Sa isang silid kung saan tanging nakabukas na bintana lamang ang nagsisilbing ilaw nito habang tumatagos ang liwanag ng buwan mula rito. Tulalang nakatingin ang isang dalaga sa sariling repleksiyon habang pauli-ulit na binibigkas ang apat na kataga.
Sa unang tingin pa lamang sa kwarto ay matatakot ka nang pasukin ito sa sobrang dilim. Magulo ang mga gamit at puno ng kalmot ang mga dingding. Tanging hikbi at boses lang nito ang maririnig. Magulo ang buhok, puno ng pasa ang katawan at punit-punit ang damit na may bahid ng mga dugo.
"My parents are dead. My parents are dead. My parents are dead...."
Paulit-ulit na bigkas niya. Patuloy na umaagos sa pisngi niya ang masasaganang mga luha ng bumalik sa isipan niya kung paano niya nasaksihan ang pagpatay sa mga magulang niya mismo sa kaniyang harapan. Paulit-ulit siyang umiling na parang nawawalan na sa sariling katinuan.
Sa kalagitnaan ng gabi. Bumukas ang pinto at pumasok mula rito ang isang babaeng may katandaan na. Naliligo na sa sarili nitong dugo. Nagawa pa nitong ngumisi, bagaman ay sobrang nanghihina na siya. Sa isang tulak lang ay maari na itong humandusay sa sahig ng walang malay. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa dalagang walang kamalay-malay sa presensiya niya. Nasisiguro ng matanda na hindi siya makakagawa ng anumang tunog na makakapag panik sa dalaga. Napasinghap ang dalaga ng may marahang humaplos sa buhok niya. Mas lalo siya naiyak.
"Mommy?" Tawag nito sa inaakalang mama niya.
"Shhh, tahan na baby. Yes, I'm your mommy." Saad naman ng matanda na hindi mapantayan ang pagnanasa sa mukha. Nais na niyang patayin ang dalaga katulad ng ginawa niya sa mga magulang nito.
Mas lalong napahikbi ang dalaga pagkunway niyakap ang matanda. Hindi maaninag ng dalaga ang matanda sapagkat napaka dilim ng kwartong kinatatayuan nila. Paulit-ulit na sinasambit ng dalaga ang kaniyang ina habang nakayakap sa matanda. Sa pagkakataong iyon ay naglabas ng patalim ang matanda, ng akmang sasaksakin na niya ang dalaga ay nagulat na lamang siya nang makaramdan ng sakit sa bandang likuran niya. Nanlalaking mga matang napaatras siya habang pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Walang emosyon itong nakatingin sa kaniya.
Bagaman madilim ay hindi nakatakas sa paningin niya kung paanong dahan-dahang ngumisi ang dalaga. Saka lamang siya napatingin sa malaking cutter na hawak nito.
"I don't want to say sorry, because you should be the one who'll say that." Nakangisi ito.
Ang kaninang umiiyak ay parang napalitan ng isang demonyo. Napaupo ang matanda sa matinding sakit. Nagsasalita siya pero tanging dugo lamang ang lumalabas sa bibig niya."You killed my parents, you took their lives and I should take your life too. You fucking killer!" Walang pagaalinlangang pinagsasaksak niya ang matanda sa leeg. Sumirit ang mga dugo sa katawan at mukha ng dalaga. Pinagsasaksak niya rin ang mukha nito. Hindi pa siya nakuntento, hiniwa niya ang mukha ng matanda at pinagsasaksak sa dibdib.
The old woman fell on the floor lifelessly while her eyes are wide open. Na parang sa huling hininga niya ay nakakita siya ng demonyo. Isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isipan bago siya mawalan ng buhay.
Nagkamali siya ng binangga...
Kinaumagahan.
Nakatanggap ng report ang mga pulis tungkol sa pagpatay. Dali-dali silang nagtungo sa pinangyarihan ng krimen.
BINABASA MO ANG
A Nightmare with a Psychopath
Mystery / ThrillerNote: • Complete (main story is finished) • Unedited chapters • Under editing (not yet started) Complete Sheena Castro, hindi niya aakalaing sa pagtapak niya sa eskwelahang 'yon ay magkakagulo na ang tahimik niyang buhay. Hindi niya inakalang mapupu...