43

546 22 1
                                    

Chapter 43

SHE WAS STARING right at me with intense mystery but even though I was dying to find out how she managed to get in here, she beat me to it.

"Huwag kang lalapit sa akin. Huwag ka ring mag-alala dahil hindi ako magtatagal dito. Besides, I only came here to save my parents. Hindi ko alam ang binabalak mo at kung paano mo nagawang pasunurin ang mga taong may malakas na kakayahan para takutin ako pero alam ko kung saan ako lulugar. Pagkaalis ko ng bahay na ito, ipangako mong sisiguruhin mong ligtas nilang pakakawalan ang mga magulang ko."

"Jeya naman," alo ko sa kanya ngunit bago pa ako makalapit ay umatras muli siya. Tila may hindi ako nalalaman sa mga sinasabi niya.

"Seryoso ako. Nagkakamali ka kung iniisip mong nagsisisi na ako sa ginawa ko. May mga dahilan akong hindi ko kailangang ipaliwanag sa iyo. Kung bibigyan ako ng panibagong pagkakataon, hindi ako magdadalawang-isip na maging makasarili at ilaglag ka."

"You don't have to distance yourself from me."

"I have to," she angrily replied. "I have to or else my family will die and I will be just like you. I will be just like a sorry excuse of an orphan like you. I hate you, Ren. Tigilan mo na ang pagbabait-baitan sa akin. Alam kong gusto mong kinakarma ako."

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita sapagkat inunahan ko na siyang sampalin sa mukha bago pa niya ako masaktan nang husto.

"Huwag mo akong sagarin," babala ko sa kanya. "Tama ka. Deserve mo ang karma mong iyan. Pero kung ano man ang mga nangyayari sa iyo ngayon, wala akong kinalaman dahil wala akong panahon para ayusin ang mga taong sila mismo ang nanira sa sarili nila. Huwag ka ring mag-alala. Hindi ko isasaalang-alang ang pagganti ko sa iyo sa kahit na anong paraan. Gawin mo ang gusto mo. Bumalik ka sa akin at patayin ako. Huwag mo lang ulit idadamay ang kaligtasan ni lolo. Wala akong pakialam sa iyo."

I tapped the phone number of the latest caller and waited for him to answer it.

May sasabihin pa sana si Jeya ngunit nang makita niya akong lumingon sa kanya. Nasalo ko ang masama niyang titig bago siya tuluyan umalis ng bahay. Sa unang pagkakataon, hindi ko inisip kung saan na siya pupunta.

"You are not dreaming," sagot ni Ryu.

"I know."

"What? No thank you?"

"I did not ask you to do such thing."

Humalakhak siya.

"You did not but you seem oblivious to what you told me and Amelia before leaving with a badass sass. I like that by the way. Let me remind you, you said you will never talk to me again unless I prove to you that I could do what I have promised you. You have my answer now, don't you?"

"Why are you persistent?"

"Are we really going to run around this again? I told you. I want the power you are about to inherit because I know how much you seem not to care about it anyway. Am I wrong?"

Nanahimik ako at saka nag-isip nang malalim. Mayroon siyang punto.

"And to prove to you that releasing your cousin is not just an act of luck, I will give another promise of mine in advance. You choose among my proposals and I will do it by forty-eight hours."

"You sound so sure that you could make me agree on your terms."

"What can I say, Aoi-chan? I want you."

"I am not the power you want."

"True. But you have it, whether you like it or not. Come on, don't make things complicated. If you ally with me, you will not regret it. I will make things easier for you."

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon