Paul's POV
Sa lumipas na limang taon, minsan na akong nawalan ng pag-asa na balang araw mawawala ang pangungulila sa dibdib ko. Minsan na akong nawalan ng pag-asa na makasama ko muli ang minamahal ko. Lahat ng tao ay may karapatang sumaya, ako lang yata ang hindi pinagkalooban noon.
Nang makita ko ang bangkay ni Freya, I thought it was a prank. I thought it was all just a dream. But five years of living aren't a dream. Sa tuwing gigising ako sa umaga, nabubuhay na rin yata akong parang bangkay. Walang tiyak na patutunguhan.
Noong una kong makilala si Freya, isa siya sa mga manlalaro ng eskwelahan namin. Hindi ko siya kaklase dahil sa hindi naman ako matalino para mapabilang sa section nila.
Kasama ko nang araw na iyon sina Chad, nang masilayan ko siya. Puno ng pawis ang noo niya, hinihingal ng sobra, pero kinakayang tumakbo, at tumira sa ring na parang wala lang sa kanya.
Humanga ako nang sobra-sobra sa dedikasyon niya sa larangang iyon. Para akong tangang pinagtatawanan ng mga tropa ko habang pinagpapantasyahan ang babaeng mas magaling pa yatang maglaro sa akin ng basketball.
Noong mga oras na iyon, itinakda ko na ang lahat. 'Sa kanya lahat ang magiging anak ko. Siya ang magiging ina ng mga anak ko.' Dahil wala na akong ibang pangarap kundi ang mapamahal siya sa akin.
Tinulungan ako ni papa na manligaw sa kanya. Kung swineswerte nga naman, sa iisang subdivision lang kami nakatira. Araw-araw akong sumisilip sa ganda niya sa tuwing pumapasok siya sa klase, sa tuwing nakikipagkulitan siya sa kapatid niya, sa tuwing nagdidilig siya ng hardin sa harapan ng bahay nila, at sa tuwing uuwi siyang pawis-pawisan galing sa practice. Ang ganda niya palagi.
Sinikap kong mag-aral nang maayos. It paid off; she was my classmate until we finished junior high school. After courting her, I made her fall in love with me. Araw-araw akong nananalangin sa taas, na sana kami ng dalawa sa dulo.
Nangasim ang pakiramdam ko nang makilala niya ang Espanyol na nakasama niya ng limang taon. Mas matagal pa sa pinagsamahan naming dalawa ni Freya. Aaminin kong sumakit ang puso ko noong unang beses na makita ko silang magkasama.
I can clearly tell that he has feelings for her, and Freya being Freya, she never sees everything transparently from her perspective. I was hurt because she relied on him when she was supposed to be relying on me. But I couldn't turn it back, I just have to be grateful that she's safe up until now.
She was still the same girl I know—she's innocent, driven, and joyful. Her beauty is still there. I've fallen in love with her once more. Hindi magbabago ang gusto kong maging akin siya habambuhay. Ang maging asawa ko at ina ng mga anak ko.
Linggo nang tawagan ko siya. Alas-sais ng umaga nang magdesisyon akong dalhin siya sa surpresa ko.
"Hey, libre ka ngayon? May pupuntahan tayo ngayong araw."
Naplano ko na noon pa ang lahat. Wala ng ibang rason para maudlot lahat ng plano ko. Maayos na ang lahat. Nakarating siya sa Pilipinas sa tulong ko at nakasama niya sa wakas muli ang pamilya niya.
Iyon lamang ang hinihintay ko, makakasama ko na muli siya. Wala na akong sasayanging oras. Nang sunduin ko siya sa bahay nila, parang panaginip pa rin ang lahat. Ngunit isa iyong panaginip na nagkatotoo. Nasa harapan ko na ulit siya at hindi na muling mawawalay pa sa akin.
"Hey, beautiful," wika ko nang mapalapit siya sa akin.
Ramdam ko ang normal na lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing malapit ako kay Freya. I miss these heartbeats. Siya lamang ang nakagagawa nito sa akin.
"Hey, handsome."
Hindi ko maiwasang kiligin.
Para akong baliw na nakangisi sa harapan niya. Nakakatuwang sa loob ng maraming taon, kasama ko na muli siya. Pinagkaloob talaga ng Maykapal na mapasaakin siya. Napakasuwerte ko talaga. Inalalayan ko siya nang pumasok sa loob ng kotse ko.
BINABASA MO ANG
The Three Nonsense Questions
Romance(Bitter-Sweet Series #1) How much are you willing to give up for someone you love? A driven basketball athlete, Freya Pangilinan is living a normal and easy life with her boyfriend, Paul, and their guy friends-and with personal research which she i...