Chapter 2

2.1K 185 15
                                    

Mara's POV

Agad siyang napangiti nang mukha nang anak niya ang bumungad sa kanya sa pag gising niya. Who would have thought nakakaya ang buhay na ganito? Isa siyang dalagang ina, hindi dahil binuntis lang siya kundi dahil namatay ang ama nang anak niya sa isang gyera. Ikakasal na sana sila nang boyfriend na sundalo nang isa ito sa nasawi sa bakbakan sa mindanao.

Dalawang buwang buntis pa siya nun at halos mawala din sa kanya ang anak dahil sa subrang pighati. Pero lumaban siya, dahil wala siyang choice kundi gawin yun para sa anak niya. And now after two years masasabi niyang kinakaya niya ang buhay kahit mahirap.

Hinalikan niya anak bago lumabas ng kwarto sa bahay na inuupahan nila. Siya at ang anak at mama niya lang ang nakatira sa maliit na barong barong. Wala siyang ama at wala siyang kapatid. High school graduate lang siya at hindi na nakapag college dahil narin sa hirap nang buhay.

"Magandang umaga ma." Bati niya sa mama niya nang makita itong nagluluto sa kusina.

"Magandang umaga din anak. Hala kumain kana. May pasok ka pa diba?" Tanong nito kaya tumango siya.

Nagtatrabaho siyang waitress sa isang restaurant sa umaga at hotel utility sa gabi. Habang ang mama naman niya ang naiiwan sa bahay kasama ang anak niya.

"Nak wala nang gatas si Kyle, may pera ka bang naitabi para dun?" Tanong nang mama niya.

"Opo ma. Ibibigay ko mamaya pati nadin budget sa pagkain natin sa buong linggo." Sabi niya at kumain na.

"Naynay."

Agad siyang napangiti at nilingon ang cute na cute na anak. Nasa sahig lang naman ang higaan nila kaya hindi na siya natakot na baka nahulog ito sa kama.

Agad siyang tumayo at kinarga ito at pinugpog nang halik sa mukha na ikinatawa nito.

"Stop nay stop." Patiling sabi nito kaya tumigil na siya at kinandong ito.

"Nakatulog ba ng maayos ang baby namin?" Tanong niya dito bago ito sinubuan nang kanin at ulam.

Tumango tango ito kaya napangiti siya.

Sa edad nito ay matatas na itong magsalita kahit yung ibang salita ay nabubulol ito pero para na itong matured sa edad nito.

"Tlabaho ka po nay?"

Ngumiti siya bago tumango. "Oo nak para may gatas ang baby kyle namin." She said at tila naintindihan nito dahil tumango tango ito na ikinatawa niya.

Pagkatapos kumain ay agad na siyang naligo at nagbihis bago nagpaalam sa anak at mama niya pagkatapos ibigay ang pera dito para sa gatas nang anak at pagkain nila.

Nang makarating siya sa restaurant na pinapasukan ay agad na siyang napasabak sa trabaho. Kilalang restaurant ang pinagtatrabahuan niya, at kahit high school graduate lang siya ay tinanggap siya dito at talagang ipinagpasalamat niya iyon dahil hindi gahamam sa pera ang mga may ari. Kung may tip ka talagang iyo lang yun. Kaya nga kahit nakakapagod go parin siya dito.

"Mara bigay mo sa table 3." Sabi nang head waitress nila na naging kaibigan na niya.

Tumango siya at agad na kinuha ang tray na may pagkain at inomin don.

"Good morning sir. Ito na po ang pagkain niyo." Sabi niya bago nilagay ang mga order nito. "Anything else sir?" Sabi niya bago ito tiningnan.

At ganun nalang ang pagkapatda niya nang matitigan ang itsura nito.

Peste ang gwapo.

"Did I pass?" Nakangisi nitong sabi kaya agad siyang namula.

"Ahm may kailangan paba kayo sir?" Tanong niya bago iniiwas ang tingin dito.

"Kilala kita." Tanong nito kaya napatingin siya dito. "Ikaw yung sa elevator nang Sunset Hotel. Yung umiiyak." Sabi nito kaya napakurap siya.

At nang maalala ang nangyari two days ago ay agad siyang yumuko sa harap nito.

"Hala ikaw yun sir? Sorry diko natandaan itsura mo. Salamat po pala sa panyo." Sabi niya.

Magsasalita pa sana ito nang may mga grupo nang costumer ang pumasok.

"Ahm kung may kailangan pa po kayo, paki ring nalang po nang bell niyo sa mesa. Sige sir enjoy your meal." She said bago ito tinalikuran.

--------------
Xander's POV

Nakasunod lang ang tingin niya sa waitress na naghatid nang pagkain niya. Who would have thought na nagtatrabaho ito sa restaurant nang tita niya.

She looks alot better with her hair up in a ponytail dahil nailalabas ang mukha nitong walang bahid na kolorete.

After glancing at her for couple more seconds ay naiiling na kumain nalang siya. Dahil babalik pa siya sa race track area para mag training. Pagkatapos kumain ay agad siyang dumukot nang pera para maging tip nung babae. Afterall hindi naman siya pinagbabayad nang tita niya dito. Kay ititip na lang niya.

He walk towards the cash register area.

"Excuse me." He said at natawa siya nang makitang napanganga ang cashier sa kanya. "Can you give this to that woman? Its her tip from me." Sabi niya sabay turo sa babaeng busy sa pagkuha ng mga order sa ibang costumer.

"Kay Mara po?"

Mara Beautiful Name.

Tumango siya bago ibinigay ang isang libo dito at umalis na.

Palabas na sana siya nang may magsalita sa likuran niya.

"Thank you for coming sir, come again."

And when he look back ay nakasalubong niya ang nakangiti nitong itsura bago siya tinanguan at tinalikuran.

Dug Dug Dug Dug

What the fck is your problem heart.

-----------####----------
Gabriel143

A Love For me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon