Kabanata 4: The Unexpected

57 9 11
                                    

"Pasa!" sigaw ko nang ma-corner si Sofie nina Piya at Christia, na kalaban namin ngayon.

Practice game ulit namin bago ang panibagong laro next week.

Puno ng pawis ang noo ko at hinihingal na ako dahil sa paulit-ulit na pagtakbo rito sa gym. Napaatras ako nang kaunti nang ipasa nga sa akin ni Sofie ang bola. Nasa linya ako ng three points nang tumira ako, shoot.

Napasuntok ako sa ere. Iba talaga ang dalang saya sa akin kapag nakakapuntos ako. Sigurado akong maipapanalo na naman namin ang laro sa susunod na laban.

"Yehey!" sigaw naming dalawa ni Sofie.

Nagyakap kaming dalawa nang maipanalo namin iyon. Napahagikhik ako nang lumapit si coach sa mga natalo. Tahimik lamang naming tinawanan ni Sofie ang mga kalaban namin kani-kanina. Nagbilin lang din si coach na ingatan lagi ang katawan at resistensiya namin para hindi magkaroon ng sakit o kung ano man bago ang finals.

Pagkatapos noon ay naligo ako at nagbihis ng simpleng oversized T-shirt at jogging pants.

Namataan ko si Paul na naghihintay sa akin sa labas ng gym matapos akong mag-intindi. Hawak nito ang cellphone at sigurado akong naglalaro na naman.

Tutok na tutok siya sa pinagkakaabalahan kaya mabilis akong nakalapit sa kanya nang hindi niya ako nararamdaman. Pinalo ko ang balikat niya. Muntikan na siyang mapamura nang gawin ko iyon. Hindi ko mapigilan ang malakas na hagalpak sa reaksyon niya.

"Nagulat mo ako 'don, a. Kumusta ang practice?"

Binitbit niya ang dala kong sports bag at inalandas ang bisig niya sa balikat ko. Sabay kaming pumasok sa elevator para makababa at maihatid na niya ako sa bahay. Magka-kasamang umuwi ang mga ka-team mates ko, ako na lamang ang huling lumabas ng gym dahil hindi naman nila ako kasabay.

"Ayos! Panalo kami!" sagot ko, tumatawa.

Hindi ko mapigilan ang maging proud sa pagkapanalo kahit na practice lamang iyon. The truth is, I always win whenever we have practice games.

"Talaga nga naman ang mahal ko, oo. Napakagaling!"

Hinalikan niya ang pisngi ko. Mas lalo akong napangiti nang gawin niya iyon. Last week, he celebrated his eighteenth birthday. Of course, nagtampo muna siya sa akin dahil plinano ko na namang hindi siya batiin at bigyan agad ng regalo. Hapon nang dumating ako sa bahay nila para batiin siya.

Kahahatid lamang niya sa akin nang sundan ko siya pauwi sa kanila. Halatang-halata sa kanya ang lungkot, pero nang surpresahin ko siya ay hindi na naman siya makapaniwala. He wasn't aware that there's a projector when we entered his room.

Kasama niya ako noon sa panonood ng labing-walong videos na matagal kong plinano. Bumati ang mga matatalik niyang kaibigan noong hayskul, kababata, pinsan, tita, tito, lolo, lola, buong pamilya niya, at syempre ako.

I couldn't conceal my happiness at that time when he cried while hugging me tightly. I was so blessed I have him. I know that he's blessed too because he has me. I have nothing more to wish but only him.

"Nakauwi na sina Chad?" tanong ko.

Lumabas kami ng elevator at naglakad palabas ng school. Wala nang gaanong estudyante at ang mga propesor ay umuuwi na rin.

"Oo, nagba-basketball sila kina Jet. Tara?"

Tumango ako sa yaya niya. Wala naman akong gagawin pag-uwi dahil bukod sa patapos na ang research ko, tapos na rin ang final examination. Basketball game na lang namin ang hinihintay ko.

Nilagpasan namin ang bahay ko at tumuloy sa pagpunta sa bahay ni Jet kung saan nandoon din sina Chad at Ray. Parehas lamang ng itsura at laki ang bahay namin nina Jet, Ray at Paul. Tanging kina Chad ang hindi dahil sa nandoon ang bahay niya sa kabilang subdivision. Which is considered for high-class family. Yes, Richard is rich, but he doesn't want to be treated as one. That's how genuine and humble he is.

The Three Nonsense Questions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon