Nightmare 4

57 2 0
                                    

Sheena

Kinabukasan,mabilis na kumalat ang balita. 'Yung iba natakot,'yung iba ginawang katatawanan. Habang ako puno ng pag-aalala. May namatay kasing estudyante rito campus at namatay siya mismo sa dorm niya.

Kaya ako nag-aalala dahil ka-room mate ni Paris 'yung namatay kaya parang na-trauma. Base sa pagkakakwento niya ay namatay sa bangungot 'yung babae na nag ngangalang Rich.

Nasabi nilang bangungot ang dahilan ng pagkamatay niya dahil walang bakas ng pagpupumiglas o sinaktan. Pero nakakatakot daw ang itsura niya at the same time, nakakadiri. Kulay black daw ang labi nitong namamaga. Kaya raw kulay black dahil sa ballpen, ginawa niya raw na parang lipstick. Hinahanap 'yung ballpen na posibleng ginamit niya pero wala. Nakakapagtaka man ay ang eskwelahan na ang bahala roon.

"Drink this." Inalalayan ko si Paris na uminom. Nanginginig pa kasi ang kamay niya. "You're going to be alright." Saad ko sabay hagod sa likod niya.

"T-That's... ugh!" Tinakpan niya ang buong mukha niya gamit ang mga palad niya. Kami naman ay pinagmasdan lang siya.
"S-Something is weird, I-I c-can't explain."

Nagkatinginan kaming apat dahil sa sinabi ni Paris. Nilapitan naman siya ni Bea na umupo sa harapan ni Paris na magkapantay na ngayon. Wala na ang palabirong si Paris, balisa at kinakabahan siya ngayon. I wonder kung ano talaga ang itsura nung ka-roomate niya.

"What do you mean, Paris?" Seryosong tanong ni Bea. Naupo rin ako sa tabi nila at matamang nakinig, ganoon din si Jero at Melisa.

Sunod-sunod na umiling si Paris habang nakatakip pa rin ang dalawang palad sa mukha.

"You're not going to be okay kung sinasarili mo lang. Share your thoughts with us. We're your friends, Paris." Saad ni Melisa na sinangayunan naman ni Jero pati na ako. Huminga ng malalim si Paris.

"In this past few days, Rich is acting very weird." Nagsalubong ang kilay niya na para bang inaalala ang lahat.

"At exactly 7:10 in the evening after she ate her breakfast ay agad siyang de-deretso sa study table at magsusulat ng kung ano-ano. Rich is known as a genius. So hinayaan ko lang siya baka nag re-review lang. But she become more weirder na lagi siyang nagsasalita ng mag-isa at eksaktong alas-tres ng madaling araw naman."

"Wow! Pang horror movie ang peg ng ka roomate mo ah!" Biglang singit ni Jero sa katahimikan kaya sinamaan namin siya nang tingin. Agad naman niyang tinikom ang bibig niya.

"Lagi akong nagigising dahil do'n." Pagpapatuloy niya. "Pero ang mas nakakagulat ay tulog siya. Akala ko nababaliw siya. Kinabukasan ay tinanong ko siya, nanaginip lang daw. Sa sumunod na araw ay mas lalong lumala. Mas napansin kong lagi siyang may pasa at laging nakatulala. And then kagising ko, patay na pala siya." Yumuko siya na para bang pagod na pagod.

"May binigay ba siyang something o sinabi sa'yo?" Napabaling ang atensyon ko kay Bea. Deretso at seryoso lamang siyang nakatingin kay Paris. Nagkibit balikat na lang ako. Maybe, she's just concern.

Or may intention siyang iba....

"Uhhm m-meron?" Parang hindi siguradong saad niya.

"Where is it?" Saglit na nag-isip ai Paris.

"N-Nasa dorm. If you want it, ikaw na lang ang kumuha. Hindi ko pa kayang pumasok doon. Nasa cabinet ko."

Tumayo ako at hinawakan siya sa balikat.

"Ako na ang kukuha."

Tiningnan ako ni Bea. "Are you sure?"
Tumango lang ako at tinalikuran na sila.

