Freya's POV
October 2019...
She's a girl. She's looking at me. She has a face identical to mine.
Ang buhok niyang itim ay mahaba at basang-basa. Kahit na madilim ang paligid ay naaaninag ko ang maputi niyang mukha. Nangilabot ang katawan ko nang magkatitigan kaming dalawa. She has my eyes. It's weird. Parang nasa panaginip ako at nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
I gasped covering my mouth. Ayaw kong magising si Tony. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok ng aming bahay. She's a stranger but I can't just let her get soaked outside.
Dinala ko siya sa loob ng aking kwarto. Ni-lock ko ang pinto at hinarap siya. Basang-basa ang kanyang mahabang bistida. Kasing tangkad ko lamang siya. She has bangs, I don't. She has piercings in her left ear, napansin ko lahat ng pagkakaiba naming dalawa ngayon.
How in the hell she looks just like me and at the same time we have differences? Are we a twin? Wala akong natatandaan na may kakambal ako. Ang alam ko ay si Tony lamang ang kapatid ko. Thinking that I have twin sister is out of the world!
"Who are you? Bakit kamukha kita? Are you a doppelganger?" mabilisan kong tanong.
Nakatingin lang siya sa akin. Walang emosyon ang kanyang mata. Ang labi niya ay nakapirmi at walang balak magsalita. Napasabunot ako, nababaliw na yata ako. Is this kind of a joke?
"Sino ka? Bakit kamukha kita? Bakit alam mo kung saan ako nakatira? Kakambal kita? Where were you all this time?"
Wala pa rin akong nakuhang sagot. This is weird!
"Can you talk? Do you understand me? Naiintindihan mo ba ako? Come on! Talk!"
My head is about to burst and here she is, standing and looking at me.
"Do you speak English? Please, let's talk. Wait, are you deaf? Mute?"
Ang dami ko nang naisip na posibilidad kung bakit hindi nagsasalita ang nasa harapan ko. I even thought she might be a robot or something!
"This is not funny! If you don't want to talk, I'm going to get you out of my house. Speak."
Seryoso akong nakatingin sa kaniya. Hinihingal na ako kakasalita. Kumakabog ang puso ko. Hindi ko alam ang nangyayari. Gusto kong tawagan si mama at itanong kung bakit mayroong babaeng kamukha at nandito sa harapan ko.
"Speak or I'll throw you out. Bahala kang mabasa sa labas," pananakot ko.
She twitched her lips. She's smiling at me.
"I'm serious. I'm confused!"
"I-I only speak...little...English," sagot niya.
Sa wakas! Hindi pala marunong mag-English.
"Sana sinabi mo!" I exclaimed, frustrated.
Napakarami kong tanong pero lahat ng iyon ay nabalewala at hindi man lang nasagot.
"I..can..write..eng...."
"You can write? English, ha? Okay...."
Nanginginig ang katawan ko. Nilapitan ko ang desk ko at kumuha ng isang pirasong papel. Ibinigay ko sa kanya iyon. Bumaling ulit ako sa desk at kinuha naman ang ballpen, ibinigay ko rin sa kanya iyon.
Nagsimula siyang magsulat. She's right-handed, same as mine. Ang tubig sa kanyang buhok ay tumutulo sa sahig. Kinuha ko ang malinis na tuwalya sa tabi ng aking drawer at ibinigay sa babaeng kamukha ko.
BINABASA MO ANG
The Three Nonsense Questions
Romance(Bitter-Sweet Series #1) How much are you willing to give up for someone you love? A driven basketball athlete, Freya Pangilinan is living a normal and easy life with her boyfriend, Paul, and their guy friends-and with personal research which she i...