Kabanata 3: Birthday Progress

72 13 37
                                    

Natapos ang practice game at bumalik na muli ako sa klase kahit halos ay hindi na ako nakikinig. Hindi na ako nakakatulong sa mga ka-grupo ko dahil hindi naman nila ako kasama sa pag-iisip sa bagong research topic nila.

Mas inintindi ko itong research ko. I never had personal research before, nor plan on some weighty stuff. Growing up, my only responsibility was to take good care of my younger brother. It's hard for me when Tony was a kid. I'm still starting to learn how to work things up when I have that liability. I never blame my mother. I know how hard it is to make a living, especially that she's away from us. It made me love her more. I hope I can find nice answers for this research.

Huminga ako nang malalim nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase. Inayos ko ang gamit sa desk ko at saka dali-daling lumabas ng classroom.

Magkakasama sina Paul na nakatayo sa harap ng room ko. Nakipagkamayan ako sa mga tropa niya, at saka siya niyakap.

"Kumusta ang personal research mo, Fe?" tanong ni Chad.

Halatang interesado sa ideya ko, wala namang balak tumulong. "Making progress. You see, ako lang ang may balak gawin ito," sarkastiko kong sagot.

Sabay-sabay nila akong tinawanan. Inaruhan ko na lamang sila ng kamao ko sabay irap.

"You can always ask for our help, love."

Ngumiti ako kay Paul at hinalikan siya sa pisngi.

Napangisi ako nang sabay-sabay na tinakluban nina Chad ang kanilang mata nang matunghayan iyon. Napakalulupit talaga pagdating sa kakulitan.

Nang hapong iyon, magkakasama kaming umuwi—inihatid muna nila akong apat sa bahay. Malakas ang mga boses nilang nagku-kuwentuhan pa rin hanggang sa makarating kami. Nagsimula sa basketball na kasama ako, hanggang sa napunta sa computer games, at babae. Hindi tuloy ako makapag-isip nang ayos dahil sa kanila.

"Uwi agad, pre ha!" pangungulit ni Jet sa amin.

Tinawanan lang naming dalawa.

Malapit din naman dito sa subdivision ang kani-kanilang bahay. Matagal ng magka-kaibigan sina Paul at ang mga tropa niya. Noong naging boyfriend ko si Paul parang naging kaibigan ko na rin sila. Hindi ko trip ang makipagkaibigan sa mga babae—iyon ang pansin ng mga kaklase ko sa akin. Hindi ko na lang pinapansin ang sinasabi nilang malandi ako. Para namang lalandiin ko sina Chad, my gosh.

Masaya ako na mayroon akong mga kaibigang lalaki. Nakakalaro ko sila sa basketball minsan. Masaya silang maka-bonding at less drama na rin. Kapag may nang-aaway naman sa akin—sila ang taga-pagtanggol ko. Ang totoo niyan, sila ang isa sa mga dahilan kung bakit ginusto kong ipagpatuloy ang pagsali ko sa basketball team. Bukod sa natuto akong maglaro kasama sila— suportado nila ako sa lahat ng desisyon ko.

"Uwi na rin ako. Kumain ka pagkatapos magbihis."

Hinalikan niya ang noo ko. Pagkatapos ay inalis mula sa kanyang mga balikat ang bag ko, at ibinigay sa akin.

"Salamat."

Natigil kami at nanahimik sandali habang nakatitig sa isa't isa. I always love every time we do this. Nakangiti ako habang tinititigan ang kaguwapuhan ng boyfriend ko. His jawline and his white perfect teeth. Ang makisig at matipuno niyang pangangatawan, at ang malambot niyang kamay.

"Kapag balak mo nang umpisahan 'yong personal research mo, sabihin mo sa akin. Tutulungan kita."

"Ano ka ba, sa school lang naman ako magtatanong-tanong at dito sa mga kapitbahay namin."