Napalabi ako. Kung ako siguro ang nasa lugar ni Paris ma to-trauma ako. Magkukulong sa kwarto at tutulala. Gusto ko tuloy makita kung ano'ng itsura nung Rich. Ni hindi ko pa nakakasalubong 'yun, ni hindi nga pamilyar ang pangalan. Section 12 lang naman siya.

Nagtataka ako dahil wala akong nakitang mga pulis. Dahil pribado ang school at sikat,paniguradong pinagtakpan nila ang insidente.

Saka hindi ba nila kukunin ang panayam ni Paris? Pwedeng makatulong sa imbestigasyon ang mga sasabihin niya.

Binuksan ko ang pinto. Inilibot ko ang paningin ko, everything is a mess! Kaso nga lang walang police line. Kaya alam ko na. I decided to turn on the light at bumungad sa'kin ang magulong part ng kama ni Rich kasama na 'yung mga gamit niya, 'yung ibang cabinet ay nakabukas. Sa right part naman is 'yung kama ni Paris. Sobrang ayos maliban na lang sa sapin ng kama niya. Nakaramdam pa'ko ng kilabot nang ma-imagine ko ang itsura ni Rich habang walang buhay na nakahiga sa kama niya.

Minasahe ko ang batok ko para mabawasan ang kaba. Nilapitan ko ang kama ni Paris at naisipang tupiin ng maayos ang sapin niya. Pagkatapos ay dumeretso ako sa cabinet niya.

.

Binuksan ni Sheena ang unang baitang ng cabinet at may nakita siyang envelope na may pangalan pang Rich Fuerrero na may kasamang signature niya. Kukunin na sana niya ng biglang namatay ang ilaw at narinig niya ang pagsara ng pinto at pag-lock nito.

Hindi niya alam pero agad siyang nakaramdam ng kilabot. Agad-agad niyang kinuha ang envelope at binulsa. Kinapa niya ang cellphone niya at nagpapasalamat siyang nadala niya ito. Bubuksan na sana niya ang flashlight ng biglang may humablot ng cellphone niya. Napasigaw siya at napasandal sa pader.

"S-Sino 'yan?" Kinakabahang tanong niya. Nakarinig siya ng kaluskos sa kama ni Rich kaya agad napabaling ang tingin niya ro'n. Bagaman ay walang makita ay alam niyang may tao ro'n.

Pinagpapawisan na siya ng malamig at nalilito kung ano ba dapat ang gawin niya.

Walang pag-aalinlangan siyang tumakbo patungo sa pintuan. Sinubukan niyang pihitin ang seradula pero hindi pa rin bumubukas. Nanginig siya sa takot nang makaramdam ng malamig na bagay sa leeg niya at sa tingin niya ay isang patalim 'yon.

"You're not scared huh." Napapikit siya ng maramdaman ang hininga nito sa tuktok ng tenga niya. Napakalamig ng boses at talagang manginginig ka.

"Are you not afraid of going here alone?"

"S-Sino ka ba?" Mabuti na lang at nahanap niya ang boses niya. Hindi siya makapag salita dahil sa matinding takot. "I-Ikaw b-ba ang pumatay s-sa kaniya?"

Ngumisi ang taong nasa likod niya at mas lalong idiniin ang patalim sa leeg nito. "What if... I am?" Mabagal ang pagkakasabi nito. Muling nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Hindi ka ba nagbabasa ng mga sign?"

Napasiklot si Sheena ng idiniin siya nito sa pintuan. "A-Anong sign?"

"There was a sign on the door, maybe you didn't notice. But I don't care, you are now here. Now... give me that fucking envelope if you don't want to get killed."

"A-Ano bang envelope?!" Hindi na niya napigilan pang magtaas ng boses. Hindi niya kilala kung sino 'to at hindi niya rin alam kung anong kailangan nito sa kaniya.

"Stupid woman." Bahagyang na insulto siya ro'n pero nananaig pa rin ang takot sa sistema ni Sheena. "Hindi ka na masisikatan ng araw, isusunod na kita sa babaeng nandito at pagkatapos no'n isusunod ko na rin ang mga kaibigan mo, bloody right?"

"H-Huwag mong sasaktan ang mga kaibigan ko!"

"Sorry darling but it's too late. Goodbye."

Napatili si Sheena ng aambahan na sana siya ng killer.

A Nightmare with a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon