45

522 22 3
                                        

CHAPTER 45

ITO ANG UNANG araw na makahaharap ko si Eu.

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang magkasundo kami ni Ryu at sa ngayon, sa bawat araw na ako ay nagpapatuloy upang maipaglaban ang aking karapatan hindi particular na bilang anak ni Kito (na siyang hindi ko naman talaga gaanong pinagtutuunan ng pansin) kung hindi bilang taong hindi papayag na matapak-tapakan ang karapatang pantao ng kahit na sino.

At sa pagkakataong ito, hindi ako mananahimik sa tabi at iipitin sa sarili ang mga nasaksihan ko sa gabing halos masira ang pamilya ni Knight nang dahil lamang sa akin.

Sa wakas, sa itinagal-tagalng aking pagmumuni-muni at pagtatanong sa sarili kung ako nga ba ay makararating sa sinasabi nilang Secret Service Facility ng bansa, hindi ako makapaniwala sapagkat mukha itong hindi matatagpuan sa Pilipinas.

Ang naalala ko ay pumasok kami ni Ryu, at ng kasama niyang lalaking pinaniniwalaan kong isa pa sa mga abogado niya, sa isang gusaling hindi kabaguhan kung titignan. Sa pinakaibabang palapag nito ay mga tindahan ng gadget accessories, mga damit, pagupitan, at kainan kaya naman nang kami ay salubungin ng isang tinatayang bente anyos na binata papasok ng isang out of order na stall, may dalawang scenario akong inasahan:

Una, baka ito na ang tunay na balak ni Ryu. Ang kunin ang tiwala ko at dalhin sa isang out of order na lugar upang isagawa ang kanyang inililihim na balak laban sa akin.

Pangalawa, may elevator na naghihintay sa amin sa loob.

At siya ngang mayroon. Gusto ko sanang mapairap dahil medyo cliché pero hindi ko rin magawang panghangaan ito dahil akalain mo iyon, may ganitong pa-sikretong base sa Pinas.

Hindi kami iniakyat bagkus ay dinala kami ng elevator sa ilalim ng gusali. May mga nag-abang sa amin sa aming paglabas at saka kami kinapkapan nang sapilitan (sapagkat nakipagsumbatan pa si Ryu upang humanap ng babaeng kakapkap sa akin).

Maayos na ang lahat nang biglang humakbang paatras si Ryu bago kami pumasok ng bulwagan. Nag-aalala akong tumingin sa kanya.

"I am afraid I cannot accompany you inside, dear."

"Why? Why are you just telling me this now?"

"What I mean is that I will still be inside. However, I will be on Eu's side of the hall."

Before I could even gasp an unbelieving sound of betrayal, he beats me to it.

"I still am inside House of Kaida, dear. But I assure you, I am on your page. I will be your eyes and ears while you fight inside there. Just don't look at me, okay?"

Ilang sandali din akong nag-isip bago bumuntong hininga. Ano pa nga ba ang iba kong magagawa?

Nauna akong pumasok ng bulwagan nang hindi gaanong binibigyan ng pansin ang paligid na may mga tao na. Iniwan ko siya sa loob sapagkat kailangan niyang pumasok mayamaya kapag may kasama na siyang iba galing sa kabilang panig.

Gayunpaman, may parte sa aking nag-aalala sapagkat napakadelikado ng kanyang ginagawang pamamangka sa dalawang ilog. Ang masama doon ay alam ko na nga, hinahayaan ko pa siya.

Hindi nagtagal, bumukas ang isang pintong mula sa kabilang dako ng bulwagan at nagsalubong kaagad kami ng tingin ng babaeng hanggang ngayon, pareho pa rin ang ekspresyong dala kahit pa siya ay nakaposas at binabantayan ng apat na lalaki.

Hindi maikakaila ang kanyang ngising umaabot sa aking buto.

Hindi pa man din nagsisimula ang paglilitis ay tila ba umaatras na ang aking sikmura.

UMUWI AKONG HINDI makahinga sa sikip ng silid sa bawat pagkakataong nalilihis ang mga dapat na itanong sa nasasakdal.

Kung ano pa nga ba ay tila nga't akin pa idinidiin ang sisi sa kung ano ang nangyari sa magkakapatid na Romualdez at wala akong magawa upang patibayin ang aking pagtatanggol sa sarili sapagkat hindi sila nakipagtulungan, liban pa sa dahilang wala na sila sa bansa.

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon