Nightmare 11

38 2 0
                                    

Sheena

Nandito ako sa dorm nina Paris. Magsimula kahapon ng 7 P.M ay hindi na'ko nakatulog. Hinihintay ko si Melisa na bumalik sa dorm niya. Pero wala, dumating ang alas-dose ng gabi ay hindi siya dumating.

Nagbabakasakali na prank lang talaga 'yon, pero wala, it's not prank anymore. Lahat ng nangyayari ngayon is a serious matter.

"Bakit nangyayari sa'tin 'to?" I ask out of the blue while my head is down staring at my shaking hands, because of fear? Yes, because of fear, fear of losing someone again. Takot ako, takot na takot kung ano ang mangyayari sa susunod.

"Is Jero and Melisa are safe?" I asked again. I looked at them when I got no answers.

Si Bea na nakatingin sa kawalan. Nang malaman niya kung ano ang nangyari ay agad siyang pumunta dito. Nagulat pa'ko dahil agad siyang nandito. Bea is the most serious among us. Siya rin ang masikreto sa'min, pinakatahimik at minsan cold kung makitungo.

Hindi ko namalayan na napatagal ang pagtitig ko sa kaniya. "What?" Tanong niya sa'kin. Umiling lang ako bilang sagot.

Nagtaka ako nang tumayo si Paris at kumuha ng Jacket sa cabinet niya. 'Yung ka roommate niya ay tahimik lang na nakikinig sa'min. At first, hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya pero mukhang nakahuma na rin siya.

"We should report this to the Principal or sa kahit na sinong faculty teacher. I badly need an answer what is happening on us."

Wala kaming nagawa kung hindi ang tumayo. Sinabihan kami ng ingat nung ka roommate ni Paris bago niya sinara ang pinto.

Alas-sais na ng umaga at ko-konti palang ang mga estudyante.'Yung iba ay sa cafeteria pumupunta para mag umagahan. Napatingin ako sa suot ko. Hindi pa ako nakakapagpalit since yesterday. Inayos ko ang buhok kong nagusot. Magmumukha akong kahiya-hiya rito.

"Looks like the school is doing nothing." Pambabasag sa katahimikan ni Bea.

"Nahahalata ko nga." Segunda ni Paris habang ako ay tahimik na nakikinig sa kanila." Unang ni-report natin is 'yung pagkawala ni Jero. They said na baka nandito lang 'yun at nag cu-cut. Like duh! We know Jero that studying is no.1 on his list. At kung nawawala talaga si Jero, come one! It's been seven days since Jero's missing. Dapat ay mahahalata na nila 'yon, dapat ay may ginagawa na sila para mahanap ang nawawalang estudyante!"

At hinayaan lang namin na ilabas ni Paris ang nararamdaman niya. Though she has a point, dapat ay may ginagawa na ang paaralan sa kasong 'to. 7 days ng nawawala si Jero at mukhang tahimik lang sila.

Nang makarating na kami sa building ng office ay si Bea na mismo ang nagbukas ng pintuan ng hindi kumakatok. Nadatnan namin si Ms. Corpuz, the Principal of this school. Mukhang nagulat siya sa biglaang pagsulpot namin.

"Learn how to knock students."

"Hindi na PO kami mag-aabala pang kumatok. Lalo na't ang isang kaibigan namin ay nawawala." Pagdidiin ni Bea sa po . Ms. Corpuz smiled sweetly at her. And believe me, I don't like her smile.

"What do you mean?" Pinaupo niya kami na sinunod namin.

"Kagabi pa ho nawawala si Melisa, our friend." Saad ko habang nakatingin sa kaniya. Pinagsiklop niya ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng lamesa.

"Okay."

Nagulat ako sa sinagot niya, gano'n din si Paris habang si Bea ay walang emosyon na nakatingin kay Ms. Corpuz.

A Nightmare with a PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon