16

712 30 0
                                    

CHAPTER 16

CJ MADE IT clear that he will sleep in between us tonight.

Hindi na kami bumalik kay Tyrone. Tumawag na lamang si Knight sa kanya upang masabi ko ang mga nasabi ni Q sa akin. We were still amazed with his conclusions.

"Did he really look closely that much to compliment your tattoo? Did he really adore how much it looks like natural skin?" he inquired when we were all having our lunch. CJ is quiet and maybe he doesn't want to do anything about this which is relieving. I don't have to deal with three Romualdez heirs for less than three hours.

"Mhm," tipid kong sagot.

"Now that I realized, it really does look like natural skin. It's so thin and does not fade on the sides. It does not even deteriorate in color."

CJ's eyes went wide. "You have seen her tattoo, Kuya?!"

Tinaasan ni Knight ng kilay ang kapatid. "Oo, may problema ka? Gusto mo ring makita? Mukha mo, huling beses nang may ibang makakakita ng tattoo ni Ren."

Hindi na ako dumagdag pa sa bangayan ng dalawa.

Naging mas mataman na lamang din ang aking atensyon nang muling ibalik ni Knight ang usapan sa inaasikaso namin.

"Since ina-assume nating may magaling na artist na gumawa niyan sa iyo, malaki nga ang chance na may taong nagbayad sa artist na iyon para palagyan ka. And I think that person would be rich as hell because you know how weird it would be to tattoo a baby. Just thinking about it makes me wonder how you endured it."

I shrugged.

"Ano na ang susunod na gagawin?"

"We will find that artist."

"Ganoon ba kadali iyon?"

Umiling si Knight. "You don't know how easy it will be. We just have to get a chance to talk to Lolo G."

MATAGAL NA RIN akong nahihiwagahan sa palagiang pagbanggit ni Knight kay Lolo. Ano naman ang kinalaman ng lolo sa mga nangyayaring ito?

"Nagbabakasakali lang ako, Ren. Huwag mong isiping may ibinibintang ako kay Lolo G. You know how much I care for him as well. We just need to make sure that he isn't hiding something away from you to determine your real identity. Like maybe a letter from your dispatcher or anything that could point us somewhere."

Nagbuntong-hininga siya at ako ay tumango. Naiintindihan ko naman. Wala namang mawawala. Isa pa, maaaring ito lamang ang natitirang paraan para lamang makita ko ulit si Lolo.

"I'll figure something out. Gagawa ako ng paraan para hindi harangin ng pinsan mo ang pakikipag-usap natin kay Lolo G."

"Thank you."

Right now, I don't even care whatever he wants to know from Lolo. All I want is to finally see him again and personally confirm that he's recovering.

"TYRONE CALLED ME and said your cousin just cashed out a hundred and fifty thousand-peso-remittance from a bank."

Gulat na gulat ako sa aking narinig. May ganoong pera si Jeya? Saan niya naman nakuha iyon?

"Why are you tracking her finances, though?"

Minanmanan niya ako at maging si CJ na nasa gitna ng pink na kama ay tinaasan ako ng kilay. Ayaw nitong umalis ng silid.

"Didn't I tell you that it bothers me how her parents' combined salaries and savings could afford such medical aide and unsolicited medical bill from the hospital? Nasabi na rin ba ng pinsan mo kung saang school siya inilipat? I guess not. Kasi kapag nalaman mo, magtataka ka rin."

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon