Kabanata 16: Freya Is Back

38 5 4
                                    

I still couldn't believe it's been four years since I've left this country. I flew to Italy with Tony the day after I rejected Paul's proposal. Mahal na mahal ko si Paul, pero mas mahal ko noon ang pamilya ko. Matagal akong nawalay sa kanila at hindi ko gustong pumili sa kanila.

I wanted to live with my family first then enter marriage. I want to marry Paul as much as he wanted too, it's still not our time. Ngunit ngayon, masasabi kong handa na ako. Dahil nandito na ako sa Pilipinas.

I pursued a career path. I established my own business in Italy. I widened my branches, especially here in the Philippines. Natupad ko na ang pangarap kong magka-negosyo, nga lang hindi ko kasama si Paul. I never had a stable communication with him, it's because we're both busy with our businesses. But we call each other from time to time, kapag nagkakasabay ang libreng oras naming dalawa.

Noong malaman kong ikakasal na si Richard at imbitado ako, I was shocked. Hindi siya iyong tipo ng lalaki na naghahanap na kaagad ng babae, mas lamang pa si Jet at Ray noon, at mas lalong hindi ako makapaniwala sa mapapangasawa niya—undeniably opposite of him! But I was happy, he's going to be a husband and a father soon. He's going to build a family. I couldn't be happier.

Niyakap ko si Tony nang magkita kami sa tapat ng airport. Sinundo niya ako galing sa trabaho niya. Bagay na bagay ang suot niyang uniporme, it suits his personality and appearance.

"Kumusta, ate? Balita ko patok ang negosyo mo rito sa atin?" tanong ni Tony.

Hindi ko maitatangging pa-guwapo nang pa-guwapo ang kapatid ko. Hindi na ako magugulat na isang araw ay magpakilala na siya ng girlfriend niya sa amin ni Mama.

"Maayos lang ako. Medyo pumapayat. Laging busy sa negosyo! Naloka ako last year, ang daming sales pero ang dami ko ring effort!" wika ko.

Tumawa kaming dalawa. Tinulungan niya ako sa paglalagay ng lima kong maleta sa sasakyan niyang mamahalin, at pagkatapos ay pinagbuksan ako sa passenger's seat.

"May girlfriend ka na ba? Pinapatanong ni Mama," usisa ko.

Bumaling siya sa side mirror para i-check kung may paparating na sasakyan at saka umabante. Nahinuha ko ng wala pang girlfriend ang kapatid ko nang tingnan niya ako, bakas ang ka-inosentehan sa kanyang mga mata. Napailing na lamang ako.

"Wala. Kung busy ka sa negosyo mo, busy rin ako. Gusto ko munang pabalikin si Mama rito sa atin. Ayaw ko na siyang pagtrabahuhin kahit na hindi siya gaanong napapagod doon."

Pasalamat na lang talaga dahil mabait ang amo ni Mama. Matanda na si Mama kaya naiintindihan na ng amo niyang hindi na niya kayang gawin ang mga mabibigat na tungkulin. But still, we wanted her to rest more in our home.

Malaki ang utang na loob ko kay Tony. When I wanted to study again, he never doubted me. Pinag-aral niya ako, nakakahiya man ay sinabi kong ibabalik ko sa kanya lahat nang itinulong niya sa akin.

"Isa ka sa groomsmen sa kasal ni Richard, diba? Mayroon ka na bang susuotin?" pag-iiba ko ng usapan.

Tumingin ako sa tanawin at hinayaang obserbahan ang mga pagbabago rito sa bansa bago ako umalis. Mayroon nang mga bago at nagtataasang gusali, maganda, at malinis na rin ang paligid.

"Oo. Kasali ka rin sa maid of honor, ano?"

Lumunok ako at hindi siya binalingan. Kinakabahan ako sa tuwing inaalala ko ang maaaring pagkikita namin ni Paul. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.

The fact na tinanggihan ko siya at pinaghintay ulit, pakiramdam ko ay baka pinagpalit na niya ako. I was hoping he didn't. Huminga ako nang malalim. Inayos ko ang upo ko at tumingin sa daan.

The Three Nonsense Questions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon