Kabanata 1: September 8, 2019

201 18 47
                                    

I scribbled the papers on my desk after I saw my boyfriend staring and waiting for me outside my classroom as the lunch break bell rang.

Nakatiim ang bagang niya habang nakakrus ang mga bisig. I smiled as he watched me closely-making my mind cloudly and then clear of thoughts unlike earlier.

A grin formed his lips then he cupped his hands around his mouth and shouted:

"Wohoo!! Lunch break na! Sinong gusto ng libre sa inyo?!"

My mouth hung opened when I realized what he had done. I felt goosebumps as I tilted my head to face our English teacher.

Ms. Aranilla, who was still teaching in front of us looked offended with Paul's naughty disturbance.

Hindi ko naman napigilan ang paghagikhik nang sa wakas ay magpaalam ang ginang. Namumula pa ang pisngi nito at mariin ang titig habang palabas at patungo kay Paul.

Masaya na ring nagsilabasan ang mga kaklase kong natunghayan din ang pagsigaw ni Paul. Mabilis kong inilagay ang mga gamit ko sa bag at dali-dali ring lumabas ng room. Nakalimutan ko ng kailangan nga pala ako ng groupmates ko sa project namin.

Sinundan ko si Paul kasama si Ms. Aranilla. He is so dead. Cool pang nakikipagkamayan si Paul sa mga nadadaanang kakilala.

Mayroon pang lalaki na nakipagkamay rin sa akin nang madaanan ko rin sila. "Manlilibre ba talaga boyfriend mo, Freya?" tanong sa akin ni Eon. Isa sa mga kaklase ni Paul na lagi akong kinukumusta kapag nakikita ako. Dahil medyo badtrip ako sa ginawa na namang kalokohan ni Paul, iniripan ko siya.

"Shut up!" sigaw ko sa kanya at imbis na magalit ito ay binigyan niya lamang ako nang malakas na halakhak.

Nagtatakbo na ako para habulin si Ms. Aranilla papunta sa Discipline's office kasama si Paul.

The window was made of glass. I watched them sat in front of Mr. Ticson. The old man was also seriously looking at Paul. Hindi ito ang unang beses na napapatawag siya sa opisina nito, though, it's just minor ones like this.

I rolled my eyes as I watched Paul still grinning even, he's being scolded.

Umupo ako sa upuan sa tapat ng bintana. Kinuha ko ang maliit at itim kong bag, at inilagay sa aking harapan. Kinuha ko ang ilang piraso ng papel na kinasumot ko kanina.

Abala ako sa pag-iisip ng mga tanong na kailangan para sa project namin sa English-bago pa nag-eskandalo si Paul sa labas ng classroom. Kailangang ipasa sa leader namin bukas. We need to come up with better research questions. Good thing, I'm the worst.

Huminga ako nang malalim at tinitigan na lang ang blangkong mga papel. Kumukulo na nang paunti-unti ang tiyan ko sa bawat paglipas ng oras, nade-drain na rin ang utak ko sa pag-iisip. Three questions, I just need to come up with three.

Wala pang isang oras ay nagbukas na agad ang pinto ng opisina, Ms. Aranilla is wearing glasses, but I can clearly see that she was seriously scolded inside too. Tiningnan niya pa ako ng ilang sandali bago seryosong iniwan akong mag-isa roon. Tumingin muli ako sa babasaging bintana at nakitang nakatayo na si Paul.

Ipinasok ko na sa loob ng bag ko ang mga papel at saka tumayo. Maya-maya ay lumabas na rin si Paul. Nakangisi at walang pagsisisi sa kanyang ginawa kanina.

"Anyare?" tanong ko.

Nakapamulsa siya sa harap ko, bitbit pa rin ang ngising tagumpay. "Wala, pinagsabihan lang ako. Akin na 'yan."

Pasalamat siya iyon lang ang parusa niya. Walang takot 'tong lalaking 'to.

Kinuha niya ang bag sa akin at isinukbit iyon sa kanyang balikat.

The Three Nonsense Questions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon