"YES!" Naitaas niya ang papel na hawak-hawak at nagpaikot-ikot habang nakaupo sa swivel chair niya. Nakangiti niiyang pinasadahan ng daliri ang buhok. Hindi siya makapaniwalang sa tagal na niyang sinasagot ang mga katanungan na'to ay ngayon niya lang nasagot.Siguradong matutuwa si Big Boss dito!
Inubos niya ang lumamig na kape bago inayos ang sarili. Nakatungo siyang lumabas sa opisina habang may malawak na mga ngiti. Binati niya ang iilang mga katrabahong bumabati sa kaniya.
"Saya natin Mr. Arceo! Anong balita?" Napangiwa siya ng tinaas-baba nito ang kilay niya mismo sa harapan nito.
"Umalis ka sa dinadaanan ko. Ke aga-aga sinisira mo na agad ang araw ko." Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa opisina ng bosing niya. "Good mood ako ngayon. 'Wag mo naman sanang sirain."
"Grabe ka Mr. Arceo! Ako na nga lang ang pinaka gwapong nilalang dito sa opisina pero binabalewala mo lang ako."
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang kasamahan ng may malawak na ngiti. Walang pwedeng makasira sa mood niya ngayon. Ayan lang ang tanging iniisip niya.
"Hindi ka naman gwapo. Mas gwapo ako sa'yo. Hep-Hep!" Pinigal niya ang kasamahan sa pagsasalita at nginisian. "Saka dapat kang binabalewala. Sa panget mong 'yan." Natawa siya kung paano bumusangot ang mukha nito. Napailing nalang siya at nagpatuloy, muli, sa paglalakad.
"Boss!" Naitikom niya ang bibig niya ng madatnan na natutulog ang boss niya. Nakatingala ito habang nakabuka ng konti ang bibig. Pinilit n'yang huwag matawa sa mukha nito.
"Maganda pa rin kahit tulog." Bulong niya sa sarili. Tatalikod na sana siya ng may nagsalita.
"Ang aga, nakakainis na boses mo agad ang maririnig ko." Ngumiti siya ng matamis bago lumapit sa pwesto nito.
"Boss may good news ako." Pinagmasdan niya kung paano mag-ayos ng gamit ang boss niya. Siya si Amber Cruz, ang nagsisilbing pinuno nila sa ahensiyang pinagta-trabauhan niya.
Naupo siya sa upuang nasa harap ng table nito.
"Spill it, Mr. Arceo"
Tumikhim siya bago inabot ang papel na hawak-hawak niya. Napangisi si Amber. "Magpatawag ka ng meeting. Faster.""Areglado Boss!"
.
Nakatukod ang dalawang kamay nito sa itaas ng lamesa. Pinasadahan niya ng tingin ang mga ito. Dumeretso siya nang tayo at sinenyasan ang sekretarya na iabot ang mga litrato. Inihagis niya ito sa gitna ng round table. Kumuha nang tig isa-isa ang mga ito at binasa ang impormasyong nakasulat sa mga likod ng bawat litrato.
"Pag ugna-ugnayin natin ang lahat. Magsimula sa umpisa." Pakaliwa-pakanan ang lakad nito habang ang kamay ay nasa likod. "Base sa mga nakalap na impormasyon ni Arceo. Simula noong taong 2004, ay puro babae ang binibiktima nito. Maliban nalang sa mag-asawang Aldova na dinamay niya sa hindi nating malaman na dahilan."
At sila ang Security of all Agencies. Sila ang humahawak ng mga kasong hindi kayang lutasin ng mga parak. Wala silang palya sa paglutas, agad-agad itong natatapos. Maliban na lang sa isang kaso; ang isang Serial killer, Murderer plus Psychopath na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin.
Binasa niyang muli ang papel. Nalutas nilang siya rin ang pinapatunayang suspek na pumatay sa mag-asawang Aldova, pero sa kabilang banda ay nakaligtas ang anak nilang babae, si Faye Aldova, na hinihinalang siya ang pakay nito. Simula sa taon ng dalawanlibot-apat(2004). Dalawang babae, natagpuan sa abandonadong gusali. Base sa nakalap nilang impormasyon ay magkaibigan ang dalawang dalaga na lumaki sa bahay ampunan. Hinihinalang dahilan ng pagkamatay nila ay isa sa kanila ang maaaring tagapagmana ng Aldova's Group of Companies. Sinasabi sa impormasyon na may iisa pang anak na babae ang mag-asawang Aldova, hindi lang si Faye Aldova.
BINABASA MO ANG
A Nightmare with a Psychopath
Mystery / ThrillerNote: • Complete (main story is finished) • Unedited chapters • Under editing (not yet started) Complete Sheena Castro, hindi niya aakalaing sa pagtapak niya sa eskwelahang 'yon ay magkakagulo na ang tahimik niyang buhay. Hindi niya inakalang mapupu...