"Kahit na, sabihin mo sa akin. Hindi kita iiwang mag-isa sa mga 'di mo kakilala at lalong sa mga 'di ko kakilala."

"Okie," sagot ko.

Matamis niya akong nginitian at niyakap. Hinalikan niya muli ang noo ko at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Kinawayan ko siya nang nasa tapat na ako ng pinto. Nakita ko ang pagtalikod at paglalakad niya palayo sa akin.

Nagtungo ako sa kwarto ko at nagbukas ako kaagad ng laptop. Nag-prepare ako nang mahabang listahan nang ibi-video chat ko muna ang magulang at kapatid ni Paul. Sasabihin ko sa kanila iyong plano ko sa birthday niya.

Kumaway ako sa harap ng screen ng laptop.

"Hi, Frey! You're so beautiful pa rin," bungad sa akin ni Ate Yayan.

May asawa na siya, si Kuya Kevin. Parehas silang engineer.

"Naku, Ate. Nambola ka pa. May gusto lang akong sabihin sa 'yong plano ko about sa birthday ni Paul."

Pinanood ko ang pag-upo niya sa tabi ni Kuya Kevin. Sobrang bagay sila, ang guwapo kasi ni Kuya Kevin.

"Good afternoon, Kuya Kevin!" bati ko ulit.

Ngumiti siya sa akin at kumaway. Hinarap na ni Ate Yayan ang kamera sa kanya.

"So, let's talk about your plan. Na-mention mo na rin ba kina mama at papa?" Umiling ako at ngumiti.

"Hindi pa, ate. Sa 'yo ako nagsimula hehe...."

"Ganito, I want to ask you, Ate Yayan...Kuya Kevin...na maggawa ng video greeting for Paul. Gusto ko kasing may panoorin na eighteen videos si Paul sa birthday niya."

Ate Yayan squealed from excitement. "Sure...."

Napangiti ako ng masaya siyang pumayag. Gagawa na raw sila agad habang nasa bahay pa sila at hindi hectic ang trabaho.

Sinunod ko si Tita Cherry at Tito Ricky, magulang ni Paul. Pumayag din ang bunsong kapatid ni Paul, si Christian. Ngumiti ako habang masayang kinakausap sila. Gustung-gusto nila ang plano ko. Kahit iyong mga huling plano ko, todo support sila kapag birthday month na ng anak nila.

Kinausap ko ang malapit na mga pinsan at kaibigan ni Paul noong junior high school. Pati na rin sina Ray, Jet, at Chad—nag-promise sila sa aking hindi nila sasabihin kay Paul kagaya nang paglilihim nila sa plano ko noon.

Ngumiti ako nang matapos ang listahan. Ako na lamang ang huli. Gusto kong tapusin na ito kaagad. Ayaw kong may mangyari pang hindi inaasahan, at maudlot itong plano ko. Ni-ready ko ang video recorder sa laptop ko at masayang ngumiti at nagsalita.

"Hi! Happy birthday!!! You're getting older na love!" malakas kong sambit, sabay tawa.

"Na-surpresa ka ba? Gusto ko lang sabihin sa 'yo na masaya ako dahil boyfriend kita. I wish that God give you more blessings and more happiness. I pray for your successful life with me, char," dugtong ko.

"I love you so much, love. I hope you love this surprise. I love you ulit!" I blew a kiss while looking at myself on the screen.

I smiled and saved it. I let out a sigh after the satisfying video greeting. Kinuha ko ang notebook na gagamitin ko sa personal research. Sinulatan ko iyon nang maayos na calligraphy at saka timetable.

"Ate, gutom na ako!" sigaw ng kapatid kong si Tony.

I rolled my eyes. Tumayo na ako at iniwan muna ang ginagawa. Lumabas ako ng kwarto. Naka-upo lang naman si Tony sa sofa at nanunuod ng tv. Mga lalaki talaga, hindi magkusa.

---

Dedicated to keyrixx

The Three Nonsense Questions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon