Kabanata 8: Spain

40 7 9
                                    

Paul's POV

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang tumawag isang araw sa akin si Jet. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang bumisita ako kay Freya at maka-usap muli si Chad.

Simula noong gr-um-aduate kami ng hayskul ay nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay. Wala na akong balita kay Jet at Ray. Samantalang si Chad ay lagi kong nakikita at nakaka-usap.

Nangumusta si Jet sa akin nang araw na iyon. Sinagot ko ang totoo, ganoon pa rin. Ganoon din siya, pero hindi tulad kong wasak at hindi makalimutan ang minamahal ko. Masaya ako sa mga pangyayaring kuwinento niya sa akin. Malayo na talaga ang naabot nila. 

Ngunit nang ibalita niya sa akin na papunta si Richard sa Madrid, bigla akong natigilan at ninerbyos.

"Hindi mo alam? He had an offer for an advertisement by a model agency in Spain. He said he's going to sign the contract in Madrid," iyon ang pagkakasabi niya sa akin.

Napanganga ako at nanlamig sa napakinggan ko sa kabilang linya. Nanginginig ako habang hawak ang selpon sa tainga ko, wala akong maisagot. Wala akong alam na may ganoong offer siya sa Madrid.

Mariin akong napapikit at ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pinalis ko ang pawisan kong noo at tinitigan ang mga papeles sa lamesa ng opisina ko. Walang ibinalita ang sekretarya kong may ganoong kontrata si Richard.

"K-Kailan daw?" sa mahabang litanya sa akin ni Jet ay iyon lang ang naisagot ko.

Nanatiling blangko ang utak ko at tanging iniisip ko lamang ay kung paano mahahadlangan ang paglipad ni Richard.

"This week. Hindi mo ba talaga alam? Aren't his company partnered with yours?"

Malakas kong naipatong ang nanginginig kong kamay sa lamesa.

"I-I didn't know. Hindi lahat ay nasa kontrata naming dalawa."

--

"Why didn't I know that Richard had signed an offer in Madrid? Hindi ba dapat ay alam natin iyon?!" sigaw ko sa harap ng aking sekretarya.

Tuwid at nakayuko siya habang nananatiling umuusok ako sa galit.

"That contract was not within our reach, Sir."

Malakas kong hinampas ang lamesa. Hindi ako makakapayag. What should I do?! Fuck!

"May magagawa ba tayong paraan para mapigilan ang offer na iyon?"

"I don't think we can control that, Sir. But we could try in the agency, Sir."

"Do that and notify me when you have the other email!" utos ko.

Napahilot ako sa aking sintido nang matapos ang pag-uusap naming dalawa. Hindi ko gustong makialam kay Richard pero kailangan ko. Hindi siya maaaring makakalipad sa bansang iyon. Hindi niya dapat makuha ang offer na iyon. Wala siyang dapat na malaman bukod doon.

Nanatili akong nakatitig sa luma kong selpon. Nakatitig ako sa labing-walong videos, ang kinolektang greetings ni Freya noong mag-eighteen ako. Noong nandito pa siya.

One week had passed when Richard was sure that he's going to investigate. Binalita sa akin ni Tony noong isang araw na bumibisita si Richard sa bahay nila, sinabi niya rin sa akin kung alam ko bang nag-iimbestiga muli ang kaibigan ko.

Simula noong makita ng dalawang mata ko ang bangkay ng kapatid niya at noong libing, hindi pa rin ako nakababalik sa bahay nila. Ayaw kong balikan ang lahat. Ayaw kong maalala ang lahat ng nangyari. Bilib ako kay Richard dahil kinakaya niyang pumunta doon. Kahit na limang taon na ang nakalilipas, hinding-hindi ako masasanay na wala na ang mahal ko.

Kahapon ko lang din nalaman na ayon kay Jet ay mayroong offer sa Madrid si Richard. Hindi ako makapaniwalang hindi niya ako sinabihan. Wala pa akong natatanggap na balita mula sa aking sekretarya. Kailangan naming magmadali dahil malapit na ang flight ni Chad patungo sa ibang bansa.

Nanginginig ang kanang kamay ko nang pindutin ko ang video greeting ni Freya. Hindi ko pinakailaman ang iba, tanging kay Freya lang ang pinanood ko.

Habang pinapanood ko siyang magsalita, unti-unting nalulusaw na naman ang puso ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Matagal ko nang pinipigilang hindi na muling umiyak. Pero sa tuwing pinapanood ko ito, bumabalik talaga sa akin ang mga alaalang kasama ko siya. Nakikita ko ang maganda niyang mukha, ang masigla niyang boses, at ramdam ko rin ang pagmamahal niya sa akin.

I missed you, Freya...damn so much. Naramdaman ko na lamang na tumutulo ang luha sa sa pisngi ko. I wiped them all and I forced myself not to tear again. I'm mad at her, I should be mad at her.

Labag sa loob ko nang pindutin ang pause button sa video. Napailing ako sa nararamdaman kong sakit. Kailan ba mawawala ito? Kailan ko ba siya makakalimutan?

"Putangina!"

Isang suntok ang naibigay ko sa dingding ng kuwarto ko. Natawa ako nang maramdaman ang kakaunting sakit sa kamao ko. Manhid na yata ako. Wala na akong nararamdamang sakit sa pisikal kong katawan. Pero bakit dito sa dibdib ko, ramdam na ramdam ko ang sakit?

Napabaling ako nang tumunog ang isa kong selpon. Huminga ako nang malalim at saka pinindot ang voice record na pinasa sa akin ng aking sekretarya. Sinigurado kong walang tao sa loob ng aking kwarto saka pinakinggan iyon.

'The email was sent just now, Sir. I sent it in your personal email, Sir. I'm sorry, Sir, but I couldn't hold an immediate meeting with the agency contracted with Sir Richard's. I'll do everything, Sir.'

"Book us a flight to Madrid. We need to stop Richard from that agency. Now," tipa ko at pagkatapos ay s-in-ent sa sekretarya ko.

Napailing ako sa kapabayaan ko. Dapat ay pinagplanuhan ko na ito agad noon pa.

Huminga ako nang malalim at ibinaling ang atensyon sa email na natanggap ko. Tiningnan ko muli ang mukha ni Freya sa bidyong pinapanood ko kanina saka binuksan ang email. Sa loob niyon, may dalawang videos. Hindi katulad noong nakaraan na paisa-isa lamang.

Napuno ng galak ang puso ko at hindi nagdalawang-isip na panoorin ang pang-una. Hinanda ko ang sarili ko sa maaaring mapanood. Ang hinandang video para sa akin ng pinakamamahal ko.

The Three Nonsense Questions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon