46

509 20 2
                                    

CHAPTER 46

WHEN I STEPPED into his van, I felt something inappropriate. I felt being watched.

Hindi ko naman maaaring isipin na lamang bastang mayroon ngang nagmamanman sa akin o sa amin ngunit masyadong nakapagtataka ang katahimikan ng paligid.

"What are you doing with that man, Ren?" he suddenly asked from his seat.

"I believe you have something else to tell me," I reverted.

"And I believe that I have the right to know what you have with him," tila galit na niyang sagot.

"I do not see any reason why you seem too agitated about him."

He scoffed and looked at me from his rear view mirror.

"I cannot believe this. Anong nangyari sa iyo?"

"Pwede bang diretsahin mo na ako sa pakay mo?"

Sa totoo lamang, gusto kong tumiklop at magsabi ng totoo sa kanya ngunit pinipigilan ang ko ng namumuong kadilimang kilala ko sa aking dibdib. Nang hindi sinasadya, napailing ako. Ano nga nga ba ang nangyayari sa akin?

"You'll know once we get there."

KNIGHT'S UNIT WAS as expected, unoccupied but to my surprise, everything were still fixed to their places as if someone comes in occasionally to maintain the order and cleanliness of the entire place.

For the nth time, I led my eyes to where the kitchen is and suddenly, pictures of him dancing around with his ladle as he cooked away pinched my wits.

"Bakit tayo nandito?"

Umupo siya sa sala at saka ako tinawag na maupo rin.

"I am here to fulfil Tita's wishes."

"Anong—

"You should know that their family is not in good condition right now. Alam kong marami kang pinagdaanan at alam ko ring kung ano man ang ginagawa mo, mayroon kang mga dahilan pero kailangan mo akong pakinggan ngayon."

"May dapat ba akong malaman?"

"Hindi na ako dapat na nakikialam pa sa inyo pero dahil malaki ang utang na loob ko kay Tita Charlotte, gagawin ko ang lahat ng sasabihin niya. Ren, kailangan mong magpasya nang maayos. Hindi mo man sabihin, alam naming may kinalaman ka sa biglaang pagkagising ng pinsan ko. Tita could not contain herself not to thank you. But we are afraid, hanggang doon na lamang tayo magkakakila-kilala. Kung ano man ang namamagitan sa atin, ng buong pamilya namin at sa iyo, hinihiling naming sana hanggang dito na lang."

Napakalakas ng katahimikang namagitan sa amin kahit pa kaming dalawa lamang ang literal na magkaharap sa sala. Inasahan ko na ito.

Ngunit hindi pa rin ako handa.

Tila ba pinaniniwalaan kong kahit na alam kong darating ang araw na ito na gusto na akong layuan ng mga taong minsang humaligi sa akin ay hindi ko matanggap na palagi na lamang akong iniiwan at kinalilimutan.

"Ren?"

"I know," I dismissed, trying not to choke up on my unshed tears as I stood.

"I'm sorr—

"Stop. Hindi mo kailangang gawin ito. Wala naman kayong kasalanan sa akin. Ako ang dapat na humihingi ng tawad sa inyo in the first place. Kung hindi ninyo ako nakilala, hindi kayo madadamay sa gusot ko. Kaya naiintindihan ko. Maaari mo naman akong kumprontahin nang hindi na ako dinadala rito. Naabala pa tuloy kita."

"I had to because it was Tita's wishes to bring you here."

"Para saan pa?"

"She wants to at least make sure that you will start all over again perfectly."

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon