44

535 20 7
                                    

CHAPTER 44

KUNG ANO MAN ang napag-usapan pa namin ni Ryu ng gabing iyon, mananatili iyon sa aming pagitan lamang at wala pa mang isang araw ang nakalilipas ay muli na naman siyang bumalik sa apartment pagkauwi ko galing ng iskwela.

Kung ano man din ang kanyang sadya ay hindi ko pa rin makasanayan sapagkat hindi siya namimilit kahit pa alam naman naming dalawa ang kanyang mga intensiyon.

Ilang linggo ring naging ganoon ang takbo ng aking araw-araw na pakikipagsapalaran.

Gaya nga ng aking hiniling na mangyari, patuloy akong nag-aaral sa Senior High at huling quarter na rin naman ng pang-akademikong taon.

And for the nth time, I got off the jeepney and met his silver Lexus parked in front of my place. I shook my head and sighed before stepping in.

Sa totoo lamang, hindi ko matimbang ang lulugaran ko sa paligid ni Ryu kaya nga lamang ay mayroong parte sa kanya na nakukumbinsi akong maaaring hindi siya ang pinakamabuting tao sa mundo ngunit hindi siya ganoon kababa para magsinungaling.

Gaya nga ng minsang sinabi niya sa akin, Professionals have standards.

"Good afternoon, dear. I brought you jasmine tea. Your skin looks more and more supple now. I do not see the bruises anymore," he greeted which made me quite smile a little.

"You do not need to do this. Anyway, a twenty-four year-old man like you should be busier for other things than just waiting for me to arrive home and then leave just about every day."

Pinagbuksan ko siya ng pinto ngunit gaya ng dati, hindi siya pumapasok.

"I told you. Even though we do not do love, I am human and a gentleman although I do not look like it. I stole you from Knight. I won't be a hypocrite to deny that so in exchange of letting me become allies with you, I will make sure that you are alright."

"I told you that I can manage—

"I will stop this if you move in with me."

"No."

"Then see you tomorrow, dear," he beamed and I could not even find words to speak as he handed me a bag of goods that he always never fails to bring before walking away.

"YOU SEEM TO be getting fonder of that boy. Wala ba siyang ibang ginagawa?" tanong ni Ison sa akin habang nasa library kami at nagpapaturo ako kung paano mas madaling isaulo ang tulang ipinasasaulo ng aming group leader sa performance sa isang asignatura.

"Wala naman akong magawa kung hindi ang hayaan siyang gawin iyon kung gusto ko ng tahimik na buhay. Isa pa, nakikita niyo siya. Hindi siya pumapasok ng bahay."

"Hindi lang ako sanay. Alam mo, ewan ko ba kasi kung ano talaga ang mayroon sa iyo at napakadali mong malapitan ng lalaki. Ni wala kang kaibigang babae kung tutuusin," pailing niyang asar sa akin.

"Alam mo naman kung bakit. Dati pa, naniniwala na akong magastos sumama sa barkadang puro babae. Hindi naman sa sinasabi kong masama iyon pero hindi para sa akin ang ganoong endeavour. Isa pa, masaya ako sa inyo. Wala akong itinatago at hindi ko rin kailangang mag-adjust kasi hindi naman kayo mapili sa kung ano ang naibibigay ko sa inyo."

His smile was so light and meaningful as he tapped the cap of his pen on my nose.

"Let's get back to third stanza."

"WHY IS HE here?" tanong ni Ryu sa akin nang kasama kong umuwi ng bahay si Duke. Sa ilang linggo na rin niyang pagpunta rito, kilala na niya ang mga kaibigan ko. Pinipigilan ko na nga lamang din siyang puntahan ang lolo sapagkat mapilit din siyang makita ito. Mabuti na nga lamang at marunong din siyang makinig sa akin kahit na paano.

Who's That Boystown Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon