Kabanata 2: Ms. MVP

117 14 53
                                    

Malakas ang pag-che-cheer sa akin ni Paul at ng mga katropa niya nang lumabas ako sa girl's comfort room. Nakasuot na ako ng kulay dark green na jersey shirt and shorts. Ready na akong sumabak sa laro ng school namin laban sa ibang school.

Nakangisi lahat ng mga estudyanteng nakatingin sa aming naglalakad patungo sa elevator. Nakikita ko rin ang iilan na bitbit ang mga tarpaulin na gagamitin mamaya sa pag-cheer sa aming mga lalaro.

Naka-akbay sa akin si Paul nang umakyat kami sa tenth floor nitong school gamit ang elevator.

Hindi ako halos makahinga dahil sa kaba. Normal lamang ang kabahan pero sa mga ganitong laban ay hindi ko maiwasang mag-doubt kung magiging MVP pa rin ako ngayong taon.

Noong huling laro laban sa ibang school, nagpapasalamat ako dahil naibigay na naman sa akin ang MVP. Isa iyong karangalan para sa isang manlalaro. I just hope we can win this game again.

Nasa likod namin si Chad, Ray, at Jet na malakas ang tawanan habang pinapansin ang mga kasabay naming mga babae. Nang makalabas sa elevator, naglakad kami patungo sa loob ng gymnasium. Samantalang ako naman ay deretso sa mga kalaro ko at kay coach.

Malakas ang sigaw ng mga estudyante maging ng kalabang school. Mapapansin ang kakaibang kulay at simbolo ng jersey shirts ng kabilang team.

"Easy-han mo lang, Fe, okay?" natatawang paalala sa akin ni Ray.

Nakipagkamay silang tatlo sa akin samantalang hinalikan naman ako sa noo ni Paul.

"Galingan mo. Huwag na huwag kang masusugatan o mapipilayan, ha?"

Tumango ako sa paalala niya. Niyakap namin ang isa't isa, ito ang pinaka-masarap na pa-Goodluck niya sa akin.

"Tama na 'yan, uy!"

Natawa na lamang ako sa pangungulit nina Chad. Nagpaalam na silang uupo sa itaas pero malapit pa rin sa akin.

Kinawayan ko sila bago seryosong bumaling sa sinasabi ng Coach. Nilapitan ko si Chezka, isa sa mga ka-team mates ko. Tinapik niya ang balikat ko at sabay naming pinakinggan ang mga bilin ni Coach.

"Tandaan, hindi ito basta-basta laban ng mga babae...."

"Laban ng mga totoong babae!!!" sigaw namin, tumatawa.

Sumabay ang malakas na sigawan ng buong estudyante ng school namin. Nakangisi ako habang tinatapik ang bawat ka-team mates ko ngayong araw.

"Galingan natin!"

Pagkatapos ng ilang minuto nagsimula na ang laban sa court. Nakahawak ang kamay ko sa aking magkabilang tuhod. Hinanda ko ang sarili sa pagtalon para sa pagsisimula ng jump ball. Rinig ko ang malakas na cheer ng mga estudyante para sa akin. It makes my heart go wild. It made me more determined to win this game.

I eyed the referee to time my jump. I jumped as high as I could to reach the ball after the whistle sounds the gymnasium. I'm very much aware that the other school's players were closer than my teammates, so I shouted Piya's name.

"Piya!" sigaw ko sa pinakamatangkad naming ka-teammate.

Mabilis kong naipasa iyon. Nasalo rin ni Piya ang bola. I smiled widely nang dumeretso siya sa pagtakbo.

Hinarangan ko ang isang player na patakbo sa aming ring para hindi mahabol si Piya. Tumulong din si Chezka sa ibang kalaban. Napatingin ako kay Piya nang nai-shoot niya iyon, mas lalo akong napangiti ng malaki.

The game goes on. We easily drive it. I shoot whenever I could. I pass the ball whenever it's possible.

The fourth quarter was not that easy. We're the winning team. What I love in this game, I'm shooting frequently. We'll win this game.

The Three Nonsense Questions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon