12

692 27 1
                                    

CHAPTER 12

KNIGHT DECIDED TO drive to Tyrone's place alone after dropping me by Duke's.

"Sasagutin mo ang tawag ko, maliwanag?" bilin pa niya nang may kasamang paniningkit ng mata bago umalis. "At hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagkiss mo sa kanya."

Pumasok na rin naman ako kaagad kina Duke at mistulang siya rin lamang ang mayroon ngayon sa kanila.

"Magbibihis lang ako. Maaga ka ah. Nananghalian ka na ba?"

"Hindi pa naman pero may lakad kasi si Knight kaya inihatid na niya ako rito bago siya dumiretso roon," sagot ko naman.

Ngumiti siya nang manipis bago nagtungo sa kanyang silid.

Lumabas naman siya kinalaunan nang nakasuot ng puting cotton shirt at pulang basketball shorts. "Palagay naman ako sa bag mo nitong jersey ko oh," pakiusap niya.

Kaagad ko namang kinuha ito at inilagay sa aking bag.

"Dito ka na mananghalian. Does pinakbet sound good?"

I grinned and followed him to the kitchen.

Duke is really a perfect brother. As I wound my way to the kitchen, I scanned the framed photos that hung on the walls and I can't help but to smile.

As a little boy, Duke surely had a hard time to adjust being an adopted son. Ang mga umampon sa kanya ay hindi magkaanak noon. Nawalan sila ng pag-asang magkaroon ng anak kaya naman napagdesisyunan nilang umampon na lamang ng bata. Sa kasamaang-palad, isa lamang ang kanilangkayang buhayin noon kaya naman hindi nila nadala ang kanyang kapatid na si Luuk.

I could believe that Duke would grow up as mature and understanding as this. Of all the boys I have grown up with, he's the one who really had lots of similarities with me. Maybe that's why he always has this brotherly mist around me when chances prevail.

"Ako na ang maghihiwa ng mga rekado," alok ko sa kanya ngunit bago ko pa mapulot ang kutsilyo ay hinila na niya ang aking kamay at saka pinitik ang aking noo.

"No knives for you. You can wash the vegetables. Ako ang maghihiwa," suway niya naman sa akin. Pabiro ko naman siyang sinimangutan habang hawak ang noo ko bago sinimulang hugasan ang mga gulay.

Now that I think about it, I have been relying on him most of the time all these years. Never have I ever felt left out when he's around kahit pa pagtulungan ako ng pitong kumag na iyon. He always makes sure that I have someone to fight with.

"You're smiling, huh?"

Hindi ko napansing nasa tabi ko na siya. Inilapag niya ang lalagyan ng tokwa sa tabi ng mga gulay. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil baka kung ano pa ang isipin nito.

"Nasaan kapatid mo?"

"Sumama sa party nina mama," sagot naman nito bago kami maghanda ng mga plato sa mesa. Hindi nagtagal, nagsimula na kaming kumain.

Naglakad na kami patungo sa covered court pagpatak ng 2:30. Nagpalipas lamang kami ng oras sa panonood ng TV at sa pagtuturo niya sa akin sa paglalaro ng Vanguard na card game kung saan sukong-suko na siya dahil wala talaga akong maintindihan.

Nang kami ay makarating doon, kumpleto na ang tropa. Nagtayuan pa ang mga ito at nauna na si Kris para sakalin ako ng kanyang braso.

"Hoy, bitiwan mo nga ako. Alam kong hindi ka naghihilod ng kilikili mo tapos ididikit mo sa leeg ko!"

Nagtawanan lamang sila at hinayaan si Kris na bitbitin ako papunta sa pinakamalapit na bleacher sa bangko nila.

Itinuro ko nga siya nang mailapag niya ako.

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon