang isang babaeng may hawak na patalim sa kaliwang kamay. Hinawakan niya ang talim no'n at napangisi.

Kailangan mong patayin 'yon. Kung hindi, ako mismo ang papatay sa kaniya.

__

Isang linggo na ang nakalipas at ayos na si Paris. Nakikipag biruan na ito sa mga kaibigan dahil nabaon na niya sa limot ang pangyayaring 'yon kaya walang nagtangkang ibalik ang topic na 'yon.

Pero si Sheena ay hindi pa rin makalimot. Sino ba'ng hindi makakalimot lalo na't muntikan ng makuha ang buhay mo? Lalo na't parang may mga matang nakamasid sa'yo.

Although, one week na ang nakalipas pero sariwa pa sa isip niya 'yon. She can't tell her friends about that. Mag aalala lang ang mga 'yun at ayaw na niyang dagdagan pa 'yun sa mga iniisip ng mga kaibigan.

Hindi niya rin masasabi sa mga magulang niya 'yon. Because she has no one. Wala siyang mga magulang. Lumaki siyang ulila sa bahay ampunan na tanging mga Madre lamang ang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya. Ni minsan ay hindi niya naramdaman o naranasan ang pagmamahal ng isang magulang.

At tungkol doon sa envelope na kinuha niya sa Room 111. Dinahilan niya sa mga kaibigan niya na naiwala niya 'yon. Kahit na ang totoo ay nasa kaniya. May kutob siyang may kakaibang laman ang envelope na'yon. Hindi niya pa nabubuksan, hindi pa siya handa. Pero kapag kinakailangan, magiging handa siya.

"Hey Sheena! Natulala ka ah?" Nabalik lang siya sa realidad nang akbayan siya ni Paris, dahil nga mas matangkad ito sa kaniya. "Iniisip mo siguro kung bakit pandak ka 'no?"

A Nightmare with a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon