27

616 24 3
                                    

CHAPTER 27

INASAHAN KONG MAGARBO ang piging na binalak naming suungin gamit ang mga pekeng pangalan ngunit hindi ko inasahang ganito ka-garbo.

Masyadong magarbo.

Marionette Hotel—kaagad ang bubungad na mga bloke ng gintong letra sa malaking pintuan papasok ng gusali kung saan ako ay iginayak ni Knight patungo sa elevator. Nauna nang umikot sa kabilang banda ng hallway si Tyrone upang hindi gaanong magpahalatang kami ay magkakasama. Tuloy, nauna na siyang pumasok at nakaakyat sa destinasyon namin.

Nasabihan kami ng concierge na aming isuot palagi ang aming mga wristband na kaagad nilang ini-scan kanina. Nagbigay sila ng printed cards na may pangalan namin. Habang kami ay lulan ng elevator paakyat ay pilit kong inuulit-ulit sa aking isip na ako ngayon ay si Luna Amor ngunit sa tuwing maaalala kong ako ay taga-tabi ng Brgy. Poblacion sa gilid-gilid na parte ng lungsod, hindi ko maiwasang mapa-iling at saka mapakamot sa batok.

Kami ay may mga kasama sa cubicle kaya naman hindi kami nag-usap ni Knight este ni Sky paglabas namin.

"Luna," bigla na lamang niyang tawag sa akin nang kami na ay makalabas at makapaglakad palayo sa mga tao. "Nguyain mo nang maigi at saka lunukin."

Tiningnan ko ang mala-kending gamot na iniabot niya sa akin bago ko siya pinanood na isinubo rin ang isa pang ganoon. Nginuya nga niya ito at ilang sandali pa ay lumunok na siya.

"We don't have much time, Luna. Gawin mo na. It's a precautionary measure para kahit na sakaling mapainom ka ng alak, hindi ka malalasing."

Kaagad akong tumango at dali-daling dinurog sa aking bibig ang gamot at saka papikit na nilunok. May kapaitan ito ngunit hindi naman nagtagal sa dila ang lasa.

Minasdan ko siya mula sa aking tabi nang nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi pa rin ako sanay sa kanyang ayos ngunit ako ay naiinis nang bahagya dahil kahit na hindi ako sanay ay hindi ko rin maialis ang kagustuhan kong hawakan ang kanyang buhok.

Gusto ko siyang hawakan.

"Give me your hand," he whispered as he began spraying something that looked like an ordinary sanitizer on to his palms. Sumunod na lamang din ako kaagad ngunit ako ay nagulat nang maramdaman ko ang unti-unting pamamanhid ng kamay ko nang ako ay kanyang wisikan ng likidong iyon sa aking palad.

"Anong nangyayari?"

"Pansamantala lang iyan. It is a fingerprint blocker. It fills in the gaps on your fingerprint which creates a barrier to make it appear like a solid and unmarked surface.

"An invisible glove?"

"It's my humble company's beta product."

"I thought you said that your company is a security—oh," I stopped when I realized what he really meant.

"That's right. Wear this mask. By the way, the pink dress under that silk robe looks good on you, Miss Amor."

LADY AYLA HALL was a ginormous place to hold a charity auction.

Hindi ako makapaniwalang may ganito pang mangyayari sa event na ito.

Hindi ko maiwasang mapairap sa aking isipan.

Charity? Really?

Hindi ko naman natanong si Tyrone kung nakakuha siya ng arrest warrant ngunit hindi na mahalaga iyon. Mayroon man o wala, kailangan kong makaharap ang lalaking bumaboy sa mama ko. Pagkatapos niyon, isusunod ko ang laboratoryong iyon at ang lahat ng taong sangkot sa lugar na iyon.

"Hey, chill. You are looking tensed," Sky lightly nudged me by the elbows as we weaved through the overwhelming crowd. The solid black mask over his eyes looks good on him.

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon