"Sorry darling but it's too late. Goodbye."
Naglalakad ang isang babae habang buhat buhat sa mga bisig ang isa pang babae. Hindi mo aakalain na sa kababae niyang tao ay kaya niyang bumuhat ng isang tao. Tahimik ang pasilyong dinadaanan nila patungong clinic. Habang naglalakad ay bigla siyang napangisi dahil sa ginawa kanina.
Binuksan niya ang pinto ng room 111. Nakarinig siya ng tili kaya wala siyang nagawa kun'di sipain ang pinto.
Nadatnan niyang nakahiga ang isang babaeng nakatakip ng bonet ang mukha at isang babae naman na nakumpirma niyang si Sheen (sa pagkaka alala niya) . Nakita niyang babangon na sana ang killer kaya agad niyang sinara ang pinto at dinukot ang kitchen knife na nasa likod ng bulsa niya. Hindi pa man nakakaupo ang salarin ay agad niyang inambahan ng saksak sa leeg ang babaeng salarin.
Nilaslas niya ito dahilan para magsilabasan ang masaganang dugo at mga laman. Bagaman nahihirapan na ang salarin ay nagawa pa niyang sugatan ito. Dahil doon pinutol niya ang kamay ng salarin at pinagsasaksak sa tiyan ng ilang beses. Tumalsik ang mga dugo sa damit niya at ang kamay naman niya ay naliligo na sa dugo. Hiniwa niya ang tiyan at dinukot sa loob ang puso,nilapag niya ito sa sahig at walang pag aalinlangang tinapakan niya ito.
Naghanap siya ng pwedeng pag hugasan. Nakakita siya ng isang pinto kaya pumasok siya roon. Pagkatapos niyang maghugas ay ibinalik niya sa bulsa ang kitchen knife at nilapitan ang walang malay na si Sheena.
Nagpatuloy siya sa paglakad at may nakasalubong siyang isang lalake. Nilapitan niya ito at biglang inilipat sa bisig ng lalake si Sheena. Nagulat naman ang lalake sa biglang pagsulpot at ginawa nito.
"Bring her to the clinic. She just lost her conciousness. Don't tell her about this, tell her that you're the one who saw her in that room. Just make a story to make her believe it."
Naiwang nakaawang ang bibig ng lalake. Labis siyang nagtataka, bagaman ay dinala niya sa clinic ang dalagang nasa bisig niya upang gamutin. Hindi niya kilala 'yung babae, hindi niya rin nakikita sa campus pero na alala niya 'yung amoy ng babae. Parang Vanilla....
Sheena
Pagkagising ko ay parang binibiyak ang ulo ko. Umupo ako sa kamang hinihigaan ko habang hawak-hawak pa ang ulo. I cursed silently dahil sa sakit ng ulo plus 'yung likod ko. Ano ba'ng nangyari at parang nakipag world war 3 ako sa sakit ng katawan?
Natigilan ako at nanigas sa kinauupuan. Nanlaki ang mata ko ng maalala ang lahat!
"Oh my gad!" Napakapit ako ng mariin sa bedsheet ng kama. "Muntik na...." mahinang bulong ko.
Muntik na akong mamatay! I remembered kung paano ako ambahan ng saksak nung babae, yes! Babae 'yung killer na pumatay kay Rich na papatay rin ata sa'kin. Pagkatapos akong ambahan ay nawalan na ako ng malay, 'yun lang. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim.
Mahihimatay ulit ata ako! Sinuklay ko sa kamay ko ang buhok kong gulo gulo. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, nasa clinic ako.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwan no'n ang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Pawis na pawis itong lumapit sa'kin kaya kumunot ang noo ko. Mukhang napansin niya naman 'yun kaya nahihiya siyang umupo sa monoblock chair.
"Mabuti naman at gising ka na. Akala ko bukas ka pa magkakamalay." Pinagmasdan ko lang siya. Mukhang nakahalata naman kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ano ba talaga ang nangyari? N-Nadatnan lang kita na walang malay roon, nakarinig kasi ako ng sigaw kaya naisipan kong tingnan. I-Ikaw ba ang n-nakapatay doon sa babae?"
Nagtaka ako sa huling sinabi niya.
"Sinong babae?" Naguguluhan kong tanong. Wait,don't tell me...
"Never mind. Pasalamat ka nandoon ako that time."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Should I say thank you then?"
