CHAPTER 50
THE SINGER AND the actual song is unfamiliar to me but the way it invaded the room was something else. It was something I could consider one of those that deliver specific messages and whoever hears this must be lucky.
Come closer now
I'll whisper a secret
A story about a girl
No, you don't need to know what her name is
'Coz I wrote about her before.
Hindi ko na pinatapos pa sa kabila ng pagkalunod ko sa daloy ng kanta sapagkat napakatotoo nito't nangungusap. Nang mabasa ko ang pamagat nitong "About a Girl" at malamang The Summer Set ang lumikha nito, inulit-ulit ko itong binigkas sa dulo ng aking dila upang balikan ang banda sa hinaharap upang subukin ang iba pa nilang kanta.
Nabalisa lamang ako dahil hindi ko naman pinatugtog ang kantang iyon.
Nabigla ako sapagkat nagsalita si Eysel (base sa nametag niya) na para bang nahalata niya ang pagkabalisa ko.
"Huwag po kayong mag-alala. Baka po nasagap lang ng tab sa kabilang room ang speakers."
Hinayaan ko na lamang siya. Hindi na ako nagtulak pa ng katuwiran sapagkat kahit na hindi ko sabihin, alam kong nagsisinungaling siya at kagaya ko, nagtataka rin silang dalawa. The music plays by the tablet on my hand because I was the one who stopped playing it. Eysel must have realized that she said something fallible that is why she did not speak again until they got done with me.
Nag-inat ako at saka ilang minuto ring nagpabalik-balik sa silid sapagkat wala man lamang salamin ang kwarto upang ipasigurong kampante pa rin akong lalabas ng kwartong ito.
"We have done our best, Miss Ren. You hope you would greet the world outside with newfound confidence. You have special friends who treat you special. You are such a lucky girl," saad ng isa pang babaeng hindi ko mahuli ang nametag kaya naman ngumiti na lamang ako bago dahan-dahang sumunod sa kanila palabas.
With one last exhale, I stepped out of the room, not knowing how I look like.
MY FACE FELL when I saw them along the couch sets, frozen mid-air from whatever they were doing.
May naglalaro ng ML, may nagbabasa ng magazine, may nag-Ja-Jack-en-Poy, at may kumukutkot ng Dragon Sid ngunit lahat sila ay naabala sa ginagawa nang sinamahan ko na sila sa sofa.
"Tara na ba?"
Maaaring narinig ko ang mahinang ihip ng aircon ng shop dahil sa ilang sandaling nanahimik sila habang nakatanga sa aking gawi.
"Anong ibig sabihin ng mukha ninyo?"
"Mali. Anong ibig sabihin ng mukha mo?" biglang suway ni Xyve sa akin habang itinuturo ang pisngi ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi ko mapigilang matawa kasi hindi kami nagkakaintindihan sa mga pinagsasasabi namin sa isa't isa.
"Mukha kang kinakabahang ewan, baliw. Natatakot ka ano?" asar ni Caloy. "Iniisip mong pinapangit ka namin ano?"
"Huwag ka nang mag-alala kasi wala ka nang ipapangit pa," gatong pa ni Kris na lalo kong ikinanguso.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang aking sarili sa salamin kahit pa naglalakad na naman kami sa sidewalks papunta naman sa wala rin akong ideya. Habang naglalakad ay hindi ko pinalampas ang pagkakataong pagalitan sila sa pagwawaldas ng pera.
"Huwag mo kaming pagalitan. Hindi pwedeng yung long hair at si Knight, nakakalusot na regaluhan ka tapos kami, hindi mo pagbibigyan. Walang pumipilit sa aming gawin ito sa iyo kaya huwag kang ano riyan," irap sa akin ni Ison.
BINABASA MO ANG
Who's That Boystown Girl (COMPLETE)
ChickLit(This can be a stand alone novel.) Kilala na natin si Ren bilang masipag, kuripot, at business-minded na babaeng katutuntong lamang sa ikalabingwalo niyang kaarawan. Hindi maikakailang nagdeklara ng seryosong kompetisyon para sa kanya ang kanyang mg...