42

567 23 2
                                    

CHAPTER 42

PAGKATAPOS NG PAG-UUSAP namin ni Duke, nagpasya kaming kunin ang mga gamit ko sa unit ni Knight. Wala naman akong masyadong hinakot doon maliban sa mga gamit ko sa eskwela. Kahit na paano, matitirhan ko pa rin naman ang inuupahan namin dahil may naitabi pa akong pera sa drawer ko sa kwarto na hindi ko nakuha nang lumipat kami.

"Sigurado ka bang okay lang na mag-isa ka rito?" tanong ng aking mga kaibigan.

Alam nila ang aking pinagdaanan ngunit hindi nila alam ang aking mga balak. Wala akong balak na sabihin sa kanila dahil baka lalo lamang lumala ang mga bagay. Ayaw ko na silang idamay pa.

"Syempre naman. Magkakalapit lang din naman tayo sa kabilang banda."

"Mas mainam pa rin kung mayroon kang makakasama."

"Duke, kaya ko na. Tatawag ako ng tulong kapag kinakailangan," paninigurado ko sa kanya. "Salamat nga pala."

"Papadilim na rin. Ayaw mo bang makisabay na kumain sa amin?"

"Hindi na. Kailangan ko rin kasing humabol sa mga na-miss ko sa klase. Maglalaga na lang ako ng itlog."

"I can bring you some food here."

"Huwag ka nang mag-abala," saad ko naman sa kanya at saka na siya sinundan habang siya ay papalabas na ng bahay pagkatapos mailapag ang mga dala niyang gamit ko. "Baka pagalitan ka na nina Tita Jane."

He chuckled at me and left after saying, "You have no idea how much they like you."

HININTAY KO LAMANG na lumipas ang sampung minuto upang masigurong hindi na babalik si Duke bago ako nagpasyang iwanan nang nakasindi ang ilaw ng bahay at saka palihim na pumara ng trasyikel.

"Kuya, sa terminal po ng tren."

Inilabas ko ang aking cell phone at saka itinipa ang mga numerong nakasulat sa papel na hawak ko. Hindi ko maialis sa aking isipan ang mga napag-usapan namin ni Duke kanina na hapag.

Kailangan kong magdesisyon nang maaga at siguruhing ako ay buong-buo sa bawat desisyong aking gagawin. Habang hinihintay ko ang pagsagot ng taong nasa kabilang linya ng tawag, nahagip ng aking paningin ang isang dilaw na Rouser na humaharurot sa gawing kanan ng daan at saka in-overtake ang binabagtas na daan ng aking sinasakyan.

Narinig ko pa ang drayber na mapamura sa ginawa ng motorista. Makikitang kumpleto ang suot na gear nito kahit pa mula sa malayuan. Bagaman hindi naman dapat, gumana ang pagka-paranoid ko at kinabahang baka isa na naman ito sa mga magiging kamalasan ko.

Mabuti na lamang at ilang sandali pa ay lumiko na ito sa isang kurbada pahiwalay sa tinatahak namin.

Hindi naman naging malayo ang biyahe. Kaagad akong nakasakay ng tren papunta sa sentro ng syudad dahil dumating ako sa tamang oras sa terminal.

Ilang ulit ko pang tinawagan ang numero kanina hanggang sa magpasya akong tigilan na ito. Hindi naman naglaon ay nagpadala na siya ng mensahe sa akin kung saan siya ay pumapayag na makipagkita sa akin sa lugar na itinakda ko.

Pagpasok ko pa lamang sa silid ng hotel, hindi ko na inasahang mas mauunahan niya pa akong dumating rito. Nang ihatid ako ng staff ay animong napakahalaga kong bisita kahit na hindi naman ako nakabihis, hindi nagbayad ng kung ano, at walang kung anong sinabi maliban sa, "High-tier suite 512."

Ngayon, hindi na ako nagulat kung bakit.

Malamang ay kilala talaga si Ryu ng Marionette Hotel.

"Good evening, dear. Come and sit with us. I am guessing that you had a rough day. I already made sure to prepare some food for you while we talk. Please join us."

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon