Xander's POV
"Sure kanang ok ka na?" Pang apat na beses na ata niyang tanong iyon. Nasa kotse na sila at ihahatid na niya ang mag ina sa bahay nang mga to.
"Opo. Makakapasok na nga ako bukas." Mara said kaya napailing siya at sinulyapan ito saglit.
Agad siyang napangiti nang makitang titig na titig si Kyle sa kanya. "Bakit pogi liit?" He ask bago sumulyap sa kalsada.
"Tay kita tayo ulit?" Tanong nito.
Damn a whole day being with this boy surely melts him. Napakasaya nitong kasama at napakalambing. And everytime he calls him tatay ewan ba niya pero gustong gusto nang sarili niya.
"Oo naman. Dadalaw ako lagi. Kaya mag behave ka ha? Wag makulit." He said bago ginulo ang buhok nito.
"Opo. Kyle laging bait para tatay dalaw at laro kami." Sabi nito kaya napatawa siya.
When he look at Mara ay nagtaka siya sa klase nang titig nito. Hindi niya mapangalanan eh.
"Bakit?" He ask pero namula lang ito at umiwas nang tingin.
When they arrive to her place ay si Kyle lang ang pinakarga niya dito at dalawang beses niyang binalikan ang mga gatas nang bata at laruan na binili niya sa kotse. Ayaw pang tanggapin iyon ni Mara pero nung sinabi niyang itatapon niya yon ay wala na itong choice.
"Andiyan na lahat nang gatas ni Kyle tsaka yung ibang gamit. At ikaw uminom ka nang gamot at magpahinga kang mabuti para gumaling ka agad." He said to Mara bago siya yumuko at kinarga si Kyle na nakatingala sa kanya.
"Alis na ako ha. Wag maging iyakin. Dapat mabait lang lagi." He said bago ito niyakap at hinalikan sa noo. He then look at Mara bago inabot ang bata dito. "Tawagan mo ako pag may problema. Nakasave na sa cellphone mo ang number ko. At may number nadin mama mo sa akin." He step closer to her bago ito hinalikan sa noo. "Bye now baby. Pagaling ka." He said bago siya nagpaalam sa ginang na nakangiting nakatingin sa kanya. "Alis na ako ma." He said bago siya tumalikod at pasipol sipol na naglakad patungong kotse niya.
Nang makasakay sa kotse at agad siyang napabuntong hininga nang tila napaka tahimik nang kotse niya.
"Damn I miss that kid already."
-----------
Mara's POV"Gusto ko si Xander."
Napatingin siya sa mama niya na nakatitig sa kanya. Ibinaba niya si Kyle at hinayaan itong maglaro ng mga laruan na bigay nang binata dito.
"Ma."
"Pilyo pero halata mong mabuting tao." Sabi nang mama niya. "Ang kaisa isang lalaki na hindi sinampal nang anak mo. Alam mo bang nag punta yun dito kagabi para sabihing nasa bahay ka niya dahil sa taas nang lagnat mo. At para itanong kung anong klaseng gatas ang iniinom nang anak mo. Nakakatawa dahil sa tikas niyang yun eh gatas nang bata ang itinanong. Tas nung kinarga niya yang anak mo nako humilig agad yang si kyle sa balikat ni Xander." Sabi nito kaya napatingin siya sa anak.
May ugali kasi ang anak niya na pag ayaw ka niya talagang sasampalin ka. Lalo na pag lalaki ka hindi ito nagpapakarga sa kung sino. Kaya nga gulat din siya kanina nung magising siya at makitang close na close ito sa binata.
"Nanliligaw ba yun sayo?"
"Ma hindi." Agad na sabi niya.
"Pero gusto mo siya." Sabi nito kaya bumuntong hininga siya.
"Diko alam ma." Sabi niya. "Pero aaminin ko nararamdaman ko dito ang mga senyales nang pagkakagusto sa isang tao."
"Kung liligawan ka, may pag asa ba?"
Umiling siya. "Ayaw ko ma. Tama nang si Kyle ang andito sa buhay ko. Ayaw ko nang masaktan baka diko na kayanin." She said na ikinabuntong hininga nito.
"Napakabata mo pa anak. Bigyan mo nang tsansa na sumaya yang sarili mo." Sabi nito kaya napatingin siya dito. "Tatlong taon nadin Mara, kung nasan man ang tatay ni Kyle ngayon alam kung gugustuhin din niyang maging masaya ka."
"Ma wala nang matinong lalaki ang kayang tumanggap sa isang katulad ko. Dalagang ina at walang natapos."
"Paano kung meron?"
"Wala ma. Kaya magfofocus na lang ako kay Kyle. Siya lang." may pinalidad niyang sabi kaya napailing nalang ang nanay niya at tumahimik na.
Totoo naman kasi, sino paba ang matinong lalaki na tatanggap sa kanya? Mahirap na nga, dalagang ina pa. Kumbaga May excess baggage na siya. Tsk tas sa panahon ngayon sure siyang sèx lang ang habol nang mga kalalakihan sa mga katulad niya. Kaya wag na lang.
Eh paano si Xander?
Agad siyang napabuntong hininga nang maalala ang lalaki. Letse bat ba lagi niya itong naiisip? Makatulog na nga.
----------####-----------
Gabriel143