Chapter 7

1.9K 172 18
                                    

Xander's POV

"Sir tapos ko na po siyang bihisan."

Agad siyang tumango sa maid niya bago pumasok sa kwarto niya kung nasaan si Mara. She surely scared the hell out of him nang himatayin ito kanina. At dahil mas malapit ang bahay niya kesa sa bahay nito ay dinala niya ito sa bahay niya.

Suot na nito ang tshirt at pajama niya. At nang haplusin niya ang noo nito ay agad siyang napailing nang maramdaman na mas uminit ito.

"Mara. Hey baby wake up." He said at bahagya itong niyugyog.

"Hmm." Ungol nito.

"Come on drink your medicine." He said bago ito inalalayang umupo. He then make her drink the medicine. "Gusto mong kumain nang lugaw?"

Umiling ito bago sumandal sa balikat niya. "Nasusuka ako, ang sama nang pakiramdam ko Xander." Mahinang sabi nito.

Bumuntong hininga siya bago ito hiniga ulit. "Get some rest, ill watch you." He said at napailing nalang nang hindi na ito sumagot tila nakatulog na.

For almost half an hour nakaupo lang siya sa gilid nang kama at nakatitig dito. Balot na balot ito nang kumot niya at kahit pinatay na niya ang aircon sa silid niya ay nanginginig parin ito sa ginaw.

"You're abusing your body too much Mara." He whispered bago hinawakan ang kamay nito. "Uso ang salitang pahinga."

He get up pagkatapos bitiwan ang kamay nito at tinawagan ang pinsan niyang doctor.

"This better be important xander dahil busy ako." Bungad agad nito kaya napailing siya.

"Can you come in my house? I have someone here who's really sick. Can you check her up?" Tanong niya na nagpasinghap dito.

"Babae?"

"Yeah."

"OMG. Be there in 10 minutes." Sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Napailing nalang siya at lumabas nang kwarto para mag paluto nang dinner sa maid niya dahil ala syete narin nang gabi.

When his cousin came ay hinayaan niya itong icheck si Mara habang nag hihintay siya sa labas nang kwarto. Nakapagpalit nadin siya nang pambahay sa gamit ang kabilang kwarto.

"Hey."

Napaangat siya nang tingin and smile when his cousin came to her and tap his shoulder.

"How is she?"

"She needs to take rest. Over fatigue at hindi na nakayanan nang katawan niya. I already make her drink some medicine at iniwan ko sa side table mo ang iba with instruction kaya ikaw na ang bahala."

Ngumiti siya at tumango dito. "Thank you."

"Girlfriend mo?"

Napatigil siya bago bumuntong hininga. "Hindi pa."

"Hindi pa?"

"Tsk basta." He said na ikinatawa nito. "Uwi ka na nga."

"Hahaha namumula ka Xan. Sa wakas may bumihag na sa puso mo." Nakangiti nitong sabi kaya umiling siya at hinatid ito sa pintuan.

Nang makaalis na ang pinsan niya ay bumalik siya sa kwarto only to see Mara trying to get up.

"What the hell." Sabi niya bago lumapit dito at hinawakan ito para di matumba. "For fck sake lay down."

"Kailangan kong pumasok sa trabaho, late na ako." Sabi nito kaya mas lalong nainis siya.

"Damn it Mara inaapoy ka nang lagnat. Goodness humiga ka nga. Hindi ka papasok." Malakas ang boses na sabi niya dito at agad niya iyong pinagsisihan nang bigla itong umiyak. "Hey im sorry, I didn't mean to shout at you. I'm just worried ok? Sorry na baby." Sabi niya bago ito niyakap.

A Love For me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon