Sheena
Pagkabulas ko ng pintuan ng kwarto namin ay nagulat ako.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya saka pumasok sa loob. Sinara ko ang pinto at nagtungo sa kaniya.
"Bawal ba? Magsaya na kayo." Saad niya habang nakahilata sa kama ko. Huminga ako ng malalim at tumabi sa kaniya.
Akala ko kung sino na. Si Bea lang naman pala.
"Akala ko ba uuwi ka?"
Tumingin siya sa'kin at pagkatapos ay tumingin ulit sa kisame.
"Nagtampo si Paris eh. Nakonsensiya tuloy ako."
Nasaan si Paris? Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto pero wala siya. "Oh, si Paris nasaan?"
Pinagmasdan ko siyang umupo at hinugot ang cellphone sa bulsa. "Lumabas saglit para kumuha ng makakain. Hindi raw siya makatulog nang lumabas ka, hindi rin naman ako makatulog. Nga pala, akala ko kukuha ka ng pagkain mo?" Napakamot ako sa ulo dahil sa tanong niya.
"Napatakbo ako rito eh, akala ko kung sino na 'yung kumakatok." Nang may mapagtanto ako. "Saan dumaan si Paris? Saka umuwi ka na ba sa inyo?"
She shooked her head. "Hindi pa. Nasa kwarto lang ako buong maghapon at si Paris, ewan ko. Iisa lang naman ang daan pababa ng building. Sa tingin mo saan siya dadaan?"
Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Si Paris na hinihingal. "Guys! Tara bilis! Tingnan niyo 'to."
Nagkatinginan kami ni Bea bago naisipang sumunod kay Paris.
Nadatnan namin ang isang babae na nakahiga na sa sahig. May nakatakip na tela sa buong mukha nito. Paano ko nalaman na babae? 'Yung buhok niyang nakalugay. May kulay pula na rin sa kulay dilaw na telang pinantakip sa kaniya. Na sa tingin ko ay dugo niya.
Ano na naman ba 'to?
Inilibot ko ang paningin sa buong cafeteria. Dumapo ang tingin ko sa isang babae na umiiyak habang patuloy siyang pinapatahan ng isang lalake, na sa tingin ko ay boyfriend niya.
"Grabe, ang harsh lang." Tumabi sa 'kin si Paris habang kumakain ng Chitchirya.
"Nangyari na't lahat-lahat pagkain pa rin ang inatupag mo." Inirapan niya lang si Bea. Nagtatampo pa ata 'to.
"Sa mga nangyari ay parang nasanay na'ko ah." Ngumunguyang saad niya habang nakatitig sa bangkay na inaasikaso ng mga staff ng school. Inabutan niya ako ng chitchirya pero tumanggi ako.
Kanina lang ay gutom ako. Pero mukhang nawalan ako ng gana dahil sa nakita ko.
Wala na ang katawan at naupo na lang kami sa table. "Nakapagtatakang gising pa sila sa ganitong oras."
"Ehh mag mu-movie marathon daw sana sila at naisipan nilang pumunta dito sa cafeteria dahil ubos na ang pagkain nila." Sabat ni Paris.
"Paano mo nalaman?" Inirapan niya muna si Bea bago sumagot.
"Narinig ko lang," kibit balikat niya.
BINABASA MO ANG
A Nightmare with a Psychopath
Misterio / SuspensoNote: • Complete (main story is finished) • Unedited chapters • Under editing (not yet started) Complete Sheena Castro, hindi niya aakalaing sa pagtapak niya sa eskwelahang 'yon ay magkakagulo na ang tahimik niyang buhay. Hindi niya inakalang mapupu...