"H-Hindi na." Sunod-sunod siyang umiling. "Wala na bang masakit sa'yo? Lumabas lang saglit 'yung Nurse. Teka,tatawagin ko." Tatayo na sana siya ng pinigilan ko.
"Salamat na lang. Ayos na'ko." Sinubukan kong tumayo at nagpapasalamat ako na kinaya ko.
"Ayos ka lang? Saan ang room mo nang maihatid kita." Pinigilan ko siya sa paglapit at nginitian.
"Huwag na. Ayos lang talaga ako."
.
"Care to explain kung bakit hindi ka na bumalik and you skipped two classes too?" Tanong ni Melisa. Si Paris naman ay tahimik na nakaupo habang nakatulala sa kawalan.
Napaiwas ako nang tingin at napainom sa coke-in-can na binili ko. Napansin naman 'yon ni Bea na matamang nakatingin sa'kin.
"Something just h-happened, you know?" I mentaly cursed myself dahil nautal ako.
"What is that something at nagawa mo talagang hindi bumalik at pumasok sa klase?" Nakataas ang kilay na tanong niya, ulit. Si Jero ay lamon lang ng lamon na para bang wala kami sa tabi niya.
"Okay!" Tinaas ko ang dalawang kamay ko hudyat ng pagsuko sa kanila. Ugh!
"Muntik na akong mamatay."
"What!?" Napasigaw sina Bea at Melisa, si Jero ay nabulunan at si Paris ay nakatulala pa rin. I'm worried at Paris.
"That's not a good joke, Sheena."
"Oo nga naman ma'h pren! Hindi magandang biro 'yan!" Saad ni Jero habang punong-puno ng burger ang bibig niya. Napa roll-eyes naman ako.
"I'm not joking." Huminga ako nang malalim at sumandal sa kinauupuan. Nandito kami sa cafeteria para mag lunch. "I thank my life to that guy who save me." Although, nagdududa pa rin ako sa lalakeng 'yun.
"When and... where?" Tanong ni Bea. Tinapunan ko nang tingin si Paris.
"Sa kwarto niya." Tugon ko. "It's really wrong idea na bumalik do'n. Hindi ko agad naisip na maaring nandoon pa ang salarin or kung siya talaga, kasi sabi niya ay isusunod niya ako ro'n sa babae. But Paris said that the cause of Rich' death is a nightmare. So if there's a killer, how Rich got killed?"
"That's the question." Nakahalumbabang saad ni Bea.
"Waaah! Mabuti at nakaligtas ka. Nga pala! What happened to that killer?"
"Babae siya." Natigilan ako nang maalala ang sinabi nung lalake. "P-Patay na raw 'yung babae nang madatnan niya akong walang malay sa kwarto nila Paris."
"Oh my gad! A-Are you okay? Wala bang nangyaring masama sa'yo?" Tanong ni Melisa.
"I'm okay." I answer and gave her an assuring smile.
"We should tell this to the Principal." Nagulat kami ng magsalita si Paris, tahimik lang pala itong nagsasalita.
"No." Nagtaka kami sa sinagot ni Bea. "We just have to keep quiet. Huwag na kayong makisali sa gulong ito, mas magandang manahimik na lang to keep us safe, are we clear?" Nagtataka man ay tumango kami bilang sagot kay Bea.
Nakaramdam ako ng pagka-asiwa na para bang may nakatingin sa'kin. I catch Mitch staring intently at me. Her stare is giving me an uncomfortable feeling.
"Ayos kalang ba Sheena?" Tanong ni Jero na kakatapos lang sa pagkain. "The transferee is looking at me." Tugon ko habang nakayuko para maiwasan ang titig ni Mitch.
"Transferee?" Takang tanong ni Bea. Tumango naman ako at palihim na tinuro ang lugar kung nasaan si Mitch. "Oh! That beautiful transferee."
Nilingon ko ulit siya at halos mamutla ako ng binigyan niya ako ng nakakakilabot na ngisi.
You're really something,Mitch....
BINABASA MO ANG
A Nightmare with a Psychopath
Misterio / SuspensoNote: • Complete (main story is finished) • Unedited chapters • Under editing (not yet started) Complete Sheena Castro, hindi niya aakalaing sa pagtapak niya sa eskwelahang 'yon ay magkakagulo na ang tahimik niyang buhay. Hindi niya inakalang mapupu...