Kabanata 5: PAUL

52 8 12
                                    

Nagulat ako sa malakas na tunog mula sa aking selpon. Nakailang push up pa ako bago kuhanin 'yon sa lamesa malapit sa aking kama. Iniikot ko ang balikat ko para mawala ang paninigas sa kalamnan.

Nangunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Tony sa screen. Umupo ako at ini-slide pakanan ang tawag.

"Bakit ka napatawag, Tony?"

Minsan lamang tumawag sa akin si Tony. Bukod sa basketball ay wala naman kaming pinag-uusapang iba pa. Pakinig ko ang malakas na paghinga niya sa kabilang linya. Nangunot ang noo ko dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit ninenerbyos ang kapatid ni Freya.

"Tony? Anong meron?" pag-uulit ko.

Kumuha ako ng T-shirt mula sa kabinet dahil sa tagal nang pagsasalita ni Tony.

"K-Kuya!" biglang sigaw ni Tony.

Mabilis kong isinuot ang damit. Kinuha ko ang selpon ko sa lamesa at naupo ulit.

"Anong meron, Tony? Hindi ba nilalagnat ka kahapon? Kumusta ka na?" mabilis kong tanong.

Pakinig ko pa rin ang malakas na paghinga niya. Pakinig ko na rin ang pagmumura niya.

"Kuya...si ate! Puntahan mo ako rito, kuya!"

Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. Bakit kailangan ko siyang puntahan? Nasaan ba si Freya? Nagulat pa ako nang patayin ni Tony ang tawag. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

Nagtipa agad ako ng message kay Richard na pumunta sila nina Jet sa bahay ni Freya. Lumabas ako ng kwarto para puntahan sila.

"Paul! Bakit nagmamadali ka?" tanong ni mama nang bumaba ako sa sala.

"Mamaya ko na sasabihin, Ma."

Lumabas ako ng bahay namin.

"Mag-iingat ka, anak! Susko naman ang batang ito," malakas na sigaw sa akin ni mama.

Nagtatakbo ako sa kahabaan ng kalsada patungo sa bahay nina Freya. Wala pang labing-limang minuto ay nasa bakuran na nila ako. Hingal na hingal akong tumigil at pumasok sa bahay.

Bumungad sa akin ang tahimik na salas. Nabaling ang tingin ko kay Tony. Nasa tapat siya ng kwarto ni Freya. Lumapit ako sa kanya.

"Tony, anong meron?" tanong ko pa rin.

Nagulat ako nang makita ang tinititigan at iniiyakan niya. Sa loob ng kwarto ni Freya. Sa kama niya. Nakita ko siyang nakahiga. Nangunot ang noo ko sa kakaibang amoy sa paligid.

"Kuya...Hindi ko alam kung anong nangyari. Pinuntahan ko siya rito sa kwarto niya. N-Nakita ko na lang siyang may dugo! Si ate...."

Pagbaling ko muli kay Freya. Malapit ako sa katawan niyang hindi man lang gumagalaw. Napamura ako nang makita ang namumutlang mukha niya.

"B-Bakit? Anong nangyari sa kanya, Tony?"

Nilapitan ko kaagad si Freya. Hinawakan ko ang pulsuhan niya.

"Putangina," untag ko.

Nanginginig ang katawan ko habang nakatingin sa mapula niyang pulso. Nasa mukha niya ang itim niyang buhok. Tahimik at walang paghinga.

"Kuya...."

Napakuyom ako ng kamao. Malakas kong itinama ang kamao ko sa sahig ng kwarto.

"Putangina! Mahal ko...." huli kong sambit bago tumulo ang luha sa mata ko.

Paano nangyari ito?

"Tony? Paul?"

Napahilamos ako ng mukha nang makita sina Chad sa harap ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha nila habang tinititigan ang mukha ni Freya. Ang walang-buhay kong mahal.

Napaupo ako sa pagod at nararamdamang sakit sa dibdib ko. Gusto kong manuntok at magalit.

"P-Paul...Anong nangyari kay Freya? Bakit hindi siya humihinga?" nanginginig na tanong ni Ray.

Tiningnan ko siya. Umiling ako. Hindi ko alam. Wala akong alam.

"Fuck!" mura ni Chad.

Kitang-kita ko ang sakit sa bawat mukha naming lahat. Hindi ko na magawang magsalita habang pinapakinggan ko ang bawat pag-iyak naming lima rito sa kwarto ni Freya. Mahal ko...bakit?

"Putangina! Bakit niya ginawa ito?" wala sa sarili kong tanong.

"Bakit hindi mo alam? Paul, nagpakamatay si Freya! Bakit hindi mo alam?!" sigaw ni Jet.

Mariin ko siyang tinitigan. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Naglalaho na ang rason sa utak ko.

"Did she show any behavior that she would do this?" tanong ni Richard. Napailing ako.

Hindi ako makatingin sa katawan ni Freya. Lumipas ang oras at nakatigil pa rin kaming lahat.

"Her research. Those questions. Our fucking questions!" biglang sigaw ni Richard.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Siya lamang ang nakakapag-isip ng maayos sa oras na ito. Maigting ang panga ko nang tingnan ang dilim sa mata niya.

"We asked about death in our questions, Paul! Ikaw ang nag-isip ng tanong na iyon!"

Mabilis ko siyang inaruhan nang tingin. "Huwag mo akong sumbatan, Chad! Pare-parehas tayong may mali rito!"

"Oo, may mali tayo! But you should've taken care of her! She fucking called me last night!"

Natigil ang paghinga ko sa sinambit niya.

"Ano? Tinawagan ka niya pero hindi mo sinabi sa akin?!"

"Huwag kayong mag-away rito, Paul!"

Hinila ko ang damit ni Richard at tinamaan siya ng suntok ko.

"Kasalanan mo ito! Kung sana inaalam mo kung anong dahilan kung bakit siya tumawag sa 'yo!"

Nanahimik ang lahat nang sigawan ko si Richard. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko.

"No, Paul. She didn't let me ask her why. It's that fucking questions we made in her research! We never noticed any signs because we're all assholes who wouldn't help her!"

Napailing ako sa sinasabi niya. Nasasaktan ako sa bawat minutong lumilipas. Masakit sa puso. Tiningnan ko ang katawan ni Freya. Napayuko ako. Nagsisimula ulit na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hinarap ko si Richard. Sina Jet at Ray.

"T-Tumawag na tayo ng ambulansya."

Lahat kami ay nanahimik. Totoong kasalanan ko rin. Ako dapat ang may alam kung maayos o hindi ang kalagayan ni Freya kahapon. Sobrang bilis ng pangyayari. Bigla na lang kaming iniwan ni Freya.

Bumaling ako sa kapatid niya.

"Tony...patawarin mo ako."

Napayuko ako nang pakinggan ang malakas na pag-iyak ni Tony. Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Patawarin mo ako, Tony. Hindi ko nailigtas ang ate mo. I didn't save Freya."

The Three Nonsense Questions